Eva Cariño Padilla reconciles with son Royette

"Bilang ina naman, lumambot na rin ang puso ko kay Royette since nag-sorry na siya sa akin noong Pasko at New Year... Nagyakapan kami at tuwang-tuwa siya na pinatawad ko na siya. Ako naman, ayoko rin na magdadamdam sa akin ang mga anak ko," says Eva Carino Padilla about reconciling with son Royette.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang butihin at kontrobersiyal na ina ni Robin Padilla na si Eva Cariño-Padilla sa press launch ng bagong telefantasya ng GMA-7, Joaquin Bordado, noong February 4, sa Studio 3 ng GMA Network.

Masayang-masaya si Mommy Eva dahil hindi lang ang mga anak niyang sina Robin at Rommel Padilla ang nasa naturang primetime TV series kundi pati na ang mga apo niyang sina Kylie at Ralph Padilla.

Ayon kay Mommy Eva, natutuwa siya dahil mapapanood na niya gabi-gabi ang kanyang mga mahal na apo. Ang maganda pa nga raw ay hiningan pa siya ng approval bago nila pinasok ang showbiz.

"Happy naman ako para sa mga anak ko, lalo na sa aking mga apo dahil pati sila ay pinasok na ang showbiz," nakangiting sabi ni Mommy Eva.

"Humingi naman sila ng permiso sa akin kung okey lang daw ba na mag-artista sila," patuloy niya. "Ang sabi ko naman ay okay lang at kagustuhan nila ‘yan. Ako naman noon ay nag-artista rin, pero hindi ako sumikat kasi nag-asawa ako kaagad sa ama ng mga anak ko. Alam ko ang pakiramdam nang nagsisimula sa showbiz kaya gusto ko ring maranasan ‘yan ng mga apo ko."

May chance kaya na magkaroon ng guest appearance si Mommy Eva sa Joaquin Bordado?

"Okay kung guest lang. Nakatrabaho ko naman sina Binoe at Omeng [Rommel] sa mga pelikula nila dati. Kung alukin man ako na mag-guest sa show, walang problema sa akin basta kaya ng katawan ko," pahayag ni Mommy Eva.

Kinumusta rin namin kay Mommy Eva ang isa pa niyang anak na si Royette Padilla. Ayon sa kanya, nagkabati na raw sila ng kanyang anak noong isang linggo lamang.

"Okay na kami ni Royette. Last week lang kami nagkaayos talaga," kuwento ni Mommy Eva. "Ang nangyari kasi ay text nang text sa akin si Royette at hindi ko sinasagot. Ganyan kasi ako magtampo sa mga anak ko. Hindi ko sinasagot ang mga tawag or text nila sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Noong umuwi ako sa probinsiya last week, nag-text siya na kung uuwi daw ako, sana ay makadaan ako sa kanila. Bilang ina naman, lumambot na rin ang puso ko kay Royette since nag-sorry na siya sa akin noong Pasko at New Year. So, sinorpresa ko siya, pati na ang apo ko sa kanya. Nagyakapan kami at tuwang-tuwa siya na pinatawad ko na siya. Ako naman, ayoko rin na magdadamdam sa akin ang mga anak ko.

"Si Royette, dumaan siya sa matinding problema at naintindihan ko ‘yon. Ngayon, okay na siya. Malusog siya at mas okay siya kumpara sa huling nagkita kami," masayang lahad ni Mommy Eva.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN