Lovi Poe denies eloping with Jolo Revilla

"It's the last thing I would do. Alam kong masasaktan ang mommy kokapag ginawa ko 'yon. At saka bakit namin gagawin ni Jolo ang mag-elope?" swears Lovi Poe, dismissing reports that she and rumored boyfriend Jolo Revilla eloped.



Kumalat ang balita through text messages na tinangka raw itanan ni Jolo Revilla ang rumored girlfriend niya na si Lovi Poe. Nalaman daw agad ng ina ni Lovi na si Rowena Moran ang balak na ito kaya napigilan ang dalawa.



Ang ganitong balita ay ikinabahala rin ni Lovi kaya agad niyang nilinaw sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na walang ganitong pangyayari.



"I won't betray my mom," sabi ng young actress. "It's the last thing I would do. Alam kong masasaktan ang mommy ko kapag ginawa ko 'yon. At saka bakit namin gagawin ni Jolo ang mag-elope?



"Lagi na nga kaming magkasama. Ano na lang ang mangyayari sa amin kapag ganoon? Besides, hindi ko pa siya officially boyfriend. Bakit ako makikipag-elope with somebody na hindi ko pa naman boyfriend?" paliwanag niya.



Ngayon nare-realize ni Lovi ang repercussions ng hayagang panliligaw ni Jolo sa kanya. Pinangungunahan na siya ng mga balita.



"It's disappointing, but what can I do?" nasabi na lang ng dalaga. "All I have to do is to come out in the open and say that the rumors circulating around are not true."



Aware din si Lovi na hindi lahat ng tao ay nagkakagusto kay Jolo para sa kanya. For one thing, may anak na ito kay Grace Adriano, anak ng aktres na si Rosanna Roces, at nag-iwan ito ng grabeng impact at kontrobersiya.



Kakayanin kaya ni Lovi ang mga susunod na mangyayari kapag si Grace na ang nagsalita, o kung hindi man, makialam si Osang kung sakaling topakin ito?

"Bakit ko iisipin 'yon?" tanong niya. "Wala naman akong ginagawang masama. Besides, I don't think na ganoon si Grace. Although hindi kami close, ang iniisip ko lang, wala rin siyang sasabihin sa akin, kasi hindi niya ako kilala.



"I don't think Tita Osang will mess me up with such intrigues. I'd just don't want to make a comment, kasi wala naman akong kinalaman sa kanila," pahabol ni Lovi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



ARDENT SUITOR. Mukhang patay na patay si Jolo kay Lovi. Hindi na siya hinihiwalayan ng binatang ama. Paano pa naasikaso ni Lovi ang iba pa niyang dapat gawin, gaya ng kanyang pag-aaral?



"Exaggerated yung mga lumalabas na news," napapailing si Lovi. "Hindi naman totoong ipinaglalatag na ng mommy ko ng banig si Jolo dahil inuumaga na siya sa panliligaw. There were just times that Jolo has to stay longer sa bahay namin sa Magallanes Village. Pero alam niya kapag kailangang may gawin akong iba, like I have to study. He asks permission first kung puwede kaming magkita.



"Kung hindi, sa phone na lang kami nag-uusap. Lagi nga kaming magkasama, lalo ngayon, bini-build up na ang loveteam namin. That's the only reason I know that we have to be with each other often."

Bago mag-19 years old si Lovi noong February 11, she celebrated her birthday in advance sa White Cross with less fortunate kids. Kasama niyang nagbigay ng saya sa mga bata si Jolo.



"Jolo gave me a Gucci bag on my birthday as his gift," pahayag ni Lovi. "I found out how expensive the gift is, but really, na-appreciate ko ang kindness ni Jolo sa akin."



Very generous nga raw ang batang Revilla. Bukod sa halos lahat na ng oras nito ay nakalaan kay Lovi, talagang gumagastos daw ito sa dates nila.



"Hindi naman ako tumitingin sa ganyan, but I appreciate. Ganoon lang. Sabi ko nga kay Jolo, he doesn't have to pamper me. Yung parents din kasi namin, magkakaibigan, kaya walang problema sa ganyan. 'Yan din ang reason why madali sa amin ni Jolo ang maging close," lahad ni Lovi.



VILLAIN ROLE. Finally, magkasama sina Lovi at Jolo sa Kaputol ng Isang Awit. May laban ang love team nila sa binubuong team-up nina Marky Cielo at Glaiza de Castro sa nabanggit ding bagong Sine Novela ng GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Hindi naman kami nakikipag-compete. We just enjoy each other's company, at talagang naging good friends na kami ni Jolo," paglilinaw ni Lovi.



May pagkamaldita ang role ni Lovi sa Kaputol ng Isang Awit. Hindi kaya matatakan na siyang kontrabida dahil dito?



"It doesn't scare me," kampanteng sagot ni Lovi. "It's just acting. I'm happy to support Glaiza. Parehong makakatulong sa amin ang Kaputol ng Isang Awit. Magandang break ito para sa aming dalawa.



"Sa akin kasi, it poses more as a challenge. Hindi naman ako maldita in real life. A lot of people know me. Para maging convincing ako sa role ko, yun ang gusto kong gawin."



Pero nilinaw ni Lovi na may redemption naman ang character niya sa nabanggit na teleserye kaya hindi siya nababahala na baka ma-typecast siya sa ganitong klaseng roles.



"A lot of us sa GMA go through that. Nagbibida, nagkokontrabida, may shuffle. Kailangang ma-prove namin na versatile kami para hindi kami nawawalan ng projects," sabi ni Lovi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN