Nadine Samonte clarifies rumored rift with Isabel Oli

""Nagbabatian naman kami ‘pag nagkikita kami. First time lang namingnagkasama sa soap. Pero nagkikita kami sa mga guest stints before," says Nadine Samonte (in photo) about her rumored feud with Maging Akin Ka Lamang co-star Isabel Oli.



Pangarap ng young actress na si Nadine Samonte na makagawa ng isang action series kaya naman ipinahayag niya ang kanyang interes na gampanan ang role ni Darna. May plano kasi ang GMA-7 na muling buhayin ang karakter ni Darna sa naka-lineup na fantaserye ng Kapuso network, ang Captain Barbell Meets Darna.

Nag-audition si Nadine for the role of Darna before, pero the role was given to Angel Locsin. Pero kung i-offer sa kanya ang role ng female superhero na nilikha ni Mars Ravelo, Nadine would love to take on the role. Tanggap din niya na ikukumpara siyang tiyak kay Angel.



"Siyempre naman, for sure, ikukumpara nila ako kay Angel kasi siya ang huling gumanap sa role. Pero siyempre, hindi naman ako pababayaan ng GMA pagdating sa ganoong bagay," pahayag ni Nadine nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa pocket interview na ibinigay sa kanya ng GMA Artist Center sa Annabel's restaurant kaninang tanghali, February 12.



Ngayong February ay mag-e-expire na ang kontrata ni Nadine sa Artist Center, pero as early as October 2007 ay pinapapirma na siya ng renewal. Pero may option naman ang Artist Center na muli siyang i-sign up. Wala naman daw hinihiling na anuman sa GMA Artist Center si Nadine kaya hindi pa siya pumipirma ng kontrata. Natutuwa nga siya na patuloy pa rin ang pagbibigay sa kanya ng GMA-7 ng trabaho.



In fact, ipinagmamalaki ng Artist Center si Nadine. Malayo na ang kanyang narating since she joined StarStruck Batch 1. Kasama rito ang pagpapatunay ni Nadine na nagre-reyna siya sa afternoon block. Sa Dramarama Sa Hapon ng GMA-7, naging consistent top-rater ang mga programa ni Nadine.

Sa ngayon ay napapanood ang young actress sa afternoon soap na Maging Akin Ka Lamang. Kamakailan lamang ay napanood ng lahat ang pagpaslang sa karakter ni Nadine na si Inocencia sa primetime drama series na Marimar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagsalita rin si Nadine sa isyu sa kanilang dalawa ni Isabel Oli na co-star niya sa Maging Akin Ka Lamang. Ayon sa balita ay hindi sila magkasundo kahit pa magkasama sila sa naturang soap opera. Pero nilinaw ni Nadine na wala silang chance na maging close ni Isabel dahil magkaiba raw sila ng holding area sa taping kaya hindi sila nagkakausap.



"Iba ang eksena niya, iba ang eksena ko. Hindi naman sa hindi kami close, pero okay lang. Pero wala kaming chikahan to the max," paliwanag ni Nadine.



Kahit daw pinagbati na sila ay hindi pa rin sila magkasundo. How true?



"Ewan ko kasi hindi ko nga alam kung saan nagsimula ang issue na ‘yan," sabi ni Nadine. "Nagbabatian naman kami ‘pag nagkikita kami. First time lang naming nagkasama sa soap. Pero nagkikita kami sa mga guest stints before."



Pero ang lumalabas ay si Nadine ang suplada at hindi nambabati.

"Siguro lahat ng tao sa set, galit sa akin," natatawang pahayag ni Nadine.



Bakit naman sila magagalit sa kanya?



"Ewan ko lang. Kasi bakit parang lumalabas na ako ang may kasalanan o ako ang suplada? Bakit walang ibang sinisisi sa issue? Bakit parang ako lang? Kung parehas kaming di nagbabatian ni Isabel, dapat sinasabi rin nila na parang di rin nambabati si Isabel. Parang ako ang pinagtutulungan," may hinaing ni Nadine.



Hindi ba nila napag-usapan ni Isabel ang tungkol dito?



"Actually, pinag-usapan naman namin. Siguro baka yung ibang tao sa set, parang di nila ako type. Ewan ko lang kung tama ang feeling ko," pahayag ni Nadine.



Handa naman daw si Nadine sa mga intriga. May mga intriga raw sa kanya na mas masahol pa sa ibinabato sa kanya ngayon. Ano ba ang pinaka-worst na intriga na ikinabit sa pangalan niya?



"Actually, basta intriga, worst na ‘yon kasi mas masama ang sinasabi nila sa iyo—like suplada, isnabera, ganun daw ako," wika niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Baka naman paraan lamang ang sinasabing gap nila ni Isabel para mapag-usapan ang Maging Akin Ka Lamang?



"Puwede rin, kaya lang nakakasama rin ng loob kasi may mga taong nagsasabi sa akin na ‘Ganyan ka pala.' Tapos mayroon akong friend na nagkuwento sa akin na sumakay daw siya ng jeep. Pati ba naman daw sa jeep ay pinag-uusapan ako na 'suplada raw si Nadine,'" kuwento niya.



Pero okay na raw silang dalawa ni Isabel kahit na patuloy pa rin ang tsismis na hindi sila in good terms.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN