Nineteen-year-old Sarah Geronimo has yet to experience her first date

Singer-actress Sarah Geronimo's wish for her 20th birthday on July 25 is for her mother to finally allow her to go on dates.



Wish ni Sarah Geronimo na payagan na siya ng kanyang ina si Mrs. Divine Geronimo na makipag-date sa isang guy kapag 20 years old na siya. Magtu-twenty na si Sarah sa July 25 kaya ilang buwan na lang ang kanyang hihintayin bago ma-experience ang kanyang first date.



Sa darating na Valentine's day, tatanungin pa raw ni Sarah ang kanyang ina kung puwede siyang lumabas. Pero kung hindi raw siya payagan, matatanggap niya kahit gusto pa raw niya yung lalaking makikipag-date sa kanya. Hindi raw niya magagawang takasan ang kanyang ina.

"Siyempre, huwag nang tatakas kasi may mga consequences yung mga takas-takas na yun, e. Mamaya, mabunggo pa, e, di ba?" sabi ni Sarah sa PEP (Philippine Entertainment Portal) during the presscon of All For Luv, her Valentine concert on February 13 at the Araneta Coliseum with Erik Santos, Rachelle Ann Go, and Christian Bautista.



Hindi ba siya mahirap regaluhan kapag Valentine's day?



"Okay lang po ako kahit na red roses, chocolates... Okay na ‘yon," sambit ng dalaga.



Sad to say, wala pa raw siyang natatanggap na red roses and chocolates sa mga nagbabalak na ligawan siya.



"Wala pa po. Nineteen na ako pero wala pang nagbibigay sa akin ng ganun," ngiti ni Sarah.



Wala ba siyang iimbitahan na special friend niya sa concert nilang All For Luv?



"Tingnan ko po," sagot ng dalaga. "Kapag pinayagan ako ni Mommy? Siguro po yung crush ko nung high school. Kaya lang, baka mataba na siya ngayon!" tawa ni Sarah.

Hindi ba niya iimbitahan si Rayver Cruz na nali-link sa kanya ngayon?

"Okay lang po, kung libre siya. Hindi ko nga rin po malaman kung bakit kami nali-link. But at least po, may natsitsismis sa akin. Improving! At least, may bago po, di ba?" natatawang sabi ni Sarah.

Bakit sila natsismis ni Rayver?

"Kasi one time po, tinanong ako kung sino ang crush ko. ‘Tapos nabanggit nila si Rayver, napa-smile lang ako. Kaya akala nila siya na yung crush ko kaya ganun," paliwanag ni Sarah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Nakausap din ng PEP ang Mommy Divine ni Sarah at madiin niyang sinabi na hindi pa rin niya papayagang makipag-date ang kanyang anak. Pero payag na raw siya na may umakyat na manliligaw ni Sarah sa kanilang tahanan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN