Birthday girl Heart Evangelista receives P.5-million diamond necklace from boyfriend Jericho Rosales

"Ibinigay niya sa akin ito last night [February 14] during my birthday party. Actually, dalawa yung gift niya sa akin. Itong necklace ‘tsaka yung fireworks na heart-shaped kagabi sa party," narrates Heart Evangelista about the diamond necklace that her boyfriend, Jericho Rosales, gave as a birthday gift.



Masayang nagdiwang ni Heart Evangelista noong February 13, isang araw bago ang Valentine's day at ang actual date ng kanyang kaarawan. Nagkaroon ng birthday celebration on the eve of her birthday sa rooftop ng Barrio Fiesta sa Wilson St. sa San Juan.

Pag-akyat pa lang sa Ongpauco building ng Barrio Fiesta ay nakahilera na sa hagdan ang mga larawan ng mahahalagang tao sa buhay ni Heart mula pagkabata. Kapansin-pansin na katabi ng picture ni Heart with her father ang larawan naman nila ng boyfriend niyang si Jericho Rosales. Dahil dito, marami ang nag-isip na natanggap na ng ama ni Heart na si Mr. Reynaldo Ongpauco si Jericho.

Kinabukasan, February 14, nagkaroon ng sa pang birthday celebration si Heart nang namigay siya ng nebulizers sa mga batang may sakit na asthma sa Kamuning Bible Christian Fellowship as part of her foundation, Heart Can. Kasama ni Heart sa kanyang charity work that afternoon si Jericho.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Heart sa kanyang charity work, tinanong namin siya kung ano ang birthday gift sa kanya ni Jericho.

"Eto," sabay turo ni Heart sa suot-suot niyang kuwintas na napapalibutan ng maliliit at malalaking diamonds na more or less ay worth half a million pesos daw.

Kuwento ng dalaga, "Ibinigay niya sa akin ito last night during my birthday party. Actually, dalawa yung gift niya sa akin. Itong necklace ‘tsaka yung fireworks na heart-shaped kagabi sa party."

Nang tanungin naman namin kung ilang karat ang nakakalat na diamonds sa kanyang leeg ay nahihiyang nagsalita si Jericho, na katabi lang ni Heart habang kausap namin, at sinabing huwag nang sagutin ang tanong. Nahihiyang ipabanggit ni Echo kay Heart kung magkano ang halaga at kung saan niya binili ang kuwintas.

"Yung store? Somewhere in Makati," nakangiting sabi ni Heart.

Last time nakausap namin si Heart sa presscon ng Your Song, sinabi niya na hindi siya nag-e-expect ng diamond jewelry gift from Echo para sa kanyang kaarawan. Naiintindihan daw kasi ng young actress ang gastusin ng kasintahan para sa pagtatapos ng bagong bahay ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko ine-expect ito sa kanya," sabay hawak ni Heart sa kanyang kuwintas. "Siyempre, natuwa ako dahil alam naman niya na ito [diamond jewelry] talaga ang hilig ko. At alam niya kung ano ang gusto ko sa tindahan na ‘yon."

Sinagot din ni Heart ang balitang nagkabati na ang daddy niya at si Echo sa birthday party niya.



"Okay na kami," ngiti ni Heart. "Masayang-masaya ako kahit papaano dahil there's a lot of improvement.

Pagkatapos ng pagbibigay niya ng nebulizers sa mga bata, sabay na umalis sina Heart at Echo gamit ang white Mercedes Benz na kotse ni Heart. Ayon kay Echo, manonood sila ng sine ni Heart kasunod ang dinner.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN