Mark Herras plays bad boy in "Joaquin Bordado"

"Sa tingin ko naman po wala naman po siyangdapat na pagselosan. Kasi, wala namanpo akong ginagawang masama. I'm just helping Jen. Nandito lang naman ako tosupport Jen," Mark Herras assures Patrick Garcia, the father of his ex-girlfriend Jennylyn Mercado's baby.


Muling humarap sa entertainment press at sa PEP (PhilippineEntertainment Portal) si Mark Herras para sa grand press launch ng bagongprimetime series ng GMA-7, ang JoaquinBordado, kagabi, February 4.

Sa bagong series na ito ay gumaganap si Mark bilang bunso atrebeldeng kapatid nina Robin Padilla at Ian Veneracion.

"Ibang-iba...sobrang iba. Rebeldeng bunsong kapatidnina Kuya Binoe at Kuya Ian. 'Tapos,basagulero. Although may dahilan naman po kung bakit ako nagkaganoon, dahil narin sa mga nangyari sa parents namin noong bata pa kami.

"Yun nga lang, first time ko pong gaganap sa ganitongrole. At ang masasabi ko lang, masarap, masarap...Hindi ko naman po masasabingkontrabida ako rito, it's more on rebelde lang po talaga," paglalarawan niMark tungkol sa kanyang role.

Bakit niya nasabingmas masarap gawin ang character na ginagampanan niya ngayon?

"Kasi po, compared po sa mga character na nagawa ko,normally po talaga palaging pa-tweetums, pa-sweet, di ba? Dito naman, ito ang first time na yung roleko, gago. Palagi akong nasa club, palagi akong umiinom. Hanggang sa nagingfriend ko si Iwa [Moto] at palagi ko siyang pinupuntahan at kinukulit,"sabi ng young actor.

Naitanong din kay Mark kung in real life ba ay dumating dinsiya sa puntong nagrebelde pala siya?

"Hindi po . Wala. Never na nangyari sa akin ‘yun."

Biniro ng PEP si Mark na baka nagiging image na nga niya angpagiging bad boy since he's actually tagged as "Bad Boy of the DanceFloor, 'tapos bad boy na rin ang nagiging image niya when it comes to hislovelife, and now in his role in JoaquinBordado.

"Hindi naman, hindi naman po. Nag-try lang sila ngbagong image. Sabi ko nga po, yung image ko ngayon, different naman sa mga datikong ginagawa," paliwanag ng young actor.

JENNYLYN'S CONCERT.Tinanong din ng PEP si Mark kung bakit wala siya noong nakaraang concert ngex-girlfriend at dating ka-loveteam niya na si Jennylyn Mercado sa Zirkoh lastSaturday night, February 2. Talaga bang sinadya or nagkataon lang na may work siya kung kaya't hindi siya nakarating dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May taping po akong talaga," paglilinaw niya."Dapat surprise po talaga. Pero on the other hand, siguro nga po, okay narin siguro na hindi ako nakarating. Kasinagiging isyu po kasi ngayon na parang nakikigulo pa raw ako sa kanila. Kaya siguro, okey na rin sigurong hindi akonakarating sa concert ni Jen."

Bakit nga ba may isyung nakikigulo siya sa dalawa?

"Hindi ko nga rin po alam," sagot niya."Siguro po, dahil sa pagbibigay ko ng chocolate drink for pregnant women. Hindi ko rin naman poalam kung bakit nila binibigyan ng ibang meaning, e, tingin ko naman po, walanaman po akong ginagawang masama kung nagpadala ko ng chocolate drink forJen. Wala naman po akong ibangintensiyon."

Pero bakit nga ba niya naisipang padalhan ng chocolate drinksi Jennylyn?

"Nagtanong po kasi ako sa EP [executive producer] ko saMy Only Love, kay Tita Camille,napag-usapan namin si Jen. So, tinanong ko sa kanya kung ano ba ang maganda kayJen na iniinom or kinakain? 'Tapos, siya nga yung nagsabi na yun[chocolate drink] nga raw.”

"So, sabi ko, sige, bibigyan ko. Ako naman, concerned lang ako for Jen and forthe baby at hindi dahil sa ex-boyfriend ako, but kaibigan kasi ako niJen."

Sa palagay niya ba, dahil sa naging gesture niya na 'yon sa ex-girlfriend,naging dahilan ito para pagselosan ni Patrick?

"Sa tingin ko naman po, wala naman po siyang dapat napagselosan. Kasi wala naman po akongginagawang masama. I'm just helping Jen. Nandito lang naman ako to support Jen," diin ni Mark.

May mga bali-balitang nagkakalabuan o napapadalas ang mgapagtatampuhan nina Jennylyn at Patrick. Ano ang masasabi ni Mark dito?

"Well, sana po ay hindi naman totoo. Sana ay hindi naman matuloy. For the sake of the baby na rin, 'di ba?Siguro dapat lang na mas lalo pa silang maging strong sa love nila.Dahil hayan nga, may baby na nga. So, sana huwag nilang pabayaang masayang.Kawawa si Jen. Kawawa rin naman si Patrick."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natawa si Mark nang isunod namin ang tanong na kung si Jenay malapit ng maging isang ina, siya kaya ay nai-imagine na rin ang sarili saganoong situwasyon?

"Naku, ako po ano... Takot na lang siguro for me dahilako ang breadwinner ng family. Na ayokong-ayokong mabalewala...mabalewala ang mga pinaghirapan ko," pagtatapos niMark.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN