Lian Paz denies replacing Mark Herras with Paolo Paraiso

"Nag-hangout lang kami together and there's nothing wrong with it naman.Huwag pong bigyan ng meaning agad because I am enjoying myself,unwinding... Anyway, I'm single naman po," explains Lian Paz about a report saying that she is now dating Paolo Paraiso (inset, bottom) after her failed relationship with Mark Herras (inset, top).



May usap-usapan na nagkakamabutihan na raw ngayon ang EB Babes member na si Lian Paz at ang aktor na si Paolo Paraiso. Ayon sa impormasyong natanggap ng PEP (Philippine Entertainment Portal), magkasama last Wednesday, February 6, sina Lian at Paolo sa Embassy Bar at sweet na sweet diumano ang dalawa.

Upang kumpirmahin ang naturang balita, nag-text agad ang PEP kay Lian upang alamin sa dalaga kung si Paolo na nga ang ipinalit niya kay Mark Herras.

Saad ni Lian sa text, "Yup, I was at Embassy Bar last night with my co-EB Babe Joyce. And then, we saw Marco Alcaraz and Paolo Paraiso and since we have no company at all, we danced with them because they're our friends. Nag-hangout lang kami together and there's nothing wrong with it naman. Huwag pong bigyan ng meaning agad because I am enjoying myself, unwinding... Anyway, I'm single naman po. Friends lang muna lahat ngayon and career. Thanks po and God bless."



Tinanong din ng PEP kung handa na bang muling magmahal si Lian.

"Im not ready pa po," sagot niya sa text. "I am not closing my door to anyone, but this is not the right time pa po. Masyado pong traumatic lahat ng experiences ko kay Mark and I need time to heal."

Idinagdag ng dalaga na umaasa siyang in due time ay maghihilom din ang sugat na nilikha ng paghihiwalay nila ni Mark.



"Prayers... Ipinapasa-Diyos ko lahat ng nangyari sa akin and then, nandiyan ang family ko, my friends... Basta ine-enjoy ko lang po what I have now," sabi ni Lian.

Sinabi pa ni Lian na nagkita ulit sila ni Mark sa Eat Bulaga! last Saturday, February 2, pero hindi raw sila nag-usap at ni hindi man lang siya binati ng young actor. Ito ay naganap ilang linggo pagkatapos nilang magtagpo sa StarTalk at mag-usap on air.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN