Toni Gonzaga doesn't worry about postponement of "My Big Love" playdate

Toni is happy for her first Valentine with aspecial someone."I'm sure naman tatangkilikin din naman ng mgatao ang mga movies on Valentine's kasi maraming magde-date, kumbaga may optionssila, may choice sila kung ano ang papanoorin nila," Toni Gonzaga said abouther movie, My Big Love clashing with the Marian Rivera-starrer MyBest Friend's Girlfriend.


Kung ang Valentine's presentation ng GMA at Regal Films ay ang MyBestfriend's Girlfriend nila Marian Rivera at Richard Gutierrez, sinasabi ng iba na ang ang My Big Love ng Star Cinema, na pinagtatambalannila Sam Milby at Toni Gonzaga, ang itatapat dito.

Pero taliwas sa inasahan ng karamihan, tuloy ang showing ng MyBestfriend's Girlfriend sa February 14, at napabalitang sa February 28 na ang MyBig Love.

Dito ay nabahiran nang intriga ang pag-urong daw ng playdate ng My Big Love. Hindi kaya natakot ito na matalo ng My Bestfriend's Girlfriend sa takilya?

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last Sunday, February 3, kay Toni sa dressing room ngASAP, expected na raw niya na may intrigang lalabas na kagaya nito perosiniguro niya sa amin na ang dahilan ay hindi dahil sa takot sumabay ang My Big Love sa pelikula nina Marian at Richard.

"For me, healthy lang naman na nagkakaroon ng ganyang issues. Expected na naman ‘yan coz it's natural in the business na lagyan ng issues anglahat. But let me assure you na walang takutang nangyari. Ever sincenaman , kahit yung You Got Me, dinaman siya ginawang Valentine's presentation ‘coz sa mga sked ngshooting days na nagkaproblema. Ditokasi sa My Big Love, bukod sa gusto lang namin mas pagandahin pa yung movie, ayaw naming madaliin.

"May kani-kanya din kaming schedule na 'di magtugma-tugma.Ako nga, mayroon akong one week off ngayong Linggong ito. Nag-stop akongshooting and taping because of my first major concert on Feb. 9, yung CatchMe, Toni Gonzaga. Ito ang talagangpinaghahandaan ko ngayon kasi nga, first time ko ring magkakaroon ng first majorshow," paliwanag ni Toni.

Para kay Toni, kung natuloy man na maging Valentine'spresentation ng Star Cinema ang My Big Love at makasabay man nito ang MyBestfriend's Girlfriend, wala raw siyang nakikitang problema pagdating sa reception dito ng tao.

"I'm sure naman tatangkilikin din naman ng mga tao ang mgamovies on Valentines kasi maraming magde-date, kumbaga may options sila...maychoice sila kung ano ang papanoorin nila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit na pumatok sa tao ang YouAre The One and You Got Me, hindi ba kinakabahansi Toni sa magiging pagtanggap ng tao sa third team-up nila ni Sam?

"Siyempre laging may pressure na sana tangkilikin nila, perosa ngayon, di namin iniisip yun. We'refocusing kung paaano mapapaganda yung movie para maging worth yung every pesona ibabayad nila sa sinehan," sagot ng dalaga.

'Di itinago ni Toni na dati ay dumaan din sa pagsubok angfriendship nila ni Sam at ngayon, sa My Big Love, ay masasabi niyang masmagaan at mas maganda na ang work relationship niya sa kapareha.

"Tapos na yun, naayos na yung dapat maayos. Masaya yung shooting days namin niSam, I always look forward sa mga mga shootings days ng My Big Love. Dumating na siguro kami sa point na veryrelaxed na kami sa isa't isa, that we're really comfortable with each other."

This is also Toni's first Valentine's Day with a boyfriendpero dahil focused nga sa gagawing concert ay wala pa ring plano ang aktres sakung ano ang gagawin nila ni direk Paul Soriano.

"I don't know yet...Siguro pagkatapos ng concert, saka komalalaman kasi sa ngayon bugbugan nakami sa rehearsal, tingnan na lang natin ang mangyayari.

"I'm just thankful and happy that Paul is very understandingand supportive. Pinagpe-pray niya akoand he's not time-consuming, naiintindihan niya ang work ko, 'di niya kinukuha yung oras ko pagdating sa trabaho," pagtatapos ni Toni.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN