Baron Geisler explains misunderstanding with Direk Maryo J. in "Torotot" party scene

"I admit I have a problem and I try doing something about it," says Baron Geisler.



Unang lumabas dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang balita na nagalit at nagbalibag daw ng silya ang batikang direktor na si Direk Maryo J. de los Reyes sa shooting ng pelikulang Torotot. Ang dahilan ng sobrang galit ni Direk Maryo ay ang isa sa mga artista ng pelikula na si Baron Geisler. Ayon sa lumabas na kuwento, nakainom si Baron habang nasa set at hinalikan sa isang eksena ang baguhang si Precious Adona kahit wala ito sa script.

Patunay ba ang pangyayari na hindi pa rin natatakasan ni Baron ang pagkalulong niya sa alcohol, na noon pa man ay nagbigay na raw ng kabi-kabilang mga problema at sakit ng ulo para sa dating child actor?

Last Wednesday, February 6, ay nagkaroon ng pagkakataon ang PEP na makausap sa telepono si Baron. Nagbigay ng kanyang panig ang aktor tungkol sa panibago na namang negatibong balita tungkol sa kanya.



"Let me make it clear na hindi ako ang lasing noon, it's the character that I portrayed," panimula niya. "Ganito kasi ang totoong senaryo, everybody is drinking on the set. Nag-serve ng alcohol si Direk Maryo kasi party scene, magulo, masaya... I think, relaxed siya [Direk Maryo] kasi nasa bahay niya kami sa Laguna, dun kinunan yung scene. He wanted the scene to look real siguro, so lahat kami pinainom niya.

"Hindi ako nagbi-beer, e, kailangan sa eksena lasing ako. So pinag-wine ako, it's just a white wine na alam naman nating lahat na mababa ang alcohol content. Sa tulad ko na madalas uminom, hindi ako nalalasing ng white wine lang. Hawak-hawak ko yung isang bote ng white wine, tinutungga ko."



Patuloy na kuwento niya, "Dun sa scene, hahalikan ni Yul [Servo] si Maui [Taylor], who's playing my wife. As my character, ang nabuo sa isip ko, ‘Ah, okay, hahalikan mo ang asawa ko, hahalikan ko din ang asawa mo para makaganti,' na si Precious nga. Ang ginawa ko, pumunta ako kay Precious, hahalikan ko... But it didn't happen because nag-cut nga si Direk and nagalit siya because wala nga raw ‘yon sa script.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Naburyong siya for almost five minutes siguro. Tinanong niya ako kung bakit ko raw ginawa ‘yon. Sabi ko, nadala lang ako sa character ko. He explained to me na hindi raw ganun ang character ko because in love na in love daw ako kay Maui, so hindi ko raw hahalikan si Precious.

"Dun kasi sa sinabi niya na everybody is having fun, o halikan mo yung katabi mo, gave me an idea that I can be wild in that particular scene. Saka you can also ask my co-stars kung lasing ba talaga ako para malaman ninyo ang totoo," paliwanag ni Baron.

ACTOR'S INSTINCT. Ayon pa kay Baron, as an actor, may mga pagkakataon, kahit sa mga dating projects na nagawa niya, na nagdadagdag siya ng sariling eksena ‘pag alam niyang kailangan. Sinabi rin niya na hindi naipaliwanag nang mabuti sa kanya ang kanyang role.



"Sometimes as an actor, mayroon kaming tinatawag na bugso ng damdamin," sabi niya. "Siyempre, nagkakaroon ka ng impulse ba, so nag-improvise ako. Tanungin ninyo lahat ng director ko, ginagawa ko ‘yan lalo na ‘pag alam kong medyo tama. Kaso dito, di kami nag-usap ni Direk tungkol sa character ko, so di masyadong malinaw sa akin.



"My character here pala is sobrang in love ako sa asawa kong si Maui, pero for whatever reason it is, ayaw niyang makipag-sex sa akin. Dati akong model, nagtatrabaho ako sa isang advertising agency na napaka-vain," paglalarawan niya sa kanyang character.

Ayon kay Baron, pagkatapos ng nasabing insidente ay humingi siya agad ng sorry kay Direk Maryo kaya nga nagtataka siya kung bakit lumaki ng gano'n ang nasabing isyu.



"Okay kami ni Direk. Mahal ako nun. Nag-sorry ako sa kanya right after nung eksena. Nung kausap niya si Yul, okay na siya. Dinagdagan pa nga niya yung mga scenes. Natuwa siya sa mga sinu-shoot namin kasi magaganda yung mga nakuhanan," kuwento ng dating child actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CHANGING. Aminado si Baron na nasaktan siya sa lumabas na balita, lalo't nalagay na naman sa balag ng alanganin ang kanyang pangalan at integridad. Lumalabas kasi na hindi niya kayang panindigan ang mga nabitawang salita noon na magbabago na siya.



Aniya, "I'm not playing around. I'm not partying around. I'm doing my job. It's just that I'm misunderstood again.



"Nangako ako na magbabago on national television and I'm doing it. I'm trying my best to change. Ewan ko nga ba kung bakit may galit siguro yung ibang tao sa akin na pilit akong binabagsak. Ang nakakasama pa ng loob, lumabas na hinarass ko raw si Precious, na hindi ko naman ginawa.



"I'm going to do three movies," patuloy niya. "Sa isyu na lumabas, paano kung yung mga interesadong producers na kunin ako, magdalawang-isip at umurong dahil lang sa isyu na ‘yan? It's so unfair for me."

PROGRAM FOR GROWTH. Higit pang nakasakit sa loob ni Baron ay ang suhestiyon ng iba na magpa-rehab siya. Ayon sa aktor, tanggap niya na may problema nga siya sa kanyang sarili. Anumang araw mula ngayon ay sasailalim siya sa isang program na tutulong sa kanya para mabago ang mga mali niyang nagawa dati.



"Nakakasama sobra ng loob," himutok niya. "Hindi naman ganun kabilis ang gusto nilang mangyari. May mga inaasikaso pang mga papers para dun sa program na gagawin ko. Hindi siya rehab, it's a program for growth and guide counseling tungkol sa lahat.

"Magkakaroon ako ng life coach to be a better person. ‘Tapos magkakaroon ako ng body system. Kunwari may shooting ako today, tomorrow didiretso ako dun sa program. ‘Tapos, kung may mga gimmicks na kailangan talagang puntahan, may sasama sa aking buddy. Siya ang magre-remind sa akin na, ‘Oy, bawal ‘yan.'



"Ako, diretso akong tao. Walang masama sa alcohol kung alam mong di sobra at kaya mong dalhin. Ang problema ay hindi ko kayang dalhin ang alcohol, ako ang nadadala niya. I'm a bad drunk.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung iba nga diyan, mas maraming problema. Yung iba, maniac, nympho, addict...worse than I am. Pero di nila inaamin sa sarili nila na may probelma sa kanila. Ako, I admit I have a problem and I try doing something about it," pahayag ni Baron.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN