Richard Gutierrez on KC Concepcion: "Masayang-masaya ako kung anuman ang meron kami."

"For me kasi, timing is very important. Yun nga kasi wala akong masyadongtime ngayon kaya hinihintay ko ang proper timing. Kasi, I just camefrom a relationship, she just came from a relationship. We can't justjump into conclusions right away," explains Richard Gutierrez about the possibility of courting KC Concepcion (inset, middle).



Certified blockbuster ang first Valentine movie together nina Richard Gutierrez at Marian Rivera na My Best Friend's Girlfriend (BFGF) under GMA Films and co-produced by Regal Entertainment. As of February 17 ay kumita na raw ito ng P70 million in more than 100 theaters nationwide kaya nagpa-thanksgiving mass and victory party ang GMA at Regal sa Imperial Palace Suites last Sunday night, February 17.

Present sa selebrasyon ang cast na sina Richard, JC de Vera, Paolo Paraiso, JC Cuadrado, Chariz Solomon, at Alex Castro. Humabol na lang si Marian mula sa kanyang pictorial sa GMA-7, pero nakaalis na halos lahat ng entertainment press nang dumating siya.

Dumating din ang direktor ng BFGF na si Mark Reyes, ang producers na sina Mother Lily Monteverde, Roselle Monteverde, Annette Gozon-Abrogar; ang supervising producer na si Joey Abacan, ang mga magulang ni Richard na sina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez; at ang kakambal ni Richard na si Raymond Gutierrez.



Tuwang-tuwa ang lahat ng cast sa success ng movie, especially si Richard na hindi akalaing ganito kalakas ang tandem nila ni Marian. Dahil pang-apat na Valentine movie na ito ni Richard, tinatawag na siya ngayong Valentine Box Office King of the Philippines. Ano ang reaksiyon dito ni Richard?



"Siyempre, it's overwhelming," sambit ng young actor. "Surprise din kami kasi first time kami [ni Marian] nakita ng mga tao at na-enjoy nila yung tandem namin, to think na hindi naman kami loveteam, so that's amazing. Nagkaroon kami ng instant chemistry ni Marian, not only as actors but also as individuals."



Ibig bang sabihin nito ay may follow-up movie o magkakasama na sila ni Marian sa TV?

"Sana, I'm wishing. Either movie or TV, I wanna work with her again, definitely," sagot niya.



KC CONCEPCION. Since katatapos lang ng Valentine's Day, tinanong namin si Richard kung paano siya nag-celebrate ng Araw ng mga Puso? Balitang may special gift siyang ibinigay sa apple of the eye niya ngayong si KC Concepcion. Totoo ba ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Nag-basketball lang ako. May get-together kami ng family and friends ko. Basta nung Valentine's, nagbigay ako ng gift kay KC. I gave her something. First time ko siyang binigyan. Masaya naman si KC sa gift ko. Alam ko nagustuhan niya 'yon," lahad ng binata.



Ibig bang sabihin nito ay seryoso na siya sa panliligaw sa dalaga ngayon?



"Basta 'pag nangyari yung ganun, malalaman n'yo rin naman," bitin na pahayag ng binata. "Pero ngayon, for me kasi, timing is very important. Yun nga kasi wala akong masyadong time ngayon kaya hinihintay ko ang proper timing. Kasi, I just came from a relationship, she just came from a relationship. We can't just jump into conclusions right away."

Ang tinutukoy ni Richard ay ang natapos niyang relasyon sa modelo na si Georgina Wilson at ang pakikipag-break ni KC sa direktor na si Lino Cayetano.

Patuloy niya, "Siyempre, gusto ko step by step, proper timing, so tingnan na lang natin. Basta for now, kung anuman ang meron kaming dalawa, masayang-masaya ako kung anuman ang meron kami. It makes me happy. Basta, I'll keep you posted for whatever will happen in my life.



"Ako kasi, I don't wanna rush things. Gusto ko talaga proper timing kasi 'pag bigla kang gumawa ng desisyon, gumawa ka ng biglaang move, baka hindi maging maganda ang resulta. I'm taking my time, saka hindi naman kailangang i-rush ang mga ganoong bagay, e. I'm busy with work at marami pa akong iniisip."



So, kailan ang proper timing? Biro namin, KC is very popular kaya baka maunahan pa siya ng iba.



"I know, that's the risk I'm gonna take. Pero tingnan na lang natin. May communication naman kami ni KC every now and then," sabi ni Richard.



MEGASTAR APPROVED. Balitang botong-boto raw kay Richard ang ina ni KC na si Sharon Cuneta. Nagpaalam ba siya sa Megastar na liligawan nya ang anak nito at dinadalaw na niya ba si KC sa bahay?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"I met her na," pagkumpirma ni Richard. "She's very nice naman. Very sweet. Basta 'pag may confirmation na, sasabihin ko naman sa inyo nang buong puso, e."



Meron bang dapat ipagselos ang isa sa leading ladies niya sa Kamandag na si Jewel Mische? Matatandaang na-link din ang StarStruck 4 Ultimate Sweetheart kay Richard.



"Wala namang dapat ipagselos. Walang dapat pagselosan at wala dapat selos na nangyayari," mabilis na sabi ni Richard.



Marami ang nagsasabi na sila ni KC ang perfect combination to do a movie together. Ano ang masasabi niya rito?



"That would be a great honor for me. Sana mangyari, hopefully. Sana payagan ako," saad ng young actor.



Possible bang mag-co-produce ng pelikula ang GMA Films at Star Cinema? Nakakontrata kasi si Richard sa GMA Films samantalang si KC naman ay nakatakdang pumirma ng kontrata sa Star Cinema.



"For me naman kasi, nothing is impossible," sagot ni Richard. "It would be great for the industry as a whole, kung mangyari ang ganun. So that would be a dream come true for me, and I'm sure for a lot of people, so hopefully mangyari 'yon. Malay natin. For me kasi, KC is a great person, she's great girl, talented, intelligent, and at the same time she has a great personality."


We asked Richard kung napanood niya ba ang pinag-uusapang Maalaala Mo Kaya (MMK) episode ni KC.



"Yes, napanood ko," sambit ng binata. "Ang galing niya! Napakagaling niya for a first-timer sa TV. Napakahirap ng mga eksena niya and she's really amazing. I'm sure proud na proud sa kanya ang family niya. Kasi nag-promise ako sa kanya na manonood ako. I mentioned it to her that 'pag may chance ako makapanood, manonood ako. E, nagkataon dun sa taping ko ay hindi ako kinukunan kaya sakto napanood ko yung MMK.



COMPETITION WITH ANGEL.
Samantala, ano ang masasabi ni Richard sa tapatan ng mga programa nila ni Angel Locsin, na kapareha niya dati? Si Richard ay nasa Kamandag ng GMA-7 samantalang si Angel naman ay nasa Lobo ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Basta ako, masaya ako sa Kamandag, yun lang," aniya. "Focus lang ako sa show ko. Kung ano nangyayari sa kabila, hindi ko na concern 'yon. Basta kami ni Direk Mark [Reyes], yung buong team ng Kamandag, pinagbubutihan namin ang trabaho namin at pinapaganda pa namin lalo."



Ibig sabihin ba nito ay hindi naaapektuhan ang friendship nila ni Angel?



"Hindi naapektuhan ang friendship namin ni Angel, definitely. Strictly business," diin ni Richard.



May nagsasabi na si Richard daw ang talagang nagdadala sa loveteam nila noon ni Angel. Ngayon kasing ipinartner ang young actress sa iba ay tila hindi ito pumapatok. Ano ang masasabi ni Richard dito?

"Unfair namang sabihing ako ang nagdadala kasi we work as a team. Basta ako, thankful sa lahat ng nangyayari sa akin. I've been blessed all these years," pagtatapos ni Richard.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN