Vic Sotto does house-to-house campaign for son Vico

Apr 22, 2016
<p>Vic Sotto went to a house-to-house campaign for son Vico, who is running for councilor in Pasig City.</p>

Sinamahan ni Vic Sotto ang kanyang anak na si Vico sa pangangampanya sa isang barangay sa Pasig City kahapon, April 21.

Tumatakbo sa pagka-konsehal sa first district ng Pasig City ang anak nina Vic at Coney Reyes sa ilalim ng Partidong Galing at Puso nina Grace Poe at Chiz Escudero.

Todo-suporta si Vic sa anak dahil sinamahan pa niya ito sa pagha-house-to-house sa Brgy. Palatiw sa Pasig.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Nagbiro pa ang 26-anyos na si Vico sa kanyang Facebook account kung paano dinudumog ang house-to-house campaign niya kapag kasama ang kanyang sikat na ama.

“Medyo nagiging kakaiba nga lang ang tema ng 'house to house' kapag kasama na si Papa.

“Ang bangko nagiging stage at ang paglalakad nagiging parang motorcade na motorless,” bahagi ng caption ni Vico sa kanyang Facebook account.

Continue reading below ↓

Pinasalamatan naman ni Vico ang ama sa pagsama sa kanya sa pamamagitan ng Instagram post na ito:

Bukod kay Vic, kasama ring naglibot ni Vico ang ilang konsehal ng Pasig upang tulungan siya sa kanyang pangangampanya.

(Note: Photos from Vico Sotto's Facebook account)

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Vic Sotto went to a house-to-house campaign for son Vico, who is running for councilor in Pasig City.</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results