KC Concepcion to start shooting her first film in June

After her acting debut on TV via Maalaala Mo Kaya, KC Concepcion is slated to shoot her first film for Star Cinema in June.


Kinumpirma ni Sandra Chavez, ang manager ni KC Concepcion, ang paggawa ng first movie ng anak ng Megastar na si Sharon Cuneta at ng dating matinee idol na si Gabby Concepcion. Ito ay pagkatapos gawin ni KC ang kauna-unahang drama appearance niya on TV sa Maalaala Mo Kaya.



Ayon sa manager ni KC, ang pagtanggap nila ng offer to do a special episode on Maalaala Mo Kaya ay bilang paghahanda sa pagpasok ng dalaga sa pelikula.



May verbal agreement na raw sila with Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN, at may mga kuwento na raw silang isinumite para pagpilian kung anong konsepto ng pelikula ang magiging first movie ni KC. Kapag nakapamili na si KC kung anong istorya ang nagustuhan niya at napagkasunduan nila ng Star Cinema, saka lang sila magpipirmahan ng kontrata.



Isa sa apat na pangalan ng mga aktor ang posibleng maging leading man ni KC for her first film project. Okay naman daw kay KC ang apat na pagpipilian: sina John Lloyd Cruz, Sam Milby, Derek Ramsay, at Piolo Pascual. Pero magdedepende pa rin kung sino ang mas babagay sa project.

May nagbanggit ng pangalan ni Aga Muhlach but, sad to say, hindi kasama ang pangalan ng aktor sa pinagpipilian.

"He will do a movie with Sharon sa next movie ni Mega," paliwanag ni Sandra.



Bandang June ang target ng shooting ng first movie ni KC and, hopefully, maipalabas din ito ngayong taon. Within Metro Manila lang daw ang shooting.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN