John Prats dines with Shaina Magdayao’s parents

"Kapag may free day ako, I go to theirhouse. Hindi naman din naman kasi kami lumalabas, e. Kumbaga, nagkikita langkami 'pag ASAP, 'pag rehearsal. Kaya pinupuntahan ko na lang si Shaina sa bahay nila," says John Prats about courting Shaina Magdayao (inset).


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang young actor na si JohnPrats kahapon, February 5, sa shooting ng Manay Po 2. Ito ay ginanap sa VistaReal Classica.

Inamin ng binata na totoong nag-dinner na siya sa bahay ngnililigawan niyang si Shaina Magdayao, kasama ang pamilya nito.

Sabi ni John, "Before ng presscon ng serye nilang Lobo,nag-dinner ako sa kanila."


Kumusta naman ang pakikiharap sa kanya ng pamilya ni Shaina, lalo na angmga magulang ng dalaga?

"Sobrang okay naman ang pakikitungo nila sa akin," sagot ni John "Kaya nga nakakagulat yung mga tsismis na sinasabingagainst sa akin yung parents ni Shaina. Wala naman silang ipinakitang masama saakin. Even si Ate Vina [Morales, Shaina's sister], sobra siyang okay sa pakikitungo saakin."

Nasundan pa ang pakikipag-dinner ni John sa pamilya ni Shaina. Ilang beses na pala niyang nakasama ang mga ito sa dinner.

Kuwento ni John, "Kapag may free day ako, I go to their house. Hindinaman din naman kasi kami lumalabas, e. Kumbaga, nagkikita lang kami 'pag ASAP,'pag rehearsal. Kaya pinupuntahan ko na lang si Shaina sa bahay nila."

May paliwanag si John kung bakit hindi sila lumalabas niShaina.

"Siguro isa rin yung factor na gusto lang naming magingprivate. Yun din ang gusto ng parents niya na sa house lang. So tama, kungmanliligaw ka ng pormal, dapat sa house," sabi ng binata.

Nasa ligawang stage pa lang ba talaga sila ni Shaina? Oitinatago lang nila ang tunay nilang relasyon?

"Kung talagang kami na, ba't naman namin itatago? Ba't mo naman itatagoyung kagaya ni Shaina Magdayao na dapat proud ka na magkaroon ka ng girlfriendna ganun. Saka kung talagang magiging kami na, ang unang-unang makakakalam, angparents niya," paliwanag ni John.

Sa February 14, which isValentine's day, ay birthday na ni John. Ang birthday wish kaya niya aysagutin na siya ni Shaina?

"Well, sana," ngiti niya. "But ako naman, Idont want to rush her, na 'Hoy, sagutin mo na ako!' Ganyan, ganyan. Gusto kokung kailan na siya ready at kung kailan naman din siyempre ready ang pamilyaniya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN