Iza Calzado's boyfriend knew from the start that she'd be linked to Robin Padilla

"Naku! Luma na po ako rito! Magsi-six years napo ako rito. Pero sa totoo lang, huwag naman pong ganoon, I think we shouldstop doing this thing, tagging peopleand then, making them compete with one another," Iza Calzado quipped whenpeople call her GMA-7's new primetime princess.


Tanggap ni Iza Calzado na hindi maiiwasangma-link siya sa leading man niya sa Joaquin Bordado na si Robin Padilla. Aware daw ang aktres na ngayongmagkakasama sila ng mas matagal sa bagong primetime series ng GMA-7, mapag-uusapan ang kanilang tambalan, lalo pa't haloslahat ng leading ladies ni Robin ay nali-link sa action star.

"Hindi naman lahat! Lahat daw ba? Hindi pa naman niya akonililigawan!" natatawang biro ni Iza.

Kumusta naman ang pakikipagtrabaho niya kay Robin?

"Oh, he's a nice guy!" sambit niya. "Maalaga. Siyempre minsan, kapag pagod ka na, nakakatuwa rin naman na maynag-aasikaso sa ‘yo. 'Tapos, very professional. At saka malaking tulong kasi saakin na meron akong kaeksena nanararamdaman ko. Malaking tulong kasi yun, e. Yung hindi lang ako ang gagawa.Hindi lang ako ang magbibigay. Masarap siyang katrabaho."

Ayon pa kay Iza, hindi naman ito ang unang pagkakataon na magtatambal sila ni Robin dahil nagkatrabaho na rin sila noon sa pelikulang Blackout (2007). Pero this time sa Joaquin Bordado, marami silang kissing scenes.

Kaya tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal)si Iza sa presscon ng Joaquin Bordado noong Lunes, Pebrero 4, kung naihanda na ba niya ang non-showbiz boyfriendna si Jerry Garcia sa posibleng pagli-link sa kanilang dalawa ni Robin.

"Yung tsismis kasi, kasama. Minsan kasi, hindi naman talagatotoo, di ba? Parang it comes with the whole thing. The whole package," pahayag ng magandang aktres.

Nang mabanggit niya sa kanyang boyfriend ang mga posiblengmaglabasang isyu about her and Robin, ano ang naging reaction nito?

"Sabi niya, 'I knew this from the very beginning. I knew whenI courted you that this is your job. Imean, the way that they did it in Hollywood is even worse! Talagang, diba, go? Pero ‘yun nga, this is nothingcompared to your job,'" lahad ni Iza.

Walang duda na Iza is on top of her career. Aside from Joaquin Bordado, may isa pasiyang bagong show sa GMA-7, ang E.S.P. May sinabi pa ang aktres na magandang mangyayari sa kanyang career, although hindi niya puwedengsabihin sa ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napa-react lang si Iza at idinaan sa bironang may magkomento na siya na raw talaga ang bagong prinsesa ngGMA-7.

"Naku! Luma na po ako rito! Magsi-six years na po ako rito!"natatawa niyang sabi. "Pero sa totoolang, huwag naman pong ganoon, I think we should stop doing this thing, tagging people and then making themcompete with one another. Of course, there's always competition. That's natural... Pero you know, the way‘yung...o, yung isa palaging ganito. Hindi naman natural."

Dugtong pa niya, "Basta ang alam ko lang, matagal na nila[GMA-7] akong binibigyan ng trabaho na talagang pinagkakatiwalaan nila ako. Simula palang yata ng Te Amo. At siyempre, umaasa rin naman ako na dahil sa actingtalent ko yun. At saka, hindi ko rin naman sila binibigo dahilpinagtatrabahuhan ko naman ang aking mga shows."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN