Gian Carlos aware of his responsibilities as a teenage dad

Gian Carlos says he understands the people whocriticize him and girlfriend Eda Nolan for having a child at a very young age. He says, "Siguro kasi bata pa nga kami,maraming na-disappoint, pero kakayanin namin para sa baby, kakayanin ko para kayEda."


Kasabay ng paglabas sa publiko ni Eda Nolan sa The Buzz,nagpaunlak din ng interview ang boyfriend at ama ng kanyang anak na si GianCarlos sa Showbiz Central noong Linggo, February 17.

Sa panayam sa kanya ni Raymond Gutierrez, inamin ni Gian na nagsasama na sila ngayon ngkanyang girlfriend na si Eda sa isang bahay kasama ang kanilang anak na si GianAndrei Ho. Ipinanganak si Gian Andrei noong February 8.

Ayon kay Gian, who will turn 19 this April, ang desisyong ito ay upang mas malapit siya sa kanyang bagong pamilya. Dagdag niya, "Actually, ayoko kasing magkulang sa baby, e. Gusto ko andun ako, nandun ako sa una. Hopefully, nandun ako hanggang sa huli."

Bukod sa pag-aalaga, nangako rin si Gian na maging isanggood provider kina Eda at sa kanilang anak. Upang magampanan ito, nabanggit ng StarStruck 3 FirstPrince na muli siyang magbabalik sa showbiz.

Aniya, "Siyempre, kailangan ko yung work. Kailangan ko nga mas todo-kayod ngayon kasimay baby na ako, may responsibilities. At siyempre may kontrata pa naman ako saArtist Center."

Sa kabilang banda, napag-usapan din sa interview angkaramdaman ni Gian na hemophilia. Itoay isang genetic bleeding disorder kung saan may abnormalidad sa clotting ngdugo.

Bagama't may kaunting pag-aalala, hindi naman daw ito masyadong iniisip ni Gian. Aniya, "Yung hemophilia naman kasi, hindi koiniisip yun. Kahit naman sa trabaho,hindi ko ginagawang rason yun.

"Ayun na lang, parang think positive na lang ako, na kakayaniko 'to para sa baby ko. Kaya nga nagpe-pray kami ngayon na sana naman, wala sababy. Yung generation naman kasi fromlolo to apo."

Dagdag pa ni Gian, napa-check-up na rin nila ang kanilanganak ukol dito ngunit hindi pa lumalabas ang resulta.

Sa bandang huli, pinasalamatan ni Gian si Eda. Pahayag ng young actor,"Gusto ko lang sabihin sa inyo ni Baby na mahal na mahal ko kayo, hindi ko kayopapabayaan. At sana maalagaan natin si Baby nang maayos, mapapalaki natin siya nang maayos. I love you."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpasalamat din si Gian sa mga magulang ni Eda sapagtanggap nila sa kanilang situwasyon.

"Thank you kasi naiintindihan n'yo kami ni Eda kahit batapa kami," sabi ni Gian. "Nagpapasalamat ako dahil lagi kayong nandiyan, fullsupport sa amin. Tinuturuan n'yo kami kung paano alagaan si baby. Thank you at hindi ko papabayaan si Eda."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN