Paolo Ballesteros visits his sick father in New York

"Alam ko naman na matapang at malakas ang loob ni Papa. Kaya niya angsakit niya. Pero gusto ko rin siyang makita kaya mabuti na lang nataposko lahat ng trabaho ko bago ako umalis," says Paolo Ballesteros.


Ngayong tapos na ang Zaido: Pulis Pangkalawakan, natuloy na ang pag-alis ng actor-TV host na si Paolo Ballesteros para bisitahin ang kanyang amang maysakit sa Amerika.

Kung matatandaan ay nagpa-interview si Paolo sa Showbiz Central last January tungkol sa kanyang amang si Mr. Elito Ballesteros, na may malubhang sakit. Sa New York na nakatira ang ama ni Paolo kasama ang pangalawang pamilya nito.

Matagal na raw hindi nakakausap o nakikita ni Paolo ang kanyang ama kaya nagulat siya nang malaman niyang malubha ang sakit nito. May sakit na mild dysplastic anemia ang ama ni Paolo. Isa itong rare stem-cell disorder kung saan apektado ang pagpu-produce ng red blood cells.



Umalis si Paolo ngayong araw, February 8, at baka two weeks lang daw siyang mag-i-stay sa New York. Matagal na raw niyang gistong dalawin ang kanyang ama, pero may tapings pa siya noon for Zaido. Ayaw naman daw niyang iwan na lang basta ang kanyang trabaho.



"Sinabi ko naman sa kapatid ko, na tumitingin sa daddy ko, na tatapusin ko muna lahat ng commitments ko rito bago ako lumipad for New York. Hindi lang kasi Zaido ang trabaho ko kundi pati Eat Bulaga at iba pang mga hosting jobs," sabi ni Paolo sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ilang araw bago siya umalis ng bansa.



Patuloy niya, "The last time na nag-long distance ako, hindi na raw naka-confine sa ICU ang daddy ko. Medyo um-okay na raw at nasa private room na raw siya. Natuwa naman ako sa ibinalita sa akin kasi ipinagdasal ko talaga ang health ng Daddy ko.

"Alam ko naman na matapang at malakas ang loob ni Papa. Kaya niya ang sakit niya. Pero gusto ko rin siyang makita kaya mabuti na lang natapos ko lahat ng trabaho ko bago ako umalis."



May mga dalang regalo rin si Paolo para sa kanyang amang maysakit. Pero ang pinakamagandang regalo raw siguro ay ang muli silang magkita nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Matagal na nga kaming hindi nagkikita and when I get the chance, tumatawag ako sa kanya. Wala naman na ang naging tampo ko kay Papa. Matagal na ‘yon, kaya okay na kami. Gusto kong makita na magaling na siya," pahayag ni Paolo.

Pagkatapos ng Zaido ay wala pang alam si Paolo na bagong show niya sa GMA-7. Sana raw ay sa pagbalik niya mula sa New York ay may bago na siyang TV show.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN