FIRST READ ON PEP: Luis Manzano readily talks about "bonding" with Angel Locsin

"It's too showbiz if I use ‘friends' kasi we're more than friends.But as to a relationship, let's just say there's a strong bond nowbetween the two of us," describes Luis Manzano of his relationship with Angel Locsin.



After being initially turned off by the "user" rumor about him, Luis Manzano is now ready and open to talk about his "bond" with Angel Locsin.

With a 15 percent increase in sales from 2006, Unilab and Kremil-S renew their contract with ABS-CBN's young TV host-actor for another year of campaign. Tuwang-tuwa ngang humarap si Luis in a pink top (Kremil-S color) sa press kaninang tanghali, February 15, sa ABS-CBN compound dahil maganda ang pasok ng taon for him—starting with this renewed endorsement, a Komiks project kung saan lalabas siyang superhero, a new season of Pinoy Big Brother Teen Edition, and three more endorsements.

"Lucky" raw siya, patawa ni Luis, who as a child was known as Lucky Manzano.

A day after Valentine's, tinanong agad ng press si Luis how he spent his Valentine without going to the subject of rumored sweetheart Angel Locsin. In past interviews, both Luis and Angel always skirted the issue.

Kaya nga nagulat ang lahat nang in-explain ni Luis sa presscon that it was a working day for him and so was Angel kung kaya't text lang daw muna sila. This pleasantly jolted the press dahil parang everyone missed something na kung sa last interview with Luis ay halos bawal pag-usapan si Angel, this time, he is opening up.

"Well, yes, I admit I really got turned off noon sa mga issue na kesyo user daw ako at lahat ng lang ng babae nililigawan ko," pasimula niya. "I would really like to talk to the person [entertainment writer] that started that issue, face-to-face para ma explain ko ang sarili ko point by point.

"Like si Toni [Gonzaga], hindi pa siya taga-ABS, nagkikita na kami. Let's admit it, she wasn't that big noon so how can people tell me I'm using her? Lumaki na lang naman ang issue nang lumipat siya. Si Mariel [Rodriguez] naman, we're friends for so long, hindi pa ako ang nasa showbiz. My first commercial was with Mariel," paliwanag ni Luis, na anak nina Vilma Santos at Edu Manzano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May suspetsa si Luis kung sino ang nagpasimula nito, pero hindi na lang siya nagsalita or nagbigay ng clue. He did reiterate that he was really "affected and turned off" (his own words) because of the issue kung kaya't hindi muna sila nagsalita ni Angel.

Matagal na raw niyang crush si Angel nang nasa GMA-7 pa ang dalaga, ngunit nagkaroon lang siya ng chance na mapalapit dito nang lumipat ito sa ABS-CBN.

"I was amazed how helpful Angel is. Ang dami niya palang tinutulungang tao at charity without being in the news. There are so many people she's helping, hindi ito nababalita," pagmamalaki ni Luis.

Is he ready to own up their relationship?

"Well, we're going out," pag-amin ng binata. "It's too showbiz if I use ‘friends' kasi we're more than friends. But as to a relationship, let's just say there's a strong bond now between the two of us."

Naaalala namin noon na after Nancy Castiglione, si Angel yata ang sumunod na ipinakilala ni Luis sa kanyang inang si Batangas Governor Vilma Santos.

"In a relationship sense of the word? Yes," pagsang-ayon ni Luis.

So is there a relationship now?

"We're bonding," nangingiting sagot ni Luis sa amin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN