Kristine Hermosa remains vague on her relationship with Oyo and Diether

"Si Oyo lang naman talaga ang nakakaalam kung ano talaga angnararamdaman niya for me. Siyempre, aware ako dun.Pero iba pa rin ‘pag sa kanya nanggaling kasi siya yung nakaka-feelnun. So siya lang mismo ang makakapagsabi kung mahal niya ba talaga akoo ano," says Kristine Hermosa about Oyo Sotto.



Sa hindi maintindihang estado ng relasyon nina Kristine Hermosa at Diether Ocampo, pilit na idinidikit ang pangalan ni Oyo Sotto kay Kristine.

Pumutok ang balita noon na nasa proseso ng nullification ang kasal nina Kristine at Diether, pero madalas pa rin silang makitang magkasama sa showbiz gatherings. Hindi tuloy maintindihan ng nakararami kung ano nga ba ang papel ni Oyo sa buhay ng aktres.

Sa nakaraang panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Diether ay nagbitaw ito ng salita na para sa kanya ay sila pa rin ni Kristine at ang mahalaga ay nagkakaintindihan silang dalawa.



Pero nang makapanayam ng PEP si Kristine noong Linggo, Pebrero 10, sa ASAP '08, sinabi niyang hindi sila nagbalikan ni Diether at hindi rin niya alam kung saan ba patungo ang kanilang relasyon.



"Hindi kami nagkabalikan ni Diet. But, oo, todo effort siya sa panliligaw uli sa akin. We're trying to pick up the pieces, pero di ko alam kung saan ito pupunta," lahad ni Kristine habang nasa loob din ng dressing room si Oyo.

Sa hiwalay na interview ng PEP kay Oyo, sinabi nito na "unconditional" ang nararamdaman niya para kay Kristine. Nang kunin namin ang reaksiyon ni Kristine, wala raw siya sa posisiyon para husgahan o sukatin ang damdamin para sa kanya ni Oyo.



"Si Oyo lang naman talaga ang nakakaalam kung ano talaga ang nararamdaman niya for me," sabi ni Kristine. "Siyempre, aware ako dun. Pero iba pa rin ‘pag sa kanya nanggaling kasi siya yung nakaka-feel nun. So siya lang mismo ang makakapagsabi kung mahal niya ba talaga ako o ano."

Gaya ni Oyo, hindi rin isinasara ni Krisine ang kanyang pintuan sa kung ano ang puwedeng kahantungan ng espesyal na pagkakaibigan nila ng binata.



"Ilang beses ko nang sinasabi na hindi ako nagsasarado ng pinto kahit na kanino," diin ng aktres. "Sumusunod lang ako sa kung ano kung saan ako dalhin ni God. Alangan naman na magmarunong ako, e, di nabulilyaso na naman ang buhay ko? Kung saan Niya ako dadalhin, doon ako. Kasi kung masyado tayong in control sa buhay natin, walang mangyayari sa atin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Basta ako, right this moment, I'm focused on my work. Halos every day I'm working. Nagte-taping ako for Prinsesa ng Banyera, 'tsaka tinatapos namin yung My Big Love."

MY BIG LOVE. Ka-love triangle ni Kristine sina Sam Milby at Toni Gonzaga sa My Big Love, kung saan gumaganap si Sam na isang obese character. Nang tanungin namin si Kristine kung sa tunay na buhay ba ay posible siyang ma-in love sa katulad ng ginagampanang role ni Sam sa pelikula, nagpakatotoong inamin ni Kristine na malabong mangyari ito sa kanya.



"To be honest, hindi, sorry," sabi niya. "Siguro kaibigan, puwede, kasi naniniwala ako na sa pisikal muna talaga. Siyempre, maa-attract ka muna sa physical appearance kasi hindi mo naman agad makakausap ang isang tao at makikilala nang husto. Gusto ko naman, kung sinuman ang makakatuluyan ko, yung masarap gumising at matulog na siya ang nakikita mo."

Ipinaliwanag ni Kristine ang character na ginagampanan niya sa My Big Love:

"Sosyalera ako dito na masyado akong isang magandang nilalang, pero yung character ko medyo superficial. Siyempre ‘pag mayaman ka, dapat yung image mo laging maganda, laging maganda ang mga kasama mo. Dun nag-start yung conflict," lahad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN