Iwa Moto considers sexy role in "Joaquin Bordado" a challenge

"Sexy lang. Hindi ko kakayanin yungpaninindigang mag-bold o maghubad-hubad. Puwede ka namang maging sexy withoutexposing too much skin, o yung todo-hubad na," says Iwa Moto abouther more daring role in Joaquin Bordado.


Inilabas na nang tuluyan ni Iwa Moto ang kakikayan niya at mukhang palaban na ito sa paseksihan. Dumating sa press launch ng JoaquinBordado last Monday night, February 4, si Iwa na naka-super-plunging neckline, na halos lumuwa ang kanyang boobs.

"Natsa-challenge naman ako sa ganitong image,"sabi ni Iwa sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Wala lang. Gusto ko lang patunayan na kakayanin ko ito.Baka nga sa ganitong paraan, I could get better roles.

"Masaya ako sa ginagawa ko. Hindi totoong napipilitanlang ako. GRO at sexy dancer ako sa Joaquin Bordado na may lihim na pagtinginkay Robin [Padilla], pero mai-involve ako sa nakababata niyang kapatid sabagong series na ito, si Mark [Herras].

"Ibang klaseng role ito na ngayon ko lang gagampanan,kaya simula na sana ito ng pagtitiwala sa akin ng GMA-7 sa mas naiiba pangroles in the future," banggit ng young actress.

Pero nilinaw ni Iwa na hanggang pa-sexy lang siya. Hindiraw niya kakayanin ang magpakita ng boobs o very private parts.

"Konting skin lang diyan, why not?" kikay na sabipa ni Iwa. "Sexy lang. Hindi ko kakayanin yung paninindigang mag-bold omaghubad-hubad. Puwede ka namang maging sexy without exposing too much skin, o yung todo-hubad na.

"Basta hanggang ganoon lang. May konting pagigingwholesome pa rin. Besides, lagi akong napapanood sa TV kaya mahirap mawalan ngkontrol sa limitations."

Gusto lang ni Iwa na flexible ang dating niya sa mga tao.For one thing, kaya naman daw niyang panindigan ang pagpapa-sexy.

"Kahit paano siguro, naipo-project ko nang tama. Hindinaman ako papayagan ng GMA-7 na mag-project ng ganitong image kung hindi kokakayanin," ani Iwa.

SEXIER THAN KRISTINE? Binansagan na ng ibang press people si Iwa bilangpinakaseksing bida-kontrabida ng GMA-7. Mukhang talbog na raw niya si KatrinaHalili.

"Naku, intrigahin ba kami ni Katrina?!" natawa nalang nang malakas si Iwa. "Hindi ko kaya si Katrina. Ilang taon na bangadjudged sexiest si Katrina sa FHM?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ang maipagmamalaki lang daw ni Iwa, walang ginalaw sakatawan niya.

"Walang retoke sa akin, especially my boobs. Lumiit nanga. Kasi pumayat ako. Yun ang hirap sa akin, kapag pumayat, kasama pati angboobs, kaya medyo lawlaw 'yan, at hindi rin kasi ako nagba-bra kasi,"napaka-candid na sabi ni Iwa.

Ang size ng boobs ni Iwa ay 34, cup C. Okay na sa kanya'yon, pero mas malaki nga lang dati.

SECOND CHOICE. Blessing para kay Iwa angpagtanggi ni Cristine Reyes sa role na naipagkatiwala sa kanya sa JoaquinBordado.

Ayon kay Iwa, "May reasons si Cristine kung bakit niya tinanggihan,and I have no right naman to comment on that. Basta itong role na ito,finally, ibinigay sa akin, happy ako.

"Naroroon ang tiwala ng GMA-7 sa akin kaya ayokongsayangin. As with Cristine, hindi rin natin alam kung ano 'yung kapalit ngpagtanggi niya. Wala akong masasabi."

Hindi mahalaga kay Iwa kung second or third choice langsiya. Basta ang importante, siya ang last and final choice, sa kanya napuntaang role at pagbubutihan na lang daw niya para maging karapat-dapat dito.

"Masaya ako kapag may trabaho ako,"sabi ni Iwa. "Yun lang ang gustoko sa buhay. Ang feeling ko, napansin din siguro ako dahil maganda yungfeedback sa ginawa ko sa Mahawi Man ang Ulap. Yun ang sinasabi ni Direk Mac Alejandre sa akin kaya finally, nang tumanggi si Cristine, sa akin na lang ipinagkatiwala angrole."

MANHATER? Kung tatanungin naman kay Iwa ang tungkol sa datingboyfriend na si Yexel Sebastian, parang may kung anong bitterness na maaaninagsa mukha ng young actress. Pero naidaraan pa rin niya ito sa biro.

"Hindi naman sa naging manhater ako," paglilinaw niya. "E, kasi, hindipa ako nakakatiyempo ng lalaking seseryosohin ko at seseryoso rin sa akin. Parang pare-pareholang sila.

"Sa halip na 'yan ang intindihin ko, ito na munang trabaho.Parang ang dami ko rin kasing haharapn, 'tapos mawiwindang ang schedule ko dahil lang salalaki. Masaya ako sa ginagawa ko, kaya rito na lang muna ako," pahayag pani Iwa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN