Gretchen Barretto details the songs that reflect her "Unexpected" life

In a one-one-one interview with Boy Abunda, Gretchen Barretto says her album Unexpected tells so much about her life and how she feels. She dreams of a happy ending for herself.


Emosyonal si Gretchen Barretto sa kanyang paglantad sa TheBuzz last Sunday, February 17, matapos ang ilang araw na pananahimik niyasa mga usap-usapan tungkol sa pagsasama nila ng live-in partner niyang si Tonyboy Cojuangco.

Sa unang pagkakataon ay nagpaunlak ng ekslusibong panayam siGretchen kay Boy Abunda sa The Buzz para ilabas ang kanyang damdaminsa mga isyung kinaladkad ang pangalan niya, kasabay na rin ng paglabas ng kanyang albumna Unexpected.

Overwhelmed and emotional pa si Gretchen nang humarap siyasa The Buzz pagkatapos ng album launch na ginawa noong Linggo ngtanghali sa ASAP ’08.

“Ang sarap ng pagtanggap ng tao...very warm! I just feel soloved and great. It’s great to be back. Ang tagal kong nagtagu-tago. Maramingsalamat,” panimula ni Gretchen sa live interview ni Boy, na kanya ring manager.

Sa dami ng ibinigay na description ni Gretchen about herselfsa kanyang album, she put emphasis about believeing that she’s still a child. Ang sabi tungkol sa sarili, “A child at heart. I am a dreamer. I believe infairy tales story still and I believe in happy endings.”

Sa kantang “Fly Me To The Moon,” isa sa mga awit na napabilang sa kanyangalbum, matalinhagang nilarawan ni Gretchen na narating na niya ang buwan.

“You need to be truly in love to really get there. Totoo?‘Di ba ganun ang mga kanta? Nae-express, nasasabi niya kung ano talaga angnararamdaman ng isang tao,” ang sabi pa ni Gretchen.

Ang pinakamagandang nakita raw niya sa buhay ay hindi angmga lugar na napuntahan niya and not even the moon.

“I’ve seen true love and that is the most beautiful thingever. I guess in one flight, you must experience true love. It takes you toplaces, it makes you experience things you’ve never experienced.

“Everything is just beautiful, no matter how difficult itmaybe. Remember I said in that page [CD cover], for love overcome the mostfearful, the most unexplainable and unexpected,” ang paliwanag ni La Greta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabila ng mala-diyosa niyang kagandahan, naranasan na baniya ang makiusap o manlimos ng pag-ibig?

Ang sagot niya, “Is begging supposed to be fun? Begging for love? Love islove. You can desperately beg for love and you will never get it. Love is anemotion. For me, love has to be given. It’s an emotion. It’s there. And it’sbest felt when you’re surrounded by it.

“You will never get to the moon if you beg for love. Hindimo mahihingi yun. Hindi mo pwdeng hingiin yun. It’s there. Love is love. Youcan’t stop yourself from loving. That’s why nga may kasabihan, "You fall for loveor I have fallin’ in love." You just fall into it. Flat on your face.”

Kasama rin sa album ang awiting “Home.” Tinanong ni Boy siGretchen kung nasaan ang puso niya ngayon.

“My heart is, uhm, on it’s way to recovery. I need torecuperate from a lot of hurt...and with everybody’s help, with a lot of prayer, Iwill get there. That is where my heart now,” ang matalinhaga na namang pahayag ng singer.

Paano ba magmahal ang isang Gretchen Barretto?

“’Pagnagmahal ang Gretchen Barretto, you see the best of Gretchen Barretto. I haveseen myself do things and just give up things, and be selfless for love. I’mlike in a coma ‘pag nagmahal ako.”

Nang tanungin siya kung binibigay na ba niya ang lahat?

“I guess so, that’s the best ofGretchen,” ang naging maikli niyang sagot.

Naniniwala ba siya sa salitang forever?

“Loving forever,magmahal ng walang hanggan kahit wala na yung tao. Even the person is not insight, I believe that the love can be there. It will last forever. I believethat you can keep it in your heart and in your thought, and it’s something soprecious that your precious moments can be kept.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s yours, nobody can take that away from you. So, Ibelieve in love, loving forever. But being together forever, I don’t know. It’sabout two people trying to fix things and make things work. Hindi ko alam kungpossible ‘yan because it’s something you have to work on.”

Hindi napigilang umiyak at humingi ng paumanhin si Gretchennang hindi niya masagot ang tungkol sa heartbreak in connection with her songsa album na “Moonriver.”

Kasunod nito ang awiting “An Affair To Remember.” May affairba siya na dapat alalahanin at ‘di malilimutan?

“I certainly have an affair toremember. I’m not ready to talk about it. Hindi ko pa kaya. Pagdating ngpanahon pag-uusapan natin ‘yan. But right now, hindi ko pa talaga kaya.”

Kung meron siyang idudugtong sa kantang “Please Don’t AskMe,” ano ang idudugtong niya?

“Please don’t ask me what am I thinking. I justcan’t explain. Please don’t ask me what I’m gonna say to you.”

Kung meron siyang tanong na gustong itanong sa sarili niya,ano yun?

“Saan ka talaga pupunta Gretchen? Kailan ba hihilom ang puso mo?Kailan ka ba mapapagod? Kailan ka ba titigil?”

Kasunod ng mga katanungang ito ay ang muling pag-iyakni Gretchen.

Alin ang mas gusto niya, yung mas mahal siya o mas mahalniya?

“Love can’t be measured. It’s atwo-way thing. Kailangan nagmamahalan. Hindi mo mame-measure kung mas mahal kao mas mahal mo. You just have to experience it.”

Ano ang isang bagay na hindi niya gagawin sa ngalan ngpag-ibig?

“I will not compromise mybeing, my identitiy. Marami ako’ng pwedeng gawin para sa pagmamahal at sa ngalan ng pag-ibig, I cansacrifice. Pero ang hindi ko ma-sacrifice, yung pagko-compromise ko nga sa sarili ko, sa identity ko, values ko,and the truth.”

Hindi siya magsisinungaling?

“Ah, yun yung mga apatna parang basehan ko sa isang relasyon at pagmamahal para sa isang tao.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakaranas na ba siya ng unexpected love?

“Yes, that’s why Iincluded that in my album because I have never felt like this. It’s exactlythere, the words in that song is just exactly how I feel. ‘I can’t believe myeyes/ You look at me as though/ You could not bare to lose me/ I just can’tbelieve what’s going on/ Whatever made you choose me it’s unexpected.’

“Puwede ba’ng kantahin ko na lang?” biro ni Gretchen. “No,no,” sabay bawi niya. “I just said it to you.”

Inamin ni Gretchen na napapagod din siya minsan sapakikipaglaban sa buhay. “Pero minsan sige pa rin. Fight pa rin ako. Okey parin. You know, I still go for it. I guess, for love, you will go the distance for it, right?”

Sa dami ng mga intriga at kontrobersiya na kinaharap niya, ano ang ginagawa niya kapag feeling niya ay pinagkakaisahansiya o inaalipusta?

“I keep it to myself. Nagdadasal ako. Bina-block ko lahatng tao and I look inward. Ang importante, alamko kung ano ako, kung ano ang nararamdaman ko, kung sino ang totoongGretchen. Kaya ko naisulat ang lahat ng mga nandiyan sa CD na I am bratty, I ampouty...everything that I said I am. Kasi, I feel like, ang importante hindi yung iniisipng tao tungkol sa akin. Ang importante, alam ko ang sarili ko. That’swhere I gather my strength.”

Nakaramdam na ba siya ng pagkatalo sa buhay?

“You don’t always win in life. I can accept defeat aslong as I know makakabangon ako after every fall. And that’s make me a betterperson. It strengthens my character. It strengthens my whole being.”

Umabot ba siya sa punto na pakiramdam niya ay iniwan na siyang Diyos kapag nagdadasal siya?

“Never, never kong naramdaman ‘yan. Lahat ng hinihingi ko,binibigay sa akin ng Diyos. At kung hindi pa nasasagot lahat ng aking mgaipinagdasal, maybe, I’m being taught patience. Dahil hindi naman lahat ng biyaya, e, pwedeng ibigay sa akin dahil hindi langnaman ako ang anak ng Diyos.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gaano kadali o kahirap sa kanya ang humingi ng tawad?“Madali akong humingi ng forgiveness kapag nagkasala ako. Hindi problema saakin yun.”

Sa dedication niya sa album para sa kanta niyang “Love MeFor What I Am,” nilagay niya doon ang linyang, "I’d rather be despised for who Itruly am than be adored for who I am not?" Ano ang ibig sabihan niya?

“Gusto kong maging totoo, magpakatoo. Ayokong magkunwari satao. Alam mo dito sa showbiz, it’s more than enough na ang daming nagsasabi sa‘yo na maganda ka, magaling ka, and then, on the other side, sasabihin nila angmasasama about you.

“Malulunod ka doon, e, sa maraming sinasabi ng mga taotungkol sa 'yo. So ang akin, sinasabi ko na kung ano ako at kung anong pangitat maganda sa akin. So, you just have to love me for what I am. Love me or hateme, pero ako ‘to. Eto yung tunay na Gretchen.”

Saan kaya siya pupunta? Langit o sa impyerno?

“Salangit,” nakangiting sagot ni Gretchen. “E, sa langit naman ako na minsan. Youknow, if you’d experience love, it’s the nearest thing to heaven.”

Pinili rin ni Gretchen ang awiting “Ikaw Lamang” na mapasamasa kanyang album na madalas awitin sa mga kasalan. Ito rin ang nag-iisang Tagalog cut sa kanyang album.

“Do I look forward to getting married?” kasunod angpananahimik ni Gretchen habang nakayuko. Hindi pa rin sumagot si Gretchen satanong ni Kuya Boy kung umaasa ba siya na ikakasal din siya sa darating napanahon.

Biglang pina-edit daw ni Gretchen ang isang linya sa albumnung malapit na itong ilabas sa market. At ang linyang yun ay nagsasaad ngganito, "To my groom to be."

“Bakit ko pina-edit?" balik-tanong ni Gretchen. "Dahil hindi ko pa alam ang kasagutan. Hindi ko pa alam kung handana ako. Kung tama ba? Kung tama ba yung I’m chasing a fantasy or….naguguluhanako. Obvious nanaguguluhan pa ako. Kung darating’yan, darating siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gaano kahalaga sa kanya ang pagpapakasal?

“I am a child andI’m a dreamer, and I believe I deserve a happy ending.”

May dedication din na inilagay si Gretchen sa album niyapara sa kanyang mga detractors. Nakasaad doon, "For those who chose not tobelieve in me you are my inspiration."

Nang hingan siya ng paliwanag tungkol sa statement niya na iyon, ang sabi niya, “Sa maraming nanghuhusga sa akin deserve as my inspirationsimply because they challenged me to be a better me in every aspect. I listento what they say and, yes, it does affect me. It does make me cry. Umiyak dinako. But I pick up from whatever they say and I make it, make me better person. I learn from it.”

What was the worst thing na sinabi sa kanya na talagang nagpaiyak sa kanya at hindi niya maunawaan kung bakit sinabi sa kanya iyon?

“Itong huling eskandalo na nangyari sa akin. Kung ten percent angtotoo, ninety percent ang kasinungalingan. ‘Yan para sa akin ang pinakamasakit kasinadamay ang anak ko. Nadamay ang maraming tao na mahalaga sa buhay ko. Dalawangpamilya po ang nadamay. And uhm, naapektuhan si Tony.

“Hindi ko puwedeng i-deny yun. At ang masakit noon,nanggaling ito sa taong mahal ko rin. Pero hindi pa ako handa pag-usapan yun.”

Sa lahat ng naisulat na kontrobersya tungkol sa paghihiwalay nila diumano ni Tonyboy, alin anghindi niya matanggap?

“Yung pinagmumukhang masama si Tony. Yung sinabi nila na pinalayas ako? Na hindiko nadala yung anak ko? At wala akong gamit na dala? Walang alahas, walangdamit? Ah...at maraming naniwala. Masakit yun,” buntong-hininga niGretchen.

Gaano kahalaga sa kanya ang mga alahas niya?

“Hindi ko namanmadadala ito kapag namatay ako, ‘di ba? They’re just there. I can live withoutthem. But it’s better if I have them, right?" ang diretso niyang sagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Why not keep them?” biro pang pahabol ni Gretchen.

At may dahilan daw kung bakit sinusuot niya ang kanyang mga alahas lately, kahit pa mas gugustuhin na lang sana niyang itago sila kasi "inaagawan daw siya ng eksena." Aniya, "Sabi kasi nila, wala na raw akong alahas kaya sinuot ko nalang para alam nila na tsismis lang yun.”

Sa panghuli, nagpahayag si Gretchen kung bakit niya ginawaang Unexpected na CD niya. “Ifeel that I need to share with everybody kung ano ang naramdaman kothis past year. Ang buhay ko, andito [CD], ang puso nandito,” sabay hawak sadala-dala niyang CD.

“Wala na kayongpuwedeng itanong kay Gretchen Barretto after you listen to this CD. You unlockmy heart when you listen to this,” ang pagtatapos ng aktres na ngayon ay recordingartist na.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN