John Lloyd Cruz talks about his possible projects with KC Concepcion and Vilma Santos

"I'm confident na wala akong babaeng nabuntis. Kaya kong sabihin nawala akong call center agent na nabuntis. Alam kong hindi totoo 'yondahil wala naman akong sinusustentuhang bata gaya ng nababalita," says John Lloyd Cruz about rumors that he already has a child.



In good health na ang young actor na si John Lloyd Cruz, na inaming nagkasakit ng pneumonia recently, nang humarap siya sa presscon ng Biogesic, kung saan ay second year na niya bilang endorser. Hindi naman inilihim ni John Lloyd ang kanyang naging sakit at sinabi pang walang katotohanan ang lumabas sa ibang tabloids na kesyo nagka-dengue raw siya.



"Okay na po ako ngayon. Thank God naka-recover na ako from pneumonia na marahil ay nakuha ko sa sobrang pagpupuyat at sobrang pagtatrabaho. Grabe kasi ang tapings namin for Maging Sino Ka Man, minsan magdamagan talaga. Almost five days akong na-confine, but I'm glad I am in good health now.

"Ang hirap magkasakit, but I'm happy pa rin dahil yung support ng family ko at mga mahal ko sa buhay ay nandiyan to keep me going. Medyo seryoso ang sakit ko and I don't think any paracetamol can cure or prevent pneumonia," bungad ng guwapong aktor nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa 9501 restaurant ng ABS- CBN kagabi, February 11.



Ano nga bang pangangalaga sa katawan ang ginagawa ni John Lloyd to maintain a healthy body and keep himself well?



Aniya, "Honestly, yun ang mahirap kasi medyo demanding yung work namin bilang artista. Mahirap to keep up on my schedule, especially in my line of work. Very taxing kasi yung aking trabaho.

"I just watch what I eat," dagdag niya. "'Pag medyo gabi na iwas sa carbs [carbohydrates]. Ang goal ko for the next two or three months, sana magkaroon ako ng time to go to the gym. Gusto kong maging active sa anumang sports. I've lost weight dahil sa pagpupuyat sa tapings."



MOVIES WITH VILMA & KC.
Sinagot din ng award-winning young actor ang balitang disappointed siya sa hindi pagkakatuloy ng pelikula nila ng Star for All Seasons at Batangas Governor Vilma Santos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Well, kasi siyempre, kung ako rin naman si Ate Vi, binoto ka ng public so mas magma-matter siguro sa 'yo yung kahilingan nila kesa sa kahilingan ng sarili mong makagawa ng pelikula. Siguro masyado pang maaga para sabihing shelved na ang project. But I'm still hoping na matuloy pa rin ang movie namin ni Governor Vi. I'm giving it until this year. Pero kung hindi mangyari this year, okay lang naman. Naiintindihan ko ang rason kung bakit hindi natuloy. Sana, matuloy pa rin," saad ni John Lloyd.



Hindi man natuloy ang pagsasama nila ni Vilma ay balitang kapalit nito ang proyektong pagbibidahan naman nila ni KC Concepcion sa Star Cinema. Totoo ba ito?



"Yun nga po ang naririnig ko lately," pagkumpirma ni John Lloyd. "Pero kagaya ng ibang projects ko, hangga't wala pa diyan, ang hirap kasi magsalita, mahirap angkinin. Minsan kasi kahit na-shoot mo na, puwede ka pa ring tanggalin. Pero for this year, alam ko talaga, ang projects na naka-lineup sa akin ay yung kay Gov. Vi at ito ngang with KC."

Excited ba siyang makasama ang anak ng Megastar na balitang by June ay magsisimula na silang mag-shooting? If ever, si John Lloyd ang magiging first leading man ni KC sa big screen.

"Naku, kakailanganin ko ng maraming Biogesic!" biro niya. "Sa kaba at tensiyon pa lang ay sasakit na ang ulo ko, e. Siyempre, KC, ibig sabihin, maraming nakatutok. ‘Eto nga, balibalita pa lang, marami nang nagtatanong. So what more kung matapos na ang movie o ginagawa n'yo na?"



Pinaghahandaan na ba ni John Lloyd ang pagtatambal nila ng KC?

"Sa pinakamagandang paraan na alam ko, paghahandaan ko," sagot niya. "Nag-meet na kami, nagkakilala na kami, pero hindi pa kami close. 'Hi' and 'hello' stage pa lang kami."

Posible bang magustuhan din niya si KC?



"Siguro, ewan ko. Meron bang lalaki na hindi siya gusto? I mean, kung meron kang maihahambing, almost close to perfection, siya na 'yon," pahayag ng binata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Proud ba siya na mauunahan niya kung saka-sakali ang ibang young actors—gaya ng nali-link kay KC na si Richard Gutierrez—na makatambal si KC sa pelikula?



"Well, hindi lang sa anggulo na naunahan ko ang kahit na sino, pero unang-una, proud ako... Hindi lang proud, e, iba kasi yung pakiramdam na ma-consider ka na makatambal ang isang KC. At the same time, kinakain ka rin ng takot or ng kaba kasabay ng excitement. Siyempre, medyo malaking project 'yon. It's KC Concepcion, so expect something big, parang iba yung dating," pag-aanalisa ni John Lloyd.



Saan siya mas excited, sa movie nila ni Governor Vi o sa movie nila ni KC?

"Mas nae-excite ako sa movie with Governor Vi," pag-amin ni John Lloyd. "Kasi kay KC, mas may chance pa kaming magkatambal in the near future. E, kay Ate Vi, sa sobrang demanding ng schedule niya, posibleng hindi na maulit ulit ang offer," paliwanag pa nito.



PAPA JOHN LLOYD? Sinagot din ni John Lloyd ang isyu na may anak na raw siya sa ibang babae.



"Hindi ko alam kung kanino nanggagaling ang tsismis na 'yan," pauna niya. "Tinanong ko naman kasi kung sino at may pangalan ba yung babae. Kasi ayoko namang makasira ng buhay kung sino man yung babaeng 'yon. More than myself, iniisip ko siyempre ang kapakanan ng girl kasi baka makasira pa tayo ng buhay ng ibang tao."



Hindi ba siya nagwo-worry na masabihang may anak na siya? Hindi ba ito makakasira sa career niya?



"Natural lang na sa isang kagaya ko na 24, na sinasabi nila ay nasa marrying age... Natural sa lalaki na makabuntis ka. Ang ayoko lang isiping natural, e, yung makasira tayo ng pangalan o buhay ng tao. Pero kung ako lang, alam ko namang hindi totoo yung tsismis.



"I'm confident na wala akong babaeng nabuntis. Kaya kong sabihin na wala akong call center agent na nabuntis. Alam kong hindi totoo 'yon dahil wala naman akong sinusustentuhang bata gaya ng nababalita," mariin niyang pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ano naman ang comment ng girlfriend niya na si Liz Uy sa tsismis na ito sa kanya?



"Nalungkot siya kasi may mga balitang ganito na wala namang basehan, na puwedeng lumaki ng ganito," matipid niyang sagot.



Almost two years na ang relasyon nila ng kanyang non-showbiz girlfriend, may plano na ba silang mag-settle down?



"Well, kasi kahit naman nung bata pa ako, hindi maiaalis sa isang tao na nasa isang relasyon na isipin na yung partner niya ay 'yon na ang mapapangasawa niya. Ngayon kasi, parang pareho kaming nasa peak namin, so it's good to know that our priorities are in line, na medyo hindi pa namin nakikita yung anggulo or aspeto sa mga buhay namin. Yun na muna, ini-enjoy muna namin ang isa't isa," paliwanag ni John Lloyd.



Kailan naman kaya plano ni John Lloyd na lumagay na sa tahimik?



"Hindi ako nagbibigay ng time frame kasi kahit sinasabi ko ito, puwedeng magbago ang isip mo. Let's just wait and see. And if ever I'll settle down, ia-announce ko ito sa buong mundo kasi proud ako sa mapapangasawa ko," pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN