Rhian Ramos wants a party to thank showbiz when she turns 18

"Sana if ever magka-party ako, which I want naman, siguro this yearit's na nga to have a party. Pero yun nga, kung may party ako, gusto koyung party lang talaga, where I can say ‘Okay, everyone, just have fun,go ahead enjoy!'" says Rhian Ramos.



Eighteen years old na si Rhian Ramos sa October 3. Sa past interviews sa kanya, laging sinasabi ng young actress na puwede na siyang ligawan kapag disiotso na siya. Yun pa rin ba ang plano niya ngayong palapit na nang palapit ang kanyang debut?



"Tingnan natin, if ever someone does it the right way... Yung hindi siya nagtatanong na ‘Puwedeng manligaw?' siguro okay lang," bungad na pahayag ni Rhian sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng My Only Love.

Since less than eight months to go na lang at ganap na siyang dalaga, may plano na ba si Rhian for her debut?

"Wala pang plano," sagot niya. "Pero every year, kung napansin n'yo po, hindi talaga ako nagse-celebrate ng birthday. Siguro naman it's time na parang 18 ako... ‘Tsaka ‘tong business [showbiz] na ‘to, malaking part siya in helping me grow up and becoming a lady, so I should throw a party even if just to thank lang the people who helped me out."

Totoo ba na hindi type ni Rhian ang bonggang formal party na naka-gown siya and all?

"Hindi ako sure, kasi hindi ako masyado yung parang systematic party," sabi niya. "Sana if ever magka-party ako, which I want naman, siguro this year it's na nga to have a party. Pero yun nga, kung may party ako, gusto ko yung party lang talaga, where I can say ‘Okay, everyone, just have fun, go ahead enjoy!'

"I'm not sure kung gusto kong magka-18 roses, 18 candles, kung anu-ano, kasi baka ma-pressure pa yung mga guests ko," pahabol ng dalaga.

Kung papipiliin siya, ano ang mas gusto niya: bonggang party, trip around the world, or a new car?

"Kung mamimili ako?" balik-tanong niya. "Mamimili ako na magtrabaho nang todo bago mangyari ang birthday ko para lahat puwede kong magawa!" tawa ni Rhian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi para sa akin, yung mga party... Hindi naman kasi ako super-mahilig sa mga parties, ayos lang. Pero yung party na yun, ‘pag nangyari yun, hindi siya para sa akin, para sa mga guests ko ‘yon. Yung trip abroad, para sa akin na yun talaga. Favorite ko talagang mag-travel."

Ang tatlong bansa na gustong puntahan ni Rhian na hindi pa niya napupuntahan?

"Hong Kong, dahil balita ko mura ang Nine West shoes. ‘Tsaka ang night life daw, maganda dun. So parang gusto ko lang ma-experience. ‘Tsaka kasi ang dami nang nakapunta dun, naiinggit na ako.

"Sa States, hindi pa rin po... Siguro L.A. [Los Angeles], kasi I wanna see what the fuss is all about because parang these days, nagma-migrate na sa States ang mga tao. So parang gusto ko lang makita kung ano ba meron dun.

"Third...Rome, dahil it's one of the European countries na hindi talaga nawala yung culture nila, na-preserve talaga nila yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN