Sexy actor Paolo Rivero replaces Dion Ignacio anew in "Manay Po 2"

by Dinno Erece
Feb 13, 2008
After taking on the role of a gay lover in Daybreak, which was first offered to Dion Ignacio (right), Paolo Rivero (left) once again takes on the role Dion in Manay Po 2.


Change of title and more casting change is happening in Manay Po 2.

Tuluy-tuloy ang production ng unang solo-produced movie ng Regal Entertainment for 2008, ang sequel sa hit 2006 movie na Manay Po. Nang dumalaw kami kagabi, February 12, sa Amoranto Sports Complex kung saan sinu-shoot ni Direk Joel Lamangan ang ilang key scenes of the movie—including the kissing scene of Jiro Manio and his P.E. teacher, ang paglaban niya sa Miss Gay University, at ang Santacruzan away scene nina John Prats, IC Mendoza at Charles Christiansen—napag-alaman naming may pagbabago na naman sa cast of the movie, pati na rin ang official title nito.

The movie's title will now be Manay Po 2: Overload.

Napalitan din ang StarStruck 1 Avenger na si Dion Ignacio at StarStruck 4 Ultimate Female Survivor na si Kris Bernal sa mga respective roles nila bilang PE teacher at girlfriend ni Jiro. Parehong hindi pumuwede ang dalawang StarStruck graduates dahil nang magsimula ang shooting, kasagsagan naman ng last week ng taping ng Zaido: Pulis Pangkalawakan kung saan pareho rin silang kasali.

Continue reading below ↓

Andrea Torres, the girl introduced in the "Bangungot" episode of Shake, Rattle & Roll 9, replaces Kris. Si Paolo Rivero naman ang pumalit kay Dion.

Ironically, in an earlier report sa PEP, tinanggihan ni Dion ang papel na bangkero sa indie movie na Daybreak opposite his co-Studs Coco Martin in favor of Manay Po 2. Nakuha ni Paolo ang role ni Dion. Ngayon, nawala rin si Dion sa Manay Po 2 at kay Paolo pa rin ito naibigay.

Bago magsimula ang shooting ng Manay Po 2, napalitan din ni Sid Lucero si Luis Alandy na original na gumanap na partner ni Polo Ravales sa first installment.

Read Next
Read More Stories About
Dion Ignacio, Paolo Rivero
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After taking on the role of a gay lover in Daybreak, which was first offered to Dion Ignacio (right), Paolo Rivero (left) once again takes on the role Dion in Manay Po 2.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results