Teenage mom Eda Nolan narrates her experience upon learning she was pregnant

Eda Nolan expresses gratitude to her boyfriend andthe father of her first child, Gian Carlos (inset). In return, Gian promised,"Sisiguraduhin kong secure sila, 'tapos siyempre dapat masaya kami, unang baby,at maasahan ninyo bilang ama sa baby natin at bilang asawa."


Humarap na sa publiko sa unang pagkakataon ang teen actressna si Eda Nolan matapos ang kanyang panganganak noong February 8. Sa kanyang interview sa The Buzz noong Linggo, February 17, inilahad ng dalaga angkanyang pakiramdam ngayong isa na siyang ina.

"Okay naman po ako, I'm happy," paglalarawan ni Eda nangkumustahin siya ng The Buzz host Boy Abunda sa isang exclusiveinterview.

Ayon kay Eda, walang mapagsidlan ang kanyang kasiyahandahil, "Siyempre kasi ano, may family na ako, may bagong family na ako. Sobrang saya ko, Tito Boy, lalo na kapag maybaby na."

Ang teen actress na si Eda, 19 years old, ay isa sa mgafinalist ng Star Circle Quest 2 ng ABS-CBN at mas kilala bilang Juniper sayouth-oriented show na Let's Go.

Lingid sa kaalaman ng publiko, naging karelasyon ni Eda ang StarStruck3 First Prince na si Gian Carlos, na magna-19 years old sa April. Hindi masyadong lantad ang kanilangpagsasama dahil na rin sa sila ay galing sa magkalabang TV networks.

Paano nila nagawang isikreto sa publiko ang kanilangrelasyon?

"Ano po, parang hindi kami nagde-date sa maraming tao,"sagot ni Eda. "So, kapag nagde-datekami, sa bahay lang. Bumibisita siya doon, ganun lang po.

Nilinaw rin ni Eda sa nasabing interview ang mga detalye ngkanyang pagbubuntis. Aniya, "Parang anopo, Tito Boy, e, hindi naman sa pinlano, kumbaga, nangyari lang. 'Tapos yun, nalaman ko na buntis ako."

Dagdag pa ng young actress, "Actually, Tito Boy, honestly,nalaman ko, tiyan ko nun mga magpu-four months na. Hindi ko alam, Tito Boy, kasi ako, parang napapraning na, parangmay feeling ako. Sabi ko, ‘Bakit kayahindi pa ako nagkakaroon?' E, irregular [menstruation] naman din talaga ako, hindi ko talagamalalaman. 'Tapos yung sinabi ko sakanya [Gian Carlo], ‘Ay, parang buntis ako.'"

Inamin ni Eda na pareho silang natakot ni Gian nang makumpirmanila na nagdadalang-tao siya.

Kuwento ni Eda, "Pumunta ako [sa ibang doktor], sabi ko,‘Para masigurado lang talaga 'to.' Parang ano, Tito Boy, e, ang weird kasi happy kami pero parang nag-sinkin sa amin na, ‘Paano 'to? Nasa showbiztayo, siguradong magulo.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kapwa aktibo ang magkasintahan sa showbiz nang malaman nilana buntis si Eda. Gayunman, ayon kayEda, hindi naman pumasok sa isipan nila na ipalaglag ang bata upang hindi maapektuhan angkani-kanilang mga career.

"Hindi rin naman naming puwedeng ipa-abort yung baby talaga,"ani Eda. Honestly, Tito Boy, maiisip morin na parang may possibility na, kumbaga, may career nga ganyan-ganyan. Peronever namin in-attempt [ipa-abort], hindi kaya ng konsensiya namin. Hindi talaga solusyon 'yon."

Kaugnay nito, hindi rin daw nila binalak ng itago sa publikoang tungkol kanilang anak. Ayon kayEda, "Kasi kawawa naman yung baby, di ba, kung ide-deny namin? At saka hindi naman talaga namin intensyonna itago talaga, e. Lalabas atlalabas. Mabuti na yung kami angnagkukuwento."

TELLING THE NEWS. Magkaibang reaksiyon naman ang nakuha nina Gian at Eda nang aminin nila ang situwasyon sakani-kanilang mga magulang.

Ayon kay Eda, si Gian ang gumawa ng paraan upang ipaalam angbalita sa kanyang ina. Kuwento ni Eda,"Nag-dinner kami noon. Parang yungmommy ko pala, may feeling na buntis ako, 'tapos inaantay lang niya. Ayaw naman niyang sabihin na, ‘Buntis kaba?' baka ma-offend ako. So parang sabi ko, ‘Ano kaya ang puwede kong sabihin?'So nung sinabi ni Gian kay Mommy, parang, yun nga, si Mommy umiyak na lang."

Nahirapan lang daw si Eda sa pag-amin sa kanyang ama nailang buwan na bago pa nila naamin dahil naka-base siya sa Cebu. Sabi ni Eda, "Yun talaga kinabahan ako, TitoBoy, kasi baby girl ako, e. Parang mayfeeling siya. Actually, tinawagan niyaako, sabi niya, nanaginip daw siya, buntis daw ako.

"Hindi ko kayang sabihin talaga pa. 'Tapos yung mommy ko ang nagsabi sakanya. 'Tapos yun, kinausap din niGian. Yung daddy ko medyo nagtampo nunguna, hindi niya ako tine-text. Umiyak siya for the first time. Yun talaga yung hindi ko kinaya."

Sa ina naman ni Gian, naging madali ang naging pagtanggap sabalita. Nakangiti pang kuwento ni Eda,"Yung mommy niya ano, e, sobrang happy. ‘Uy, may apo na ako!' ganyan-ganyan. Sabi niya, ‘Ako magbabantay.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, sinabi ni Eda na kasama sa plano nila ni Gian angpagpapakasal ngunit hindi pa raw ito mangyayari kaagad.

"As of now, may plano naman talaga kami," pahayag niEda. "Magpapakasal talaga, may planokami. Pero as of now, focus muna kami kay baby. At saka mas maganda pagplanuhan yung kasal para gusto ko yungbongga, yung bonggang-bongga."

Sa ngayon, nagsasama na ang proud parents ni Gian Andrei Hona sina Gian at Eda sa iisang bahay. Atsa pagsasama nila, ani Eda, "Mas lalo kaming naging close. 'Tapos nakikilala ko na siya, sobrang happyna yung pagsasama namin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN