Katrina Halili launches her own lingerie line this Valentine's

Two-time FHM's Sexiest Woman Katrina Halili will launch her own lingerie line on Valentine's Day through a special fashion show at Serve disco bar.



One of the celebrity part-owners si Katrina Halili ng Barrakz Bar (dating Tubbataha Bar) sa Timog Ave. corner Tomas Morato sa Quezon City. Kasama ni Katrina sa business ang iba pang mga Kapuso stars—Allan K, Jaya, Dennis Trillo, Diana Zubiri, Alfred Vargas, and JC de Vera. Sa Barrakz nag-birthday party last month si Katrina.

Si Mark Herras naman, co-owner ng isang dance club na Serve sa Araneta Coliseum, na dating puwesto ng Klownz Araneta. He is joined by other celebrity co-owners Joshua Zamora and Cristine Reyes.

May bagong business si Katrina, ang Katrina Halili's Intimate Lingerie Fantasies. She will launch this in a special Valentine fashion show, February 14, featuring 16 Brazilian female models na rarampa with her.

Nagulat kami na imbes na sa Barrakz gawin ang launching ng lingerie line ni Katrina ay sa Serve ito gagawin. Matatandaang minsan na ring na-link sa isa't isa sina Katrina at Mark kaya medyo nakakaintriga ang balitang ito.

Nakausap namin pareho sina Katrina at Mark about this at iisa ang dahilan nila: mas malaki raw kasi ang stage ng Serve compared to Barrakz.

Bar type ang Barrakz kung kaya't kahit three floors ito, mga parties lang ang puwedeng gawin dito. Dati namang comedy bar ang Serve when it was still Klownz, so may ready stage na ito talaga.

Katrina Halili's Intimate Lingerie Fantasies line was featured in FHM's February 2008 issue, making her return to the cover of the number one men's magazine in the country the fourth time around.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN