Maui Taylor returns to the sexy genre via "Torotot"

Former Viva Hot Babe member Maui Taylor returns to the big screen after a long absence through Viva Digital's Torotot.



Nawala pansamantala sa eksena ang sexy actress na si Maui Taylor at ganito ang naiwang impression sa marami. Pero sabi ng sexy star, nasa tabi-tabi lang naman siya at nagpakaabala sa out-of-the-country commitments at iba pang mga karaketan.



"Let's face it, humina ang pelikula," pahayag ni Maui. "This time, nagpi-pick up na rin kahit paano at may offers sa akin. Nakakapamili rin ako. So, why not?



"Sa TV lang kasi ako napapanood noon kapag may guestings. Dapat nga, ako yung nasa Ilusyon, instead of Jaycee Parker. Nanghinayang din ako dahil maganda yung role, pero nagkataon na may commitments ako abroad for some shows," kuwento ng dating miyembro ng Viva Hot Babe.



Naging mapili rin talaga sa mga proyekto si Maui. Hindi raw totoong nag-iinarte na siya dahil sa pressure ng pakikipag-boyfriend sa isang non-showbiz guy na nagngangalang Kent Lim.



"Never na magiging problema sa akin ang pakikipagrelasyon, lalo na sa trabaho ko," paglilinaw ni Maui. "Wala akong ganyang image. Heto nga lang, napa-oo ako ng Viva dahil maganda ang alok, si Maryo J. delos Reyes ang direktor. I'm very much aware about Direk Maryo's reputation as a filmmaker. It's an honor for me na makatrabaho siya."



Ang nabanggit na proyekto ni Maui ay ang kontrobersyal na digital film na Torotot (Destierro).

Ang muling pagharap ni Maui sa movie cameras ay magbubura sa impresyong ibinahay na kasi siya ng kanyang boyfriend, o nagpakasal na siya.



"Malabong mangyari kasi 'yan sa ngayon. Gusto ko pa ring mapatunayan that I can really act. Kaya hangga't maaari, I want to be in significant films, gaya nga nitong Torotot," sabi ni Maui.



How true na binigyan kasi ng first prerogative si Maui kung ano ang pipiliin niyang role sa Torotot? Silang dalawa kasi ni Precious Adona, ang Be Bench finalist na ipinakikilala ng Viva Digital sa pelikula, ang pangunahing co-star niya sa pelikula katambal sina Yul Servo at Baron Geisler.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Ako talaga ang pinapili, pero hindi totoong pinili ko yung role na napunta sa akin dahil lesser ang bold scenes. I don't have to quantify. Yung role ang tinitingnan ko, hindi dahil sa love or sex scenes lang.

"In fact, grabe ang passionate love scenes namin dito ni Andrew Schimmer. Ako kasi ang wife ni Yul Servo dito na magkaka-affair sa ibang lalaki. Kaya kailangan talaga yung ganoong mga eksena. Kung ika-quantify ko lang kasi, palagay ko, mas marami pa akong sexy scenes kung ikukumpara doon sa character ni Precious sa movie," paliwanag ni Maui.



Huling napanood sa big screen si Maui sa pelikulang Bugbog-Sarado ng Viva Films, pero maganda ang reviews sa akting niya sa Huling Birhen sa Lupa na pinagsamahan nila ni Ara Mina.



Ipinaliwanag ng Viva bosses na sina Vic del Rosario at Vincent del Rosario na mas babagay kay Maui yung role na napili niya, kaya kinunsidera rin ng sexy actress ang ipinayo ng mga ito sa kanya.



Very supportive din kay Maui ang boyfriend niya and she feels that a non-showbiz guy can really understand her.



"Ayoko na talaga ng showbiz guy. Sumakit lang ang ulo ko!" tili pa niya.



She was obviously referring to her affair with Brian Revilla, son of Bong Revilla and Lani Mercado, which ended with so much controversy.



"Hindi ko gusto yung kaliit-liitang detalye, pinag-uusapan. There was so much deception. Tama na!" mariin niyang sabi.



Hindi rin natinag si Maui sa mga isyu sa kanila ni DJ Mo Twister dahil sa ginawa nilang video together.



"Pero alam kasi ni Kent na magkaibigan lang kami ni Mo. Balewala sa kanya yun. Mas tahimik ang life ko with him, and that's good enough for me," sambit ng sexy star.



Bukod sa Torotot, tinapos na ni Maui ang shooting niya para sa Teach Me How to Love, isang digital film na nagtatampok sa kanya at kina Nathan Lopez at Tonton Gutierrez sa direksiyon ng National Artist na si Eddie Romero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN