Claudine Barretto suspects a celebrity as mastermind of intrigue against Gretchen

"Hintayin na lang ninyo na lumabas yung pangalan ng artista na ‘yan.Akala pa naman namin kaibigan namin, pero hindi pala. Ever since naman,questionable na ang credibility ng taong ito," says Claudine Barretto about a celebrity whom they suspect as the one behind all the negative issues against Gretchen (inset).



Blood is thicker than water, isa ito sa kasabihang napatunayan muli nang mauwi rin sa pagbabati ang ilang taon ding alitan sa pagitan ng Barretto sisters.



Ngayon ay bahagi na lang ng nakaraan ang nangyari kina Gretchen, Marjorie, at Claudine. Sa bawat intrigang kinahaharap ngayon ng magkakapatid ay naroon ang bawat isa para idepensa kung sinuman ang pinupukol ng mga intriga.

Ilang beses ipinagtanggol ni Claudine si Marjorie sa pagkaka-link nito kay Caloocan City Mayor Recom Echiverri. Sa parte naman ng kapatid na si Gretchen—mula sa John Estrada kissscandal hanggang sa usap-usapang hiwalayan nito sa live-in partner na si Tonyboy Cojuangco, at pagkakaugnay ng aktres kay Dody Puno—nasa likod lamang si Claudine at handang ipagtanggol ang kanyang Ate.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Claudine during the live telecast ng ASAP '08 last Sunday, February 10. Pinabulaanan niya ang lumabas na balita na wala na sa Dasmariñas Village ang Ate Gretchen niya dahil pinalayas diumano ito ni Tonyboy.



"Lagi kong kausap si Gretchen," sabi ni Claudine. "Wala naman siyang suporta na kailangan kasi hindi naman totoo ‘yang issue na ‘yan. Nandun pa rin siya sa bahay nila sa Dasmariñas, and sila pa rin ni Tony.

"Actually, naguguluhan kami kasi matagal na ‘yang issue na ‘yan na hindi mamatay-matay. Ako naman, hindi ko rin gaanong napapansin because busy ako sa taping ng Maligno [her new TV series in ABS-CBN]. Hindi na ako nakakapanood ng TV, hindi na rin ako nakakapagbasa.

"Then lumabas nga yung sa Inquirer, dun na ako nagtanong sa ate ko. Tinawagan ko siya. I asked her, ‘What's happening? Where are you?' Sabi niya, nagpapa-derma daw siya. She asked what I am doing and puntahan ko raw siya. Sinabi ko na sa kanya yung lumabas sa Inquirer, I'm alarmed and worried because broadsheet na ‘yon and front page pa. Ang sabi niya sa akin, ‘Claudine, you believe?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Sa isip ko, baka nga may katotohanan. Pero at the back of my mind, alam ko sasabihin sa akin ng kapatid ko yung totoo saka every day kaming magkausap. Pinag-uusapan namin yung album niya."

Dahil nakilala nga si Gretchen na very open pagdating sa kanyang buhay, siniguro sa amin ni Claudine na hindi magagawang maglihim sa kanya ng kapatid.



Sabi ni Claudine, "Alam mo si Gretchen, nagsasabi ‘yan. Different siya ni Marj. Kasi si Marj, hindi nagsasabi ‘yan, parang ako. Si Gretchen, she's a very open person kaya nga siya nami-misinterpret, kasi hindi siya sinungaling. Pero siguro kasi, after nung gulu-gulo, medyo quiet na siya ngayon nung nag-Boston sila, naoperahan si Tony.

"Natatawa lang siya sa balita. Pero feeling ko, naapektuhan din siya. But because she's home, and alam niyang hindi totoo yung mga balita, binabalewala na lang niya," saad ng pinakabata sa Barretto sisters.



Nalaman din namin na open pala ang communication nina Claudine at Tonyboy. Consistent daw ang pagte-text nila and after ngang dumating nina Gretchen at Tonyboy sa Boston ay nagkita pa sila.



"Nakakausap ko si Tonyboy, ka-text ko siya," sambit ni Claudine.



May lumabas ding balita na sa isang condo unit daw sa The Fort tumuloy si Gretchen matapos siyang palayasin ni Tonyboy. Pinagtawanan lang ito ni Claudine dahil siya pala ang may condo unit sa nasabing lugar.



"Ako ang may condo sa Fort!" natatawa niyang sabi. "Gusto ko lang klaruhin ‘yan, na-feature pa nga ‘yan sa isang magazine. Dumadalaw si Gretch dun, siyempre Ate ko ‘yon. Siguro nakita siya dun and ginawan na ng balita.



"You know what, I don't know what happens inside their [Gretchen and Tonyboy's] house. Pero ‘pag sinabi nilang okay, oo, okay sila. Pero siyempre, hindi ko alam yung mga personal na bagay sa kanila. Lahat naman siguro ng tao, ng mag-asawa, ay dumadaan sa kaunting mga problema."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lumabas ang pangalan ni Dody Puno na siyang sinasabing third party sa paghihiwalay diumano nina Gretchen at Tonyboy. According to Claudine, she doesn't' even know Dody.



"Hindi ko siya kilala. Akala ko nga ‘Dondie.' Akala ko taga-DILG [Department of Interior and Local Government], pero hindi naman pala. Sa pagkakaalam ko, kaibigan siya ni Tonyboy," saad ni Claudine.

Balita rin na may isang top executive ng ABC-5 na may kaugnayan din kay Gretchen. Ano ang masasabi ni Claudine dito?



"Sa palagay mo ba papayagan ni Tonyboy ‘yan? Hindi siya naging Tonyboy Cojuangco para maging tanga," mariing sabi ng aktres. Si Tonyboy ang may-ari ng ABC-5.

May ideya na raw sina Claudine kung sino ang nasa likod ng mga sunud-sunod na negatibong balitang ito kay Gretchen. Isa raw itong artista na inakala nilang kaibigan nila, pero tatraydurin at sasaksakin pala nang patalikod sina Gretchen at Tonyboy.



"Unfair pero maghintay na lang kayo kasi, soon, ire-reveal ko kung sino ang naglalabas niyan. Tanong ko nga, bakit hindi namamatay ang isyung ito? Dahil pala mayroong isang insider sa showbiz na naglalabas at consistent siya sa mga balita niya. Marami na akong napagtanungan at na-confirm na rin nina Gretchen at Tonyboy.



"Hintayin na lang ninyo na si Gretchen ang magsalita. Hintayin na lang ninyo na lumabas yung pangalan ng artista na ‘yan. Akala pa naman namin kaibigan namin, pero hindi pala. Ever since naman, questionable na ang credibility ng taong ito," pagtatapos ni Claudine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN