Rufa Mae Quinto does not regret her tell-all interview in "YES!" magazine

"Ano ba yung kasamaan sa nai-share ko? Ang hirap kasi sa kanila,hindi siguro nila nabasa... Ang feeling konaman, wala namang masamang magmahal at masaktan, kasi single namanako. At saka, napag-usapan lahat ‘yon noon. Nagkataon lang na ngayon,isang summary siya. Pero wala akong intensiyon na manira, makipag-away,or mandamay ng ibang tao," explains Rufa Mae Quinto about her tell-all interview in YES! magazine.



Natawa kami kay Rufa Mae Quinto nang makausap namin siya habang naghihintay ng kanyang segment sa Showbiz Central noong Linggo, February 10, sa Broadway Centrum. Ayon kasi sa kanya, ang rason lang talaga noong una kaya niya tinanggap ang maging segment host ng Showbiz Central ay para makapag-outfit siya.



"Ay naku, totoo naman talaga ‘yon!" natatawa rin niyang sabi. "Kasi nga, noong una kasi, gusto ko rin mapasama rito kasi nga, gusto ko ring magbihis-bihis. Magamit ko ang mga sapatos ko, ang mga damit ko. Mag-outfit! Mag-jewelry! Ganoon lang talaga noong una.

"Tapos, yun pala, lahat ng isyu ko, kailangan kong sagutin kasi nandito ako. Alam n'yo ‘yon? Nakakahiya ah, kapag hindi mo sinagot. Dati kasi, may chance ako na hindi sasagot. Siguro nai-interview lang ako kapag may promo ng movie, kasi nga may presscon, may guesting."



Mas naaliw pa kami nang sabihin niyang sa mga first few months niya sa show, nai-stress siyang palagi.



"Oo! Grabe! Ang dami ko pang kinausap na artista. Yung tipong, sinasabi nila, ‘Huwag kang ganyan...ang payat-payat mo na!' Iniisip mo, e, Linggo pa ‘yon? Siyempre, iniisip mo, you want to prove something. E, siyempre, dapat may authority ka rito. Iba naman ang hosting na ginagawa mo sa SOP, sa Whammy. Ito talaga, kailangan mong makinig, kailangan mong maging totoo," pahayag ni Rufa Mae. Dagdag niya, ngayon ay mas relaxed na siya sa kanyang ginagawa.


ERIK SANTOS. Na-touch daw siyang talaga na sa panahong may mga bumabatikos sa kanya dahil sa Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado issue, nandiyan ang ex-boyfriend niya na si Erik Santos para ipagtanggol siya sa abot ng makakaya nito.



"Natuwa nga ako sa kanya," sambit ni Rufa Mae. "Kaya naman wala akong masabing masama sa tao. Mabait siya at saka okay kami. Nagkakaintindihan kami. Alam namin na binabatikos kami, pero kami okay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Pero may mga nagkukuwestiyon din kung ano ba ang karapatan ni Erik na idepensa siya gayong wala naman ito noong mga panahong ‘yon sa chapter ng buhay ni Rufa Mae with Dingdong and Jessa.



"Alam n'yo, involved din naman siya," depensa ni Rufa Mae. "Siya ang last na naging boyfriend ko. In fairness! Kaya nga yung mga lumang-luma na, umaapela pa, my God! Kung tutuusin mo, si Erik lang naman talaga ang may karapatang umapela. Although, okay lang din naman sa mga yun ang umapela dahil sila ‘yon, e...bahala sila.



"Pero kung tutuusin n'yo, kung sinuman yung pinakamalapit sa buhay ko ngayon, si Erik pa rin, e. Wala pa naman, e...wala pa namang pumapalit," dugtong niya.

YES! INTERVIEW. Naitanong din ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Rufa Mae kung wala ba siyang naramdamang pagsisisi sa ginawa niyang pagsisiwalat ng kanyang nakaraan sa February 2008 issue ng YES! Dahil naging daan itong muli para bumalik ang natuldukan na sanang alitan niya sa mag-asawang Dingdong at Jessa.



"Well, hindi na," sagot niya. "Noong una, naiintindihan ko pa. Tipong pasensiya na, talagang yun lang ang naging feelings ko noon. Hindi naman ako nagsisisi kasi hindi naman lahat yun naging boyfriend, e. May mga nanligaw, pero hindi naman lahat ng lalaking yun naging boyfriend ko. Tatlo nga lang, ‘tapos ilan na lang... O, di ba?

"Ano ba yung kasamaan sa nai-share ko? Ang hirap kasi sa kanila, hindi siguro nila nabasa. Alam n'yo kasi, no'ng time na ‘yon, feeling ko, masyadong maganda ang nangyayari sa buhay ko. Good karma. I know nangyayari ‘yon kasi I've been good.



"Ang feeling ko naman, wala namang masamang magmahal at masaktan, kasi single naman ako. At saka, napag-usapan lahat ‘yon noon. Nagkataon lang na ngayon, isang summary siya. Pero wala akong intensiyon na manira, makipag-away, or mandamay ng ibang tao," seryosong pahayag ni Rufa Mae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinasabi rin na bagama't maraming guys na na-link sa kanya before ang binanggit ni Rufa Mae sa YES!, still, may mga nagsasabing hindi pa rin daw siya totally naging honest dahil parang marami pa rin siyang in-edit out.



"Hindi kasi tinanong, e," rason ng sexy comedienne. "Siyempre, bakit ko naman igi-give away? Sinabi ko nga, sa lahat...mga press, nirerespeto ko. Pero kumbaga, sa buhay ko, itong ginagalawan ko, ito na lang, e. Hindi pa ba ako magiging honest? Tanungin mo ako, siyempre, ano ba ‘yon? I mean, iba ang sasabihin ko kay Jo-Ann [Maglipon] at kay Anna [Pingol], pero kapag kaharap ko, iba, iba'ng sasabihin ko? Ano ‘yon? Ano'ng nangyayari?



"At least, alam ko na kahit saan ako makarating, alam ko na ang sinasabi ko yung tama, yung totoo, yung pinaniniwalaan ko. At saka, bakit ko naman isasama ang lahat, e, ang haba-haba na nga nun? Baka maging whole magazine na yun, ‘no!" natatawang sabi pa ni Rufa Mae.



Dagdag pa niya, "Actually, hindi ko nga alam na ganoon pala ‘yon...na ganoon pala katindi... Akala ko nga wala, e. Hindi ko akalain na ganoon katindi ang YES! magazine, not only nang ma-experience ko na.



"E, feeling ko, yung ibang mga friends ko, na-interview na ro'n, wala namang napapasama. In fairness, wala namang napasama. Siya lang naman talaga yung... Parang ganito lang naman ‘yan, e, along the way, istorya ng buhay natin. Kahit sa mga stories sa Magpakailanman, siyempre merong nasaktan ka, pero hindi ka na galit.



"Nagkataon lang na na i-first page siya. E, hindi naman siya [Dingdong], ang first nga, si Jay Manalo. Nagkataon lang na siya ang first na na-eskandalo ako. First scandal kaya ‘yon sa buhay ko na bonggang-bongga! Yung umiyak-iyak ka sa TV. So, siguro dahil first ‘yon, hindi mo makakalimutan. Pero hindi naman yung nagtatanim ka or something... ‘Tapos, nagkabati-bati na rito... So, parang kuwento na lang, e," paliwanag ni Rufa Mae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huli, tinanong namin si Rufa Mae kung may chance pa kayang after all that happened ay magkaayos-ayos pa rin silang tatlo nina Dingdong at Jessa.



"Hindi ko pa alam," sagot niya. "Ako, huwag lang akong aanuhin. Yun lang naman ako, e. Huwag lang akong aaway-awayin. Yun lang naman ako, e. Hindi naman ako pumapatol sa kung anu-ano lang.



"Pero alam mo, huwag na lang... I mean, kanya-kanya na lang. Ganun. Tama na ang gamitan, di ba? Kanya-kanya na lang ng promotion ng mga projects, ‘yon. Bukod dun, may sarili akong buhay na kailangan kong ayusin, asikasuhin. So, hindi ko na kailangan ng nega-nega vibes," lahad ni Rufa Mae.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN