Gian Magdangal and Sheree postpone wedding plans

Singer Gian Magdangal will soon become a father as his girlfriend, Sheree, is now seven-months pregnant.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang singer na si Gian Magdangal. Sinabi nito na pinaplano na talaga nila ng kanyang girlfriend, ang dating Viva Hot Babe member na si Sheree, na magpakasal. Yun nga lang, naunahan sila ng pagbubuntis ng sexy actress.



Seven months pregnant na si Sheree at excited na si Gian dahil magkakaroon na ng grandchild ang kanyang parents. Inamin naman ni Gian na pareho silang nasorpresa nang malaman nilang buntis nga si Sheree.

"Right now, mas priority yung maging maayos ang panganganak ni Sheree," diin ng Philippine Idol runner-up. "The marriage plans will come later na kapag maayos na ang lahat with the baby.

"Ang maganda naman sa nangyaring ito is that my parents are very supportive. Inaalam nila kung ano ang mga kailangan namin at kung kumusta si Sheree. Pinaramdam talaga nila na nandiyan sila para sa amin. Masaya ako na mabilis nilang natanggap na magiging father na ako. Hindi rin nila ini-expect that fatherhood will come to me this early. Pero if God designed na ganito ang mangyari sa buhay namin, then ito nga ang mangyayari."



Itinuturing ni Gian na suwerte ang magiging baby nila ni Sheree dahil sunud-sunod ang nagiging trabaho niya ngayon. Bukod sa regular siyang napapanood sa SOP tuwing Sunday sa GMA-7 ay hindi raw siya nawawalan ng singing engagements at mga out-of-town shows. In the works na rin ang kanyang long-overdue debut album.



Looking back, naging kontrobersiyal ang relasyon nina Gian at Sheree. Last year ay naging issue ang breakup ni Gian at ng kanyang ex-girlfriend na si Aiza Marquez. Kaibigan ni Aiza si Sheree at naging confidante pa ni Aiza si Sheree noong mga panahong namumroblema ang una sa relasyon niya kay Gian.



Pero kapwa na nag-move on sila Gian at Aiza, though hindi masasabi ni Gian na good friends na sila ng kanyang ex-girlfriend. Gian is just hoping na maging masaya si Aiza sa pagbubuntis ni Sheree.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN