Is a Richard Gutierrez-KC Concepcion movie possible?

Richard Gutierrez is the top leading man of GMA-7 while KC Concepcion is considered the new princess of ABS-CBN. Can the two prized talents possibly work together in one movie under the crossfire of the warring networks?


Second to the last presscon pa lang noon ng My Best Friend's Girlfriend (BFGF) ng Regal Entertainment at GMA Films, nababalita na ang gumagandang pagtitinginan ng hari ng primetime ng GMA-7 na si Richard Gutierrez at ang pinakabagong prinsesa ng ABS-CBN na si KC Concpcion.

During the said presscon, may nakapag-isip na ng isang far-fetched idea. Ano kaya kung pagsasamahin ang dalawa sa pelikula?

Improbable man ang idea na mapagsama sila sa isang pelikula, mas imposible naman kasi kung sa TV sila magkasama. Richard is an exclusive of both GMA Network and GMA Films, samantalang ganito rin si KC for ABS-CBN and Star Cinema.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang matinding network war na namamagitan sa pagitan ng ABS-CBN at GMA-7.

However, a GMA Films top brass seems to be toying with the idea.

Sabi nito, they could consider this and try to propose a co-production with Star Cinema, mapagsama lang sina Richard at KC. The ball will be on Star Cinema's side kung tanggapin ito.

Isang Star Cinema executive naman ang tinanong namin thru text about this proposal.

While the executive did not say outright na imposible itong mangyari, puwede niya raw itong itanong sa Star Cinema president na si Ms. Malou Santos.

Kung sakaling matuloy ang pagsasama nina Richard at KC sa pelikula, posibleng ito na rin ang magsara sa hidwaang namamagitan sa dalawang pinakamalaking TV stations ng bansa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN