Glaiza de Castro: "Give me a chance to prove my worth."

"Inaasahan ko nang hindi ko mapi-please ang lahat. But at least, giveme a chance naman to prove my worth. Kung hindi uubra, that's the timesiguro na puwede nila akong punahin. Sa ngayon, wala pa akong pruweba.Sana maghintay muna nila kung ano ang pupuwede kong maibigay," says Glaiza de Catsro about landing the lead role in Kaputol ng Isang Awit.



Finally, binigyan ng GMA-7 ng pagkakataon ang young actress na si Glaiza de Castro para magbida sa bagong Sine Novela na Kaputol ng Isang Awit. Hindi nga makapaniwala si Glaiza sa atensiyong ibinibigay ng GMA-7 sa pagkakataong ito.



"Hindi ko inaasahan na pagbibidahin nila ako," sambit ng young actress. "Feeling ko, nananaginip pa rin ako. Role na ginampanan pa ni Sharon Cuneta ang ibinigay sa akin."



Two-year exclusive contract ang pinirmahan ni Glaiza sa Kapuso network. Para sa kanya, kapag hindi nag-click ang Kaputol ng Isang Awit, mahihirapan na siyang may mapuntahan pa.



"Make or break nga kasi ito para sa akin. Kaya dapat ay gawin ko na ang lahat ng makakaya ko rito. Ayokong sayangin ang pagkakataon. Mula nang sabihin sa akin ng mga taga-GMA na ito nga ang assignment ko, nakatutok na talaga ako rito. Ayokong ma-disappoint sila, lalo na ang televiewers na susubaybay sa series," lahad ni Glaiza.

Rival sisters sina Glaiza at Lovi Poe sa nabanggit na teleserye. Threatened ba siya kay Lovi bilang prime antagonist ng Kaputol ng Isang Awit?



"Magaan agad ang dating ni Lovi sa akin," paglilinaw ni Glaiza. "Nakakasama ko na kasi siya noon sa ibang shows ng GMA-7, at walang naging problema sa amin. Ngayon pa lang, ang feeling ko, magkakaroon kami ng rapport. I really have to adjust, kasi sa tunay na buhay, Lovi is very sweet. Pero dito sa series, may pagkamaldita siya.

"Kailangan din niya ng support para ma-pull off niya yung character niya. Kaya kailangang magtulungan kami. Yung mapapanood ng mga tao rito, yung hindi kinasanayan sa amin, kaya inaasahan naming matutuwa sila."



Naipagtapat ni Glaiza sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na ngayon pa lang, marami nang nagtataglay ng fan mentality ang nariringgan niya ng paninira sa kanya.



"Kesyo hindi raw ako deserving, bakit ako pag-aaksayahan ng panahon..." banggit ni Glaiza. "Kung ano lang kasi ang ibinibigay ng GMA-7 sa akin, gagawin ko sa abot ng aking makakaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"As far as I'm concerned, hindi ako tumapak ng ibang tao para makuha ang malaking break na ito. Pinagtrabahuan namin ito ng manager ko [Manny Valera]. Nagtiyaga ako sa kung anu-anong roles, at hindi naman ako basta lang nabigyan ng chance from out of the blue.



"Inaasahan ko nang hindi ko mapi-please ang lahat. But at least, give me a chance naman to prove my worth. Kung hindi uubra, that's the time siguro na puwede nila akong punahin. Sa ngayon, wala pa akong pruweba. Sana maghintay muna nila kung ano ang pupuwede kong maibigay," pakiusap ng young actress.



In fairness naman kay Glaiza, napatunayan niyang nakaaarte siya given a very good role, gaya sa digital film na Still Life.

"Natutuwa nga ako kasi maganda ang reviews sa acting ko doon. It's also a way for other people to give me a second look. Baka nga may ibubuga kung magbibida. That's just how I look at it," sabi ni Glaiza.



Take note, wala raw ibang koneksiyon si Glaiza sa GMA-7 other than her manager. At saka hindi siya nakakontrata sa GMA Artist Center.



"Kaya nga para pagbalingan ako ng GMA-7, ibig sabihin, may nakita siguro silang potensiyal talaga sa akin. That's giving me enough confidence. Pero itong negative feedback, kahit hindi pa man nila ako napapanood sa magagawa ko for a teleserye, well, I'm using it to prove to them na kaya ko. All the more na makikita nilang efforts ko, at makaka-inspire ito sa akin for the mind of big break I deserve," pagwawakas ni Glaiza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN