Riza Santos being swamped by admirers

Beauty queen Riza Santos is now one of the most desirable women in showbiz. Among those who are mesmerized by her beauty are Will Devaughn, Kian Kazemi, and Erik Santos.



Pagkatapos makilala nang husto ang beauty queen na si Riza Santos sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Edition Season 2, isa na siya sa pinaka-desirable na female celebrities ngayon.



After niyang ma-link kay Mark Bautista, ngayon ay ang kasamahan naman niya sa PBB na si Will Devaughn ang nali-link kay Riza. Nitong nakaraang Valentine's day nga raw ay niregaluhan ni Will si Riza ng isang Tiffany necklace na may kasama pang one dozen roses.



Hindi raw ini-expect ni Riza na reregaluhan siya ni Will. Inisip na lang ng beauty queen na baka dahil lang sa may okasyon 'tulad ng Valentine's Day kaya niregaluhan siya ni Will.



"Will is just a good friend for now. I never really thought that he would be this sweet. But I guess, may occasion naman kaya siya nagbigay ng regalo. Maybe he's this sweet din sa ibang tao. I'm not singling myself out because I know that Will has many friends din na babae," pahayag ni Riza sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal).



Pero expensive nga raw ang Tiffany necklace na iniregalo sa kanya ni Will, which means na special siyang babae para sa kanya.



"Still, I'm not thinking na ako lang ang special sa buhay niya," sabi ni Riza. "I don't want to expect things from Will because he's such a good person. Right now, I'm okay with him as a friend. If he wants to go further than that, I don't know...it depends on him."



Nagpadala rin daw ng regalo sa kanya noong Valentine's day ang isa ring produkto ng PBB na si Kian Kazemi. Pagkain at bulaklak din daw ang ipinadala sa kanya ng binata.

"I'm not very familiar with Kian yet. I think I met him before pa, but that was like an acquaintance lang. But I like to thank him for the gifts. He's such a thoughtful person pala. That's very sweet of him," saad ng dalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Sa tingin kaya ni Riza ay gusto rin siyang ligawan ni Kian?



"I really don't know," sagot niya. "I guess you better ask him na lang. I don't want to put any meaning sa pagbigay niya ng gifts. If he wants to be friends with me, okay lang."



Kamakailan lang ay nagpa-interview naman ang singer na si Erik Santos at sinabi niyang type din niya si Riza. Ayon pa sa singer ay girlfriend material daw ang beauty queen. Ano ang masasabi ni Riza rito?



"Like Kian, I'm not very familiar with Erik. I met him before when I guested in ASAP. And he was very nice to everyone. If he really said those things, then thank you. That's very nice of him. Pareho kasi kaming 'Santos' kaya siguro he said those nice things about me," nakangiting sabi ni Riza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN