JC de Vera denies reconciliation with SexBomb Aifah Medina

"Matagal ko pong hindi nakausap si Aifah dahil alam ko na nagtrabahomuna siya sa Japan. Pero wala pong balikang nangyari nang bumalik siya," insists JC de Vera.



Kinuha agad ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon ng young actor na si JC de Vera sa balitang nagkabalikan na raw sila ng SexBomb member na si Aifah Medina. Nakausap namin si JC sa Dunkin' Donuts sa ground floor ng SM Megamall bago ang premiere night ng My Best Friend's Girlfriend noong February 10.



"Hindi po totoo ‘yon. Saan kaya galing ang balitang iyon?" balik-tanong ni JC.

Wala na ba silang communication ni Aifah simula nang mag-break sila?

"Hindi naman po ako nawalan ng communication sa mga nali-link sa akin," paglilinaw ni JC. "Kung hindi man kami nagkikita o hindi nagti-text o nagtatawagan nang madalas, open naman po lagi ang communication ko sa kanila. Kita po naman ninyo, nag-uusap na kami ngayon ni Michelle [Madrigal], kahit matagal na hindi kami nag-uusap noon. Kahit po si Pauleen [Luna], nag-uusap din kami.

"Matagal ko pong hindi nakausap si Aifah dahil alam ko na nagtrabaho muna siya sa Japan. Pero wala pong balikang nangyari nang bumalik siya," giit niya.

Sino na ang girlfriend niya ngayon?

"Wala pa rin po akong girlfriend ngayon. Naka-focus lang po talaga ako sa trabaho ko," natatawa niyang sabi.

Dugtong niya, "Very thankful po ako na after ng Pasan Ko ang Daigdig, ito namang My Best Friend's Girlfriend ang ginawa ko. And right now, nag-start na rin kaming mag-taping ng Babangon Ako't Dudurugin Kita.

Kumusta naman sila ng leading lady niya sa Babangon Ako't Dudurugin Kita na si Yasmien Kurdi?



"Hindi pa po kami magkasama sa taping, si Marvin Agustin pa ang kasama niya," sagot ni JC. "Ako po kasi ang gaganap sa role na ginampanan noon ni Bembol Roco at si Marvin naman ang gumanap sa role noon ni Christopher de Leon. Ako po ang tutulong kay Yasmien na bumangon at makipaghiganti. Dun pa lang po kami magkakasama."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May date na ba siya sa Valentine's Day?

"Wala pa po akong ka-date sa Valentine's Day, pero si Yasmien na po ang gusto kong maka-date on that day. Wala naman kaming taping sa araw na ‘yon. Sa ngayon po kasi, si Yasmien na talaga ang pinakamalapit sa puso ko, although wala pa po naman talaga kaming relasyon. Basta we're happy being together. Comfortable na kaming magkatrabaho, wala na kaming ilangan," sabi ni JC.

Noong kakapanalo pa lang ni LJ Reyes sa StarStruck 2, sila ni JC ang unang magkatambal sa first episode ng Now and Forever. Na-link din sila sa isa't isa. Ngayon, muli silang magkakasama sa Babangon Ako't Dudurugin Kita. Wala kayang ma-rekindle na "fire" sa pagitan nila?

"Wala naman po," sagot niya. "Naging friends lang kami noon ni LJ dahil alam ko, nanliligaw sa kanya si Mike [Tan] noon, at sila talaga ang magka-love team. But I'm happy na after a long while, magkakasama ulit kami sa isang soap. Mag-best friend kami ni LJ sa story at tutulungan namin si Yasmien."

First time ng love team nila ni Yasmien na mapanood sa primetime slot. Papalitan nila ang timeslot na iiwanan ng number one soap ngayon ng GMA-7, ang Marimar. May pressure ba sa kanila ito?

"Sobra po!" sambit ni JC. "Sobrang pressure nang malaman namin ni Yas na pang-primetime na kami, ‘tapos ang papalitan pa namin ang Marimar. Sana po ay suportahan pa rin kami ng mga fans and televiewers, tulad ng pagsuporta nila sa amin sa Pati ba Pintig ng Puso at Pasan Ko ang Daigdig. Sana po ay makaabot kami sa expectations sa amin ng management."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN