Ryza Cenon moves to different address after apartment robbery

"Wala pong perang nakuha, sa awa naman po ng Diyos. Pero yung laptopko, alam n'yo po ba, yun yung unang-una kong binili ko nang nag-artistaako? One hundred thousand pesos po yun, e," narrates Ryza Cenon.



Hindi na solong namumuhay ang young actress na si Ryza Cenon. Mula sa pagiging independent by living solo in an apartment, kasama na niya ngayon sa nilipatan niyang bahay ang kanyang lola.

Isinama ni Ryza ang kanyang lola sa bago niyang tinitirhan dahil nanakawan ang young actress noong December sa kanyang apartment.

"Lumipat na ako, kasi ninakawan ako, e. Bago ako mag-birthday nung December, ninakawan ako. Ang mga ninakaw sa akin, yung laptop ko, digicam, kuwintas ng lola ko, 'tapos bag, mga pabango... Yung mga madaling dalhin na hindi mapapansin. Winasak po yung pinto. So nag-decide akong maghanap ng matitirhan. Dun sa bago kong tinitirhan, safe na po, meron nang guard," kuwento ni Ryza nang nakausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Joaquin Bordado last February 4 sa Studio 3 ng GMA 7.

Hindi raw alam ni Ryza kung inside job ang nangyaring pagnanakaw sa dati niyang apartment

"Iyak nga ako pagdating ko, e. Siyempre pagod ka," sambit niya.

Kuwento pa ni Ryza, "Kumuha siya [magnanakaw] ng bag para dun itago yung laptop, parang normal na kanya talaga. Yun yung naisip ko, kasi yung battery nun, tinanggal ko, e. Nasa akin yung battery, pero nasa kanya yung plug. So feeling ko, kumuha siya ng bag na malaki, ‘tapos dun niya inilagay yung laptop, yung mga pabango."

Bagama't walang nakuhang pera ang magnanakaw, malaki ang panghihinayang ni Ryza sa kanyang laptop.

"Wala pong perang nakuha, sa awa naman po ng Diyos. Pero yung laptop ko, alam n'yo po ba, yun yung unang-una kong binili ko nang nag-artista ako? One hundred thousand pesos po yun, e," naghihimutok na sabi ng dalaga.

Dagdag ni Ryza, malaking bagay sa kanya ang laptop dahil sa pamamagitan ng Internet sila nakakapag-usap ng kanyang ama na nasa Abu Dhabi, U.A.E. Alam na rin daw ng ama ng young actress ang nakawang nangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Mabuti na lamang at may bagong projects si Ryza, ang Joaquin Bordado, kaya makakapagpundar siyang muli ng mga nanakaw na gamit niya. Kapareha niya sa bagong action-adventure program na ito ng GMA 7 si Mark Herras.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN