Lino Cayetano not chosen to direct KC Concepcion in "Maalaala Mo Kaya"

Lino Cayetano directed some episodes of Maalaala Mo Kaya in the past. But the production opted to let another director handle KC Concepcion's first appearance on the said drama anthology. Lino and KC have just broken up.



Una naming nalaman na nasa Norway ngayon ang ex-boyfriend ni KC Concepcion na si Lino Cayetano mula sa mentor at nanay-nanayan ni Direk Lino sa showbiz na si Mel del Rosario. Si Mel ang headwriter ng Maalaala Mo Kaya (MMK), ang drama anthology ng ABS-CBN.



Si Mel din ang naging daan para maging bahagi ng Maalaala Mo Kaya production team si Lino. And this time, sina Mel at KC naman ang nagkatrabaho para sa episode ng MMK na ipalalabas ngayong Biyernes, Pebrero 15.

Ayon kay Mel, in-insist daw talaga nila na hindi si Lino ang magdirek ng first episode ni KC sa Maalaala Mo Kaya. Tiyak daw kasi na hindi ang show at talent ni KC sa pag-arte ang pag-uusapan kundi ang relasyon nila ni Lino at posibleng kung anu-ano pa raw ang maungkat.



Maging si KC ay aminado rin na mako-conscious lang siya tiyak kung si Lino ang magiging direktor niya sa kanyang episode sa MMK.

Pangalawa, nagtatrabaho ngayon sa Singapore si Lino para sa sister company ng Nickelodeon. Dati na raw nagtrabaho si Lino for one month sa Nickelodeon sa Singapore bago pa man niya gawin ang first directorial job niya sa Star Cinema na I've Fallen For You.

At press time, nagbabakasyon sa Norway si Lino at may binibisita siyang mga kaibigan. Hindi na rin makakadaan ng London si Lino para bisitahin ang ex-girlfriend niya na diumano'y isang prinsesa. Inamin noon ng isa pang ex-girlfriend ni Lino, si Bianca Gonzales, na pinagselosan at kinainsekyuran niya noon ang pagmamahal ni Lino sa naturang prinsesa.



From Norway, didiretso si Lino sa New York na siyang favorite vacation place niya. Nag-aral siya ng filmmaking noon sa N.Y. kaya marami rin siyang naging kaibigan doon.



"Alam ni Lino na may gagawing episode si KC sa MMK. Pero sa totoo lang, kapag kausap ko siya, hindi namin pinag-uusapan si KC. Same thing with KC kapag kausap ko, hindi namin nababanggit si Lino. Nakakainis lang kapag may naririnig ako na hindi maganda at sinisiraan si KC ng iba diyan," pahayag ni Mel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Since malapit siya kay Lino, tiyak na may idea si Mel kung ano talaga ang current state ng relasyon ng direktor kay Bianca. Marami ang nagsasapantaha na nagkabalikan na sina Lino at Bianca pagkatapos nilang magkita sa Singapore. Ano ang masasabi ni Mel dito?

"Sabi ni Lino, hindi raw. But they can analyze na lang. Si KC sinundan ni Lino sa Paris. Samantalang si Lino naman ang sinundan ni Bianca sa Singapore," maintrigang pahayag ng scriptwriter.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN