Pops Fernandez confirms reconciliation with ex-husband Martin Nievera

Concert Queen Pops Fernandez says she is happywith her life right now. In fact, she isso positive that she never bothers with all the negative issues inshowbiz. She says, "I just want toappreciate everything, everything that I have. Why concentrate on the not-so-good things?"


Nauna nang ibinalita ni Martin Nievera kamakailan ang pagbabati nila ngkanyang dating asawa na si Pops Fernandez. Ngunit nanatiling tahimik ukol dito ang singer-actress.

Pero binasag ni Pops ang kanyang katahimikan sacontract signing ng kanyang bagong endorsement noong nakaraang linggo. Sa panayam ng The Buzz sa kanya naipinalabas kahapon, February 10, kinumpirma ni Pops ang pagbabati nila ni Martin.

Aniya, "I wanted to come out sincerely saying exactly nawe're okay na. I think we're workingthings out. It's a start. Totoo namanna talagang okay na kami and that what's happened.

"I am so willing to iron things out. We have our separate lives and, my gosh, angtagal na! There's no reason whywe can't be also be big enough to really sit down and discuss a lot."

Sa pagkakaayos ng kanilang di pagkakaunawaan, kasunod nakaya nito ang pakikipag-usap ni Pops sa kasalukuyang karelasyon ni Martin na siKatrina Ojeda?

"We'll never know, we'll never know," sagot ni Pops. "It really depends onMartin. I think the key naman kasi isMartin and how he handles it. And thereason lang naman kasi, di ba, why medyo nagkaproblem kami is because I thinkhe didn't handle it well?"

Para kay Pops, ang mahalaga ngayon ay nagkaayos na sila ngkanyang dating asawa at ang ama ng kanyang dalawang binatang sina Ram at Robin.

Nilinaw rin ni Pops sa kanyang panayam na wala naman siyangkaaway sa ngayon. Kung meron man dawtaong hindi siya makasundo, handa naman siyang gumawa ng paraan upang makaayosito.

Giit ni Pops, "If they're not ready to be friendswith me, I'm so ready to be friends with them. I just want to appreciateeverything, everything that I have. Whyconcentrate on the not-so-good things?"

Tulad ng kanyang nasabi, hindi na rin binigyang-pansin angmga bali-balitang ukol sa kanyang kasalukuyang boyfriend na si JomariYllana. Sa isang event sa Davaokamakailan, nakunan ng video footage si Jomari na nakikipagsayaw sa iba'tibang babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit hindi na nagulat si Pops nang tanungin siya tungkol ditong The Buzz. Ani Pops, "It wasalready explained. Naunahan nayun. It was already explained thateverybody was having fun. I didn't seeit but I kinda heard about it."

MARTIN'S NEW GIRL?Noong Huwebes, February 7, naibalita dito sa PEP (Philippine EntertainmentPortal) na may bagong babae diumano ngayon sa buhay ni Martin.

Isa diumanong anak ng prinsesa na nagngangalang Angie ang bagongkinahuhumalingan ng Concert King. Sakatunayan, nanood pa raw ito ng katatapos lamang na 25th anniversaryconcert ni Martin sa Araneta Coliseum.

Pinabulaanan naman ito ni Martin sa pamamagitan ng textmessage na ipinadala niya sa entertainment columnist na si Ricky Lo atnailathala ngayon sa pahayagan.

Ayon kay Martin, "Sorryfor the late reply. This is about a very dear friend of our family. Her fatheris not the prince. We have spent time together. Yes, she was at my concert and,together with her family, has watched my past concerts. Yes, she is special,but there's nothing to report at this point except that I'm so sorry to havetheir names come out here and there.

"I would like to apologize to all the families affected by all this,most especially to Angie and her family. It would truly be sad if ourrelationship was affected by all this. They are all very special to meand my family, and I would not want them involved in our world ofintrigue."

Samantala, sinubukang hingin ng The Buzz ang pahayagni Pops hinggil dito sa opening ng bar ni Aiko Melendez noong Biyernes,February 8, ngunit tumanggi siyang magbigay ng kuro-kuro.

"You know, I don't think it's proper," sabi ni Pops. "He hashis own life, so do I. And I don'tthink it's proper that I make a comment."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN