Angel Locsin admits talent-manager relationship with Becky Aguila is "not perfect"

Angel Locsin and Lobo leading man Piolo Pascual joined the Team Kapamilya parade at Chinatown yesterday, February 7, to celebrate the Chinese New Year.



Katabi ni Piolo Pascual ang kapareha niya sa Lobo na si Angel Locsin habang ini-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang aktor tungkol sa pagsusumite ng rejoinder-affidavit ni Lolit Solis para sa libel case na isinampa laban sa kanya nina Piolo at Sam Milby.

Napakapaloob sa rejoinder-affidavit ng columnist ang pagkukuwestiyon niya sa reply-affidavit nina Piolo at Sam kung saan inilatag nila ang affidavits ng kanilang mga testigo. Magkasama diumano sina Piolo at Angel na nagpi-pictorial para sa Timex sa oras na sinabi ni Lolit na nakita niya sina Piolo at Sam na nagbubulungan sa isang isang coffee shop sa Hotel Sofitel.

Tanong ni Lolit, bakit noon lang nag-present ng kanilang mga testigo sina Piolo at Sam samantalang puwede naman gawin ito nang mag-submit sila ng kanilang complaint-affidavit.

Hiningi namin ang reaksiyon ni Angel sa pagkukuwestiyon ni Lolit sa affidavits ng mga testigo nina Piolo at Sam.

"Hindi pa ako talaga pumupunta sa court, hindi pa ako tinatawagan ng abogado ni Piolo. Sinasabi ko na rin kahit before pa, sa past interviews ko, kung kailan at anong oras kami magkasama ni Piolo. Inuulit ko lang naman kung ano yung alam ko na nangyari talaga," pahayag ni Angel nang makausap siya ng PEP pagkaraan ng parada ng tatlong bagong primetime teleseryes ng ABS-CBN.



Kaugnay ng naturang parada, dinumog ng mga fans ang parada ng ABS-CBN Team Kapamilya shows sa Binondo kahapon ng umaga, February 7, kasabay ng Chinese New Year. Pinangunahan ng mga batang bida sa Kung Fu Kids ang unang float sa parada; sinundan ito ng Lobo nina Piolo at Angel; at pangatlo ang Palos sakay sina Jake Cuenca, Wendy Valdez, Regine Angeles, Ron Morales, at Bangs Garcia. Sumama rin sa parada sina Erik Santos, Sam Concepcion, at Christian Bautista.

Mag-a-alas-dose na ng tanghali nang matapos ang parada sa harap ng President restaurant kung saan nag-lunch ang ABS-CBN Team Kapamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LUIS MANZANO. Nagbigay rin ng reaksyon si Angel sa napabalitang breakup nila ng natsitsismis na boyfriend niyang si Luis Manzano.



"Okay naman. Alam ninyo naman kung ano ang priority ko ngayon, ‘tsaka kung ano yung mga pinagdadaaan ko. ‘Yan ang malinaw sa akin ngayon," pahayag ng young actress.



Marami na raw ang nakakakita sa kanila ni Luis na laging magkasama prior sa balita na nag-break na sila.



"Hindi naman namin idine-deny na nagkita kami, ganyan," diin ni Angel. "Wala naman sigurong masama doon. Wala akong nakikitang masama doon, di ba? Ganun din naman, nagkakasama rin naman kami sa mga ibang shows.



"Yung sa akin, hindi na dapat pag-usapan. Kung ano yung nangyayari sa akin... I mean, kasi para sa akin, hindi ko naman dapat i-share lahat. Kung meron man akong dapat sabihin, sasabihin ko rin naman in time, di ba? Basta sa amin, nag-e-enjoy kami, enjoy kami kapag magkasama. Pero alam namin kung ano ang priority namin," saad niya.

BECKY AGUILA. Nagsimula sa blind item, pero pinangalanan din this week ang napapabalitang di-pagkakaunawaan nila ng manager niyang si Becky Aguila. Dumidiretso na raw si Angel ng pakikipag-usap sa Star Cinema. Ano ang totoo rito?

"Nagtataka ako kung bakit ang dami-daming lumalabas na hindi naman ako nagsasalita tungkol doon. Nagtataka lang ako na parang, ‘O eto na naman? Ang dami-dami na namang lumalabas tungkol doon.' Kung kanino man nanggagaling ‘yon, huwag n'yo na sanang ungkatin kasi wala naman talaga, e. Siya [Becky] pa rin naman yung manager ko ngayon.

"Imposibleng dumiretso naman ako sa mga contacts ko, di ba? Artist lang po ako. Hindi ko rin po kayang i-manage ang career ko," pahabol niya.

Totoo ba na may gap sila ngayon ng kanyang manager?

"Siya pa rin ang manager ko," sagot ni Angel.

Nag-uusap ba sila?

"Ako, masasabi ko lang, kami ni Tita Becky, para kami yung mag-boyfriend-girlfriend. Lagi kong sinasabi, consistent ako doon. Plastic naman ako kung sasabihin ko na perfect yung relationship namin. Nag-aaway din kami ni Tita Becky, nagbabatian. Pero siya pa rin ang manager ko," ulit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakiusap naman si Angel na huwag ng sabihin kung hanggang kailan ang kontrata niya sa kanyang manager.

"Sa akin na lang po yun. Parang unfair naman po, nakakahiya naman kay Tita Becky," sabi ni Angel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN