KC Concepcion chooses heavy drama for first TV performance

"Kailangan kilala mo muna ang sarili mo, kung ano ba talaga angnararamdaman mo. Magpakatototo ka dapat as a person bago mo ma-playyung mga ganyang role, ng buhay ng ibang tao, istorya ng ibang tao," says KC Concepcion about her acting debut on TV.



Napaluha si KC Concepcion sa labis na kasiyahan nang mapanood niya for the first time ang full trailer ng kauna-unahan niyang drama appearance on television via the longest and award-winning drama anthology on ABS-CBN hosted by Charo Santos-Concio, ang Maalaala Mo Kaya (MMK).



Sobrang natuwa rin si KC sa inihandang VTR ng buong staff ng Maalaala Mo Kaya bilang pagpupugay sa kanya as a dramatic star. All out din ang ibinigay na suporta kay KC sa presscon ng mga bigwigs behind the drama anthology na sina Charo Santos-Concio at Malou Santos.



Ibinahagi ni KC sa ikalawang press conference niya sa ABS-CBN ang ilan sa unforgettable experiences niya habang nagte-taping for her very first episode sa Maalaala Mo Kaya na mapapanood sa Biyernes, February 15.



Kuwento niya, "The first scene, of course, super na ninerbyos po ako noon. Hindi ko alam kung naka-three takes or how many takes because talagang ninenerbiyos po ako. Nangatog po ako talaga because it was really my first time officially in front of the camera as an actress.

"There was a scene with Tita Agot [Isidro] na...siya yung mommy ko dito sa story...I had yung time na parang nasa ospital siya, ayaw niyang bumangon. Pinipilit namin siyang bumangon, ayaw niya. That took a lot for me to do and apart from yung mahaba yung dialogue and two minutes before the take lang ibinigay sa akin, it was really heartfelt only because I committed to it talaga, to the scene. It was one of the hardest to do.

"Our last take last night, yung pinakahuling eksena namin sa morgue po, na naka-prosthetics si Tito Ricky Davao. Doon pa lang po sa nakita ko siya, sobrang traumang-trauma na po ako hanggang sa kotse pauwi, nangangatog pa po yung mga ano...sobrang na-trauma po ako. ‘Tapos, ibinigay ko po lahat ng mabibigay ko to that scene nung namatay siya and first time ko siyang makita. Yun yung parang first na big blow sa buhay ni Darlene [KC's character]. Yun yung mga pinakamahihirap na scenes," lahad ni KC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



ACTING WORKSHOP. Paano siya naghanda for her first acting experience on TV?



"I'm very, very parang happy and thankful that Direk Jerry [Sineneng] and Tita Malu de Guzman... They conducted a workshop, a worthy workshop, that really helped me, that helped me scratch the surface na paglabas ko every time, parang naiisp ko, ‘Grabe, may nararamdaman pala akong ganun.



"Na if you remember, I said in my blog a long time ago, na there are things that need to be resolved and someone has to begin the process of resolving unfinished business, mga ganyan. It's true. In real life, you cope, you learn to get over certain things, think positive.

"But I've learned in this job as an actress, you really have to use all of that. All the...parang kung ano yung nararamdaman mo, nae-experience mo, yung mga pains, joy...lahat ‘yan. Parang you really have to scratch the surface to know who you are before you take a role. Kailangan kilala mo muna ang sarili mo, kung ano ba talaga ang nararamdaman mo. Magpakatototo ka dapat as a person bago mo ma-play yung mga ganyang role, ng buhay ng ibang tao, istorya ng ibang tao.

"So, that workshop really, really helped a lot and...tinuruan ako na maging comfortable sa harap ng kamera. Kasi po dati, feeling ko, laging may nanonood. Naba-block po ako dun. So, they really broke that wall para maging friends na kami nung kamera. So, lumalabas-pasok po ako ng ABS-CBN na haggard po ang hitsura ko dahil naiiyak po ako, sinasabunutan ko na ang sarili ko dun sa ano... Kaya po ako nakikitang haggard palagi," mahabang pahayag ng anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

BIG DECISION. Naging madali ba para sa kanya ang pagtanggap niya ng offer to do an episode for Maalaala Mo Kaya? At bakit hindi light-romantic drama ang pinili niyang material para sa una niyang pagsabak sa pag-arte sa telebisyon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think, it worked like I said, 22 years decision," sabi ni KC. "I have to finish school. I had to really make a big decision to join because it's joining a kind of culture rin na medyo parang, in a way, dangerous... Pero in the end, yung focus ko talaga is the work and this is work for me na to take on something na challenge talaga, na hindi madali. To give people something na hindi nila ine-expect and to really feel na, you know, how can you be an actress if you don't feel?

"You know, if you're just monotonous and stay in one emotion from beginning to end and everyone has a drama. Hindi siya parang masyadong special in that sense na everyone has a drama. Everyone has a tragedy, so I wanted to be magpakatotoo lang and to give something more to people what they expect," paliwanag niya.

May criteria ba siya na sinusunod kung alin ang tatanggapin niyang offer at hindi?

"I follow my instinct," sagot niya. "Hindi ko naman kasi po pinaplano talaga, e. Hindi po siya calculated talaga. Siguro blessing na lang din po that there are people around me who want to support and who are inspired to work on a certain project that will inspire certain people.

"Si Ate Mel [del Rosario, MMK headwriter] always reminds me of that, na parang, you know, there are people around me who want to do things that are exciting and that are maybe sometimes different and I can never do this alone. Hindi ko rin naman po magagawa lahat ‘yon na mag-isa lang ako. So, kailangan po talaga there are people involved, that believe in the project and believe in what they're doing."

Sino naman ang pipiliin niya between her mom, Megastar Sharon Cuneta, and her father, former matinee idol Gabby Concepcion, na makasama niya sa isang proyekto?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"My biggest wish I think really is when they make a movie with my mom," sabi ni KC. "Siya po yung biggest inspiration and influence ko talaga and so it would be really, really nice to be able to do a movie with her one day. So, yes, I'd like to."



RICHARD & LINO. Sinagot din ni KC ang maiinit na isyung ikinakabit sa kanya sa showbiz. Kabilang na rito ang pagkakagusto raw sa kanya ni Richard Gutierrez. Type rin daw siyang ligawan ng naturang heartthrob.



"Ay, naku, hintayin na lang po natin mangyari ‘yon bago natin pag-usapan," bulalas ni KC nang hingan siya ng reaksiyon.

Itinanggi rin ni KC ang nabalita na nag-date sila ni Richard minsan.



"I am not dating Richard Gutierrez," diin niya. "Isa pong grupo ‘yon, malaki pong grupo ‘yon. Wala pong isyu doon kasi marami naman po akong kaibigan na lalaki, and hindi naman po siguro isyu na makita ko sila once in a while."



Imbes na makipag-date daw siya kay Richard—just in case imbitahan siya ng anak nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama—mas gusto pa raw ni KC na abangan sa TV ang kanyang episode sa Maalaala Mo Kaya.



Nilinaw rin ni KC na hindi ang kapatid ni Ruffa Gutierrez ang dahilan ng hiwalayan nila ni Lino Cayetano.



"Hindi ako ganun klaseng babae and I will never allow anyone to make me seem like that kind of girl. I was never like that and I never would be like that," mariing sabi ng dalaga.



What if si Lino ang mag-imbita sa kanya sa Valentine's Day para mag-date?



"Ay! Hindi ako lilipad ng Singapore. I won't drop my work for a week to go to Singapore to follow him," nakangiti niyang sabi patungkol kay Lino na naka-base ngayon sa Singapore.

Ano ang masasabi niya sa pagsasama ni Lino at ng isa pang ex-girlfriend nitong si Bianca Gonzales sa Singapore kamakailan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Ano ba ‘yan? Huwag n'yo na ako isali diyan. Hindi naman po ako involved diyan," pakiusap ni KC na tatawa-tawa.



Kahit hiwalay na sila ni Lino, alam pa rin daw ni KC kung nasaan ang young director ngayon.



"Actually, ngayon nasa Norway siya ‘tapos magnu-New York siya. Friends naman po kami. Gusto po niyang mag-stay sa New York for a month or so," pagbabalita ni KC.

Nagulat ba siya nang mabalitaan niya na sumunod si Bianca kay Lino sa Singapore?

"Nida Bianca?" biro ni KC. "No reaction. Parang ano naman ang sasabihin ko doon?"

Ano naman ang reaksiyon niya sa balitang nagkabalikan na sina Lino at Bianca?



"Okay," matipid na sagot niya.

Happy siya for them?



"Yes," sambit ni KC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN