Alfred Vargas cites busy sked for his non-appearance at "ESP" presscon

"Hindi ako nakikipag-date. I just go outwith friends, Napansin ko rin na kailangan ko rin sa sarili ko. Although walanaman akong exclusive na dini-date, yung mga friends ko, sila ang palagi kongsinasamahan. Pero walang level nang romantic sa paglabas-labas ko with myfriends," Alfred Vargas said about having zero love life these days.


Lead actor si Alfred Vargas sa bagong GMA series na ESP, ang programang papalit sa time slot na binakante ng Magpakailanman, tuwing Huwebes ng gabi. Kasama ni Alfred sa seryengito sina Iza Calzado at Francine Prieto, who will play investigative TV journalists. Si Alfred naman will portray the character of a TV executive.

Hindi nakadalo si Alfred sa presscon ng ESP lastweek kaya inusisa ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last Sunday sa SOP ang dahilan ng kanyang hindi pagsipot.

"Nasa Laurel, Batangas, ako that time kasi I wastaping my segment for Nuts Entertainment," paliwanag ng aktor. "Fourepisodes ang tini-tape namin that time. Sinubukan kong humabol pero medyomabigat talaga ang schedule kasi physical activity ang kinukunannamin. Balak ko naman talaga humabol sa presscon pero dumating ako sa Manila past 12 midnight na. Tapos na rin naman angpresscon that time."

Sa kabilang banda, natuwa si Alfred nang malaman na maganda ang feedback satrailer pa lang ng ESP. Siya ang leading man dito ni Iza at magandaraw ang rapport nilang dalawa sa set.

"Sana okay ang bagong show at sana magtagal ito,"sabi pa ng aktor na umani ng papuri sa pagganap niya sa kanyang recent filmfest entry, ang Banal.

Hindi nababakante si Alfred pagdating sa mga assignments.Bukod sa Nuts Entertainment, kasali rin siya sa cast ng MyOnly Love, na malapit na rin magtapos this February. Ang ESP naman ay magsisimulang umere ngayong Huwebes, February 7, kaya balik-primetime ang kaguwapuhanni Alfred.

"Okay naman," ang sagot niya nung tanungin siya about his upcoming TV series.

Sa pagpapatuloy niya, "Masaya. Ibang material naman itong ESP.Yung Nuts Entertainment, comedy. Drama naman ang My Only Love, 'tapos suspensehorror-drama naman itong ESP."

Reunited sila ni Iza dito sa ESP. Nagkasama na sila inseveral episodes of Magpakailanman at Engkantadia.

"Drama-suspense naman itong bagong show namin atmakikita ng mga tao na ibang-iba naman ito sa usual fare na napapanood nila saprimetime," sambit ng aktor. "Maganda ang series na ito dahilmakakatikim ang viewers ng bagong rekado."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ba ang mayroon sa isang Alfred Vargas at very much indemand siya? Dahil ba ito sa factor na si Lolit Solis angkanyang manager?

"Marami pa rin naman akong dapat patunayan bilang isangartista kaya nga thankful ako sa mga trabahong patuloy na dumarating sa akin.Natutuwa ako dahil binibigyan nila ako ng venue para mapatunayan ko angkakayahan ko bilang aktor," sabi ni Alfred.

Binanggit din niya na tuluy-tuloy ang pelikulang nakatakdaniyang gawin this year. In fact, Alfred is looking forward to a busy year dahilmaraming mga projects ang nakalinya para sa kanya. Katunayan, matapos ang dance numberniya sa SOP last Sunday ay nakatakdang pumunta si Alfred para sa isang screentest for a new movie offer.

"This year, gusto kong gumawa ng isang indie film,kahit na isa lang, basta maganda ang role, kukunin ko. Natutuwa ako sa mgaindie films kasi magaganda at kakaiba ang kanilang mga projects kayamaipapakita talaga ang galing ng isang artista," pahayag pa niya.

The last time nakausap ng PEP si Alfred, sinabi niyangpahinga muna siya pagdating sa matters of the heart. Gusto muna niyang bigyan ngpanahon ang kanyang sarili. Pero dahil may kasama siyang isang magandang babaenang dumalo siya sa 2007 Metro Manila Film Festival Awards night, marami angnagsasabing tila babawiin niya ang kanyang dating sinabi.

"Hindi ako nakikipag-date. I just go out with friends,Napansin ko rin na kailangan ko rin sa sarili ko. Although wala naman akongexclusive na dini-date, yung mga friends ko, sila ang palagi kong sinasamahan.Pero walang level nang romantic sa paglabas-labas ko with my friends,"sagot ni Alfred.

"Friend ko siya since high school," pahayag niAlfred about Julia Quisumbing, ang magandang babaeng kasama niya when heattended the filmfest awards night last month.

Wika pa ni Alfred, tila nakabuti raw na wala siyanggirlfriend sa ngayon dahil nadagdagan ang trabaho niya. Hindi naman daw niyasinasabing mahirap pagsabayin ang love and career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero baka si God na rin ang nag-set up nito. Sowini-welcome ko naman lahat. Basta sa ngayon happy ako sa ganitong set-up.Hintayin ko na lang siguro kung may darating," pagwawakas niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN