Regine Velasquez appears on "Maalaala Mo Kaya" for the second time

Asia's Songbird Regine Velasquez returns to the longest-running drama anthology in the country, Maalaala Mo Kaya. She will be paired with award-winning actor Albert Martinez in a special episode to be shown on February 22.



Sa ikalawang pagkakataon ay lalabas ang Asia's Songbird sa isang espesyal na episode ng longest-running drama anthology sa bansa, ang Maalaala Mo Kaya (MMK) ng ABS-CBN.



"Natuwa ako they invited me here again," sambit ni Regine. "First time na gumawa ako sa MMK, 2002 pa with Piolo Pascual entitled 'Lobo.' I had a great time, directed ito ni Malou Sevilla. Noong ginawa ko ‘yon, nag-research pa ako and I talked to a friend who is a teacher aid ng mga autistic [the character she portrayed], para maging accurate ang acting ko. Magandnag experience yun dahil drama, ito heavy drama talaga.



"I won an award pa nga, Best Actress [from Star Awards for TV]. Hindi ko alam kung paano tatanggapin ang award, nagka-rashes pa ako that time. Maganda na bumalik uli ako sa MMK para ma-experience ko uli yung magandang na-experience ko before here, yung inaalagaan nila ako," lahad ng singer-actress.

Kung noong una ay si Piolo Pascual ang nakatambal ni Regine, this time ay si Albert Martinez naman ang kanyang kapareha sa episode ng Maalaala Mo Kaya tungkol sa dalawang tao na nagmamahalan.

"I had to admit na medyo naka-relate ako sa story ng pag-iibigan ng dalawang taong pilit na pinaglalayo ng kanilang mga pamilya. Although, iba yung story nila sa amin ni Ogie, iba yung story nila. Ito yung nagkaroon sila ng relasyon noong bata pa sila na walang closure. Yung may regret ka na ano kaya ang magiging life ko kung ‘yon ang napangasawa ko," kuwento ni Regine.



Sa ibang balita, nilinaw rin ni Regine ang balitang buntis siya kaya nadagdagan ang timbang niya.



"I'm not," giit niya. "Ilang taon nang natsitsismis na buntis ako, pero hindi po. Pinaplano namin [ni Ogie], we have many things to settle pa. We need to be ready, na maging practical kami. Hindi naman ganoon kamura o kadaling magpalaki ng anak. We want to give a good life sa magiging children namin. We need to plan, finish what we need to settle. Si Ogie marami pa siyang dapat ayusin and kapag naging okay na ang lahat, that's the time na puwede na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN