Kris Aquino breaks her promise not to do another teleserye

“Ayoko na talaga. Kaya lang, parang si Tita Susan ang nagsabi sa akin na ‘Habang bida ka pa, huwag mong talikuran.’ Sabi niya, ‘Kris naman, in your 30s, ikaw ang title-roler. This opportunity only comes once. Kailan ka babalik? When you are a lola?’" explains Kris Aquino about her decision to do another teleserye after Patayin sa Sindak si Barbara.


Nakatakda ang lunch meeting ni Kris Aquino sa mga ABS-CBN bigwigs bukas, February 6, para sa susunod na programang gagawin niya sa Kapamilya network pagkatapos ng matagumpay na horror-drama series na Patayin sa Sindak si Barbara.

"Hindi ko pa alam and I'm not at liberty to say," sabi ni Kris sa PEP (Philippine Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kanyang next project. "But I think it's another Susan Roces vehicle, but not any of those na na-announce niya."

Taliwas ito sa unang ipinahayag ni Kris na hindi na siya gagawa ng teleserye pagkatapos ng Patayin sa Sindak si Barbara.



"Ayoko na talaga," sambit niya. "Kaya lang, parang si Tita Susan ang nagsabi sa akin na, ‘Habang bida ka pa, huwag mong talikuran.' Sabi niya, ‘Kris naman, in your 30s, ikaw ang title-roler. This opportunity only comes once. Kailan ka babalik? When you are a lola?'

"Sabi niya, spacing lang kasi nakakabaliw lang naman talaga yung nangyari sa akin na naglu-launch ako ng Wheel of Fortune, nagpa-Patayin sa Sindak si Barbara, meron akong Boy & Kris, at meron akong commercial na ginagawa. Hindi na talaga ako humihinga, yun talaga. I was sick for 12 straight days because of that. That's really wrong for your health. So, dapat talaga inaayos nang matino yung schedule," lahad ni Kris.

RATINGS ISSUE. Kasabay ng pagpapalabas ng Patayin sa Sindak si Barbara, na tumakbo ng tatlong linggo, ang kainitan ng isyu sa paglabas ng mga informant ng ABS-CBN na may manipulasyon diumano sa ratings ng AGB Nielsen Media Research. Dito lalong umigting ang isyu ng network war. Ano ang reaksiyon ni Kris dito?

"Wala naman sa akin," sabi niya. "Kasi feeling ko, nung time ng Barbara, right away naman nag-congratulate sila sa akin kasi sila ang may rating nung time na yun, dedma ang ABS-CBN. So, text sila, ‘My God! Ang lakas talaga!'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, sabi ko, doon ako naniniwala. Sabi ko, ‘Oh, my God! Ratings na nila, malakas pa.' So, sabi ko, siguro malakas talaga. So, kahit na yung parang kahit buong katawan namin kinakagat ng lamok, kasi yung area na yun [location] super malamok, ha. Kasi parang semi-abandoned yung house. Mga ten years na 'ata na hindi nag-i-stay yung mga kids and all. So, may mga areas na parang hinihika-hika na ako and all.

"Tapos eto na lang, siguro the fact na si Tita Susan hindi nag-alinlangang humiga sa highway... Siyempre kahit gitna na, ang daming worms. Promise talaga, nakikita ko yung mga bulate kasi umulan, e. Tapos may mga ipis, may mga ganung kalalaking langgam, ‘tapos po pinagpag nila, inisprayan nila, okay. No choice, higa ako. Yun ang nakita ko sa kanya, yung professionalism."



PHILLIP SALVADOR.
Natanong din kay Kris ang isyu tungkol sa sa paghahain ng warrantless arrest sa ex-live in partner niya at ama ng anak niyang si Joshua, si Phillip Salvador.



"You know, we are no longer involved in each other's life so, it's off for me to comment," maikli niyang pahayag.



Last time na nakapanayam namin si Phillip, nasabi niya na nagkabati na ulit sila ni Kris si nang si Joshua mismo ang nagdala sa aktor sa taping ng TV host/actress.



"Ayokong mag-comment. We never fought but we're just not close. So, yun. So, huwag na lang ako mag-comment talaga. Kasi anyway, basta yun na yun. Quiet Krissy," nakangiting sabi niya sa sarili.



HER SONS' CRUSHES.
Speaking of Joshua, kung crush ng panganay niya ang 26K member na si Chloe, ibinuking naman ni Kris kung sino ang first crush ng bunso niyang si Baby James.



"Ang crush niya si KC [Concepcion]. Promise!" excited na rebelasyon ni Kris.

"Kasi every time yung commercial ni KC lumalabas, titigil ang lahat at nakatitig na siya doon. Gandang-ganda siya. Kita mo doon sa mata na parang pretty'ng-pretty siya. Tapos sinasabi ng tatay [James Yap] niya kagabi, kasi di ba sa TV Patrol, nali-link si KC kay Richard [Gutierrez]. Sabi ni James sa kanya, ‘Baby James, naunahan ka na ni Richard Gutierrez.' Super cute!" aliw na aliw na kuwento ni Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Alam na ba ito ni KC o kahit ng ina niya na si Sharon Cuneta?

"KC knows kasi si Juan Sarte fix me for this and normally does my ano... Sinabi na ni Juan sa kanya na siya yung first crush ng anak ko. Sabi ko, 'At least, you have a good taste, honey!'" tawa ulit ni Kris.

NEW BUSINESS. Super ipon daw ulit si Kris ngayon dahil naubos ang pera nila sa pagpapatayo ng bago nilang bahay. Bukod diyan, nagsi-save rin si Kris sa bagong negosyo na papasukan nila ng kaibigan niyang si Boy Abunda.

"Para for the future kasi gusto namin ni Boy magkaroon ng resort sa Guimaras. Kaming dalawa ang magbi-business. May nahanap daw siyang ano, ‘tapos sabi niya, nagne-negotiate siya ngayon. Magkaka-resort kaming dalawa," lahad ni Kris.

Magkano naman ang magiging puhunan nila sa itatayong resort?

"Ewan ko kay Boy. Basta sabi niya mangyayari 'yan. Mga five years siguro. Siyempre pag-iipunan mo. Meron siyang nakitang land na kailangan naming i-develop. Pero ang sinabi niya, super ang lalaki na raw ng mango trees. E, di siyempre, ang come-on mo, mango picking. ‘Yan ang future plan namin," excited na sabi ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN