Rayver Cruz gives way to John Prats in courting Shaina Magdayao

"Ayoko na kasing makigulo pa sa kanila ni John [Prats], e. Alam n'yo naman, nanliligaw si John. Mukhang masaya na namansila, e. Kung makikisali pa ako, makikigulo ako, mas pangit naman," says Rayver Cruz about giving way to John Prats (inset, top) in courting Shaina Magdayao (inset, bottom).



Ang next project ng young actor na si Rayver Cruz sa ABS-CBN ay ang remake ng Anna Liza, ang soap opera noon sa GMA-7 na pinagbidahan ng namayapang young actress na si Julie Vega. Si Rayver ang gaganap dito bilang leading man ng bagong gaganap na Anna Liza na si Maja Salvador.

Mukha yatang tuluyan nang pinaghihiwalay ng ABS-CBN ang loveteam nina Rayver at Shaina Magdayao. Nauna na kasing ipinareha sa iba si Shaina. Ka-love triangle nina Angel Locsin at Piolo Pascual si Shaina sa seryeng Lobo.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Rayver kahapon, February 10, pagkatapos ng ASAP '08, sinabi ng young actor na okay lang naman daw sa kanya kahit pinaghihiwalay na sila ni Shaina as a love team.

Sabi ni Rayver, "Management ang nag-decide. Baka ini-explore nila kung ano ang mas okay sa amin, di ba? Kung sa tingin nila yun ang mas magpapaganda sa situwasyon namin ni Shaina, okay lang sa akin."

Kung noon ay very vocal at proud si Rayver sa pagsasabi na nililigawan niya si Shaina, ngayon ay inamin niya na itinigil na niya ang panliligaw sa nakababatang kapatid ni Vina Morales.

"Ayoko na kasing makigulo pa sa kanila ni John [Prats], e," sambit ni Rayver. "Alam n'yo naman, nanliligaw si John. Mukhang masaya na naman sila, e. Kung makikisali pa ako, makikigulo ako, mas pangit naman. Saka kung ano ang gusto ni Shaina, nakasuporta naman ako."

Hindi ba dapat maging challenge sa kanya na dalawa sila ni John na nanliligaw kay Shaina?

"Ayoko kasi ng paligsahan, e. Alam ko naman na happy na si Shaina kay John, so bakit pa nga ako makikigulo?" rason ng binata.

Hindi kaya ang dahilan kaya itinigil niya na ang panliligaw kay Shaina ay dahil naniniwala siya na boyfriend na nito si John?

"Hindi naman," tanggi niya. "Kaya lang, basta ayoko nang makigulo pa sa kanila. Gusto ko pa rin naman si Shaina, kaya lang stop na muna ako talaga sa panliligaw sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Galit ba siya kay John dahil niligawan din nito si Shaina?

"Ba't naman ako magagalit sa kanya?" sagot ni Rayver. "Magkaibigan pa rin naman kami. Ano'ng magagawa ko kung magustuhan din niya si Shaina? Kahit naman sinong lalaki magkakagusto kay Shaina dahil maganda siya."

Manliligaw na lang ba siya ng iba?

"Huwag na muna. Work na lang muna ako. Mas maganda siguro yung career ko na lang muna ang atupagin ko," sabi ni Rayver.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN