Ryza Cenon astounded by intrigue that she broke up Mark Herras and Lian Paz

"Takot din po ako. At saka, bantay din po ako ng lola ko. ‘Tapos, wala naman din po akong boyfriend. Siguro po kasi, hindi rin naman po ako mahilig lumabas or makipag-gimikan," replies Ryza Cenon when asked about the possibility of getting pregnant like fellow StarStruck alumna Jennylyn Mercado.


Hindi pa mapapanood kaagad ang character ni Ryza Cenon bilang si Cecille at love interest din ni Mark Herras sa bagong primetime show ng GMA-7, ang Joaquin Bordado, dahil sa third or fourth week pa raw kasi siya papasok.

Tila tanggap naman ito ni Ryza ito kahit may mga nagsasabing sa kanya bumagsak ang suwerte na dapat sana ay kay Jennylyn Mercado, na siyang original choice para sa role na Cecille. Now that Jennylyn is pregnant, marami ang nagsasabi na mas dumami ang opportunities ng ibang young actresses sa GMA-7.

Pero ipinagkibit-balikat lamang ito ni Ryza. Aniya, "Hindi naman...marami naman kaming babae dito sa GMA. Actually, na-shock din po ako noong nabalitaan ko. Actually, lahat naman, e, unexpected kasi ang nangyari. Pero hindi naman dahil nabuntis siya, masaya ko. Masaya ako dahil blessing yung napunta sa kanya. May angel na dumating sa buhay nila ni Patrick [Garcia, Jennylyn's boyfriend]. So, masaya ako para sa kanila. Sana nga, maging strong yung relationship nila.

"Siyempre po, ako, masaya po ako na may bagong show. Happy naman po ako sa lahat ng nangyayari sa career ko," pahabol pa ng StarStruck Batch 2 Ultimate Female Survivor.

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ryza kung nagkaroon ba ng paalala para sa mga babaeng talents ang GMA Artist Center dahil sa nangyari kay Jennylyn?

"Una pa lang naman po, e..." panimula ni Ryza. "Sa pag-umpisa pa lang po ng kontrata namin sa StarStruck po, nakalagay na sa contract na bawal mabuntis ang artista nila. May penalty po kasi."

Nalaman tuloy ng PEP through Ryza na may mga ganoon palang ruling sa kontrata nila. Kaya naitanong na rin sa kanya na kung ganun pala, ano ang puwedeng mangyari sa artist na nabuntis nang wala sa panahon?

"Sa mga endorsers po, magbabayad ka. Kung magkano ang talent fee mo, doble ang babayaran mo. Sa contract naman po, depende po sa kanila. Desisyon po nila ‘yon kung pagbabayarin ka, kung tatanggalin ka, or okay lang," saad ni Ryza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isang matunog na "Yes!" ang naisagot ni Ryza nang tanungin namin siya kung masisiguro niya ba, not just GMA Artist Center, but also her fans, na hindi mangyayari sa kanya ang maagang pagbubuntis.

"Takot din po ako," ang sabi niya. "At saka, bantay din po ako ng lola ko. ‘Tapos, wala naman din po akong boyfriend. Siguro po kasi, hindi rin naman po ako mahilig lumabas or makipag-gimikan."

Biro namin kay Ryza, hindi kaya sa bandang huli ay sila rin pala ni Mark Herras ang magkatuluyan? Kung matatandaan ay na-link na sila ni Mark noon at sinasabi ring siya ang naging rason ng tampuhan nina Mark at Jennylyn. Ngayon ay magkatambal sina Ryza at Mark sa Joaquin Bordado.

"Actually, may tuksuhan na nangyayari... Like sa Maynila, nagte-taping kami. ‘Yan yung isyu kay Lian na naghiwalay sila, ‘tapos sinasabi nila, ‘Kayo na lang.' Sabi ko, ‘Naku hindi, kilala ko si Mark!'

"Kumbaga, para sa akin, talagang kaibigan lang ang tingin ko sa kanya. Kaibigan lang po talaga, promise! Yun lang po talaga ang turingan namin. At saka, mas maganda ang trabaho namin kapag ganoon lang kami. Kapag may something sa amin, magkakailangan, so, mas gusto ko po na magkaibigan na lang kami para mas maganda ang relationship namin sa trabaho," paliwanag ni Ryza.

But if ever, may pag-asa ba si Mark, kung manliligaw nga ito, lalo ngayon na both of them are single?

"Alam na ni Mark yun!" at saka siya natawa. "Basta alam na po ni Mark...E, kasi po, kahit harap-haparan sinasabi ko sa kanya na, 'Ayoko sa ‘yo!' Pero mabait po talaga si Mark. Yun nga lang po, mas okay po na magkaibigan kami kesa siguro po yung may relasyon."

Nagulat din si Ryza nang may magsabi sa kanya during the presscon of Joaquin Bordado na siya sa naging isa sa dahilan ng breakup nina Mark at Lian Paz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako raw?" nagulat na tanong ni Ryza. "Bakit ako? Actually, tinanong ko si Mark noon. Sabi ko, ‘Anong nangyari?' 'Tapos yun din po namang sinabi niya noon sa TV, na meron daw nangyari...na si Lian nga raw po ay nakipagkita sa ex.

"Sabi ko pa po, ‘Totoo ba yan?' Tapos sabi niya, nakita niya raw. So, yun po yung sinabi niya sa akin, kaya nakakapagtaka naman po na malalaman ko ngayon na ako raw... Hindi po talaga," diin pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN