Polo Ravales insists there's nothing romantic between him and Jean Garcia

Sexy actor Polo Ravales is now being linked to actress Jean Garcia (inset, top), who is over 10 years his senior, and newcomer Niña Jose (inset, bottom), who is younger than him.



Hindi lang si Jean Garcia ang nali-link kay Polo Ravales ngayon. Join na rin ang Pinoy Big Brother Teen Edition ex-housemate Niña Jose na nakitang ka-date ng sexy actor sa isang Japanese resto/bar sa may Tomas Morato, Quezon City, two days before Valentine's day.

Ipinaliwanang naman ni Polo sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Rubirubi@Boy.Com—ang back-to-back show ng stand-up comedienne at ng Boyz.Com sa March 1 sa Zikroh Greenhills—kung bakit si Niña at hindi si Jean ang kanyang kasama.



"It was a friendly date at kumain lang kami ni Niña at group date ‘yon, dahil kasama namin ang friends ko. Galing kami sa rehearsal ng show namin at sabi ko, wala akong Valentine date at niyaya ko siya dahil wala rin siyang date. Habang nasa resto kami, tumawag si Ms. Jean at nagtanong kung nasaan ako at sinabi ko, and I invited her at dumating naman," kuwento ni Polo.

Wala raw selosang nangyari, dahil hindi niya girlfriend si "Ms. Jean," kung tawagin niya, at hindi rin siya nanliligaw rito. Tinanong nito ang PEP kung may magre-react, sakaling manligaw siya kay Jean.



Hindi nag-elaborate si Polo kung anong reaction ang gustong tukuyin, pero may hinala ang PEP na may kinalaman sa agwat ng kanilang edad ang gusto nitong tumbukin. More than 10 years daw ang age gap ng dalawa. Pero kung hindi ito naging problema nina Demi Moore at Ashton Kucher at nina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho, Jr., hindi rin ito magiging problema nina Polo at Jean.



Okay lang ba sa kanyang ma-link kay Jean?



"Wala akong choice... I mean, okay lang at unang-una, given na ‘yon, dahil talagang we go out. Ini-expect ko na ‘yon, no big deal sa akin ‘yon. Pinatunayan ko na rin namang love ko siya nang magkasama kami sa Extra Challenge at kainin ko ang worms na hindi niya kayang kainin, at hindi rin ito publicity sa gagawin naming pelikulang Love Is All That Matters ng Regal," ani Polo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



From Polo's account, friends na sila ni Jean sa Extra Challenge pa lang at naging close nang magkasama sa La Vendetta. Natsismis silang naghihintayan sa taping at pagkatapos ng taping, magkasamang gumigimik hanggang ma-link na nga sila.

Nasulat din silang nagho-holding hands sa swimming pool area habang naninigarilyo after the story conference of Love is All That Matters. Magyayakapan pa raw sana ang dalawa, kung hindi lang nakitang may press sa paligid. May nagkuwento rin sa PEP na after his shooting of Manay Po 2: Overload, sa halip na umuwi ay sa bahay ni Jean dumidiretso si Polo.



"Walang malisya ang holding hands na ‘yon dahil friend nga kami," sabi ni Polo. "Nagyakapan ba kami? Totoong dumidiretso ako sa house ni Ms. Jean after the shooting, dahil two houses away lang ang bahay niya sa bahay na ginagamit namin sa shooting, dumadalaw lang ako bilang kaibigan."



Anong level na ba ng closeness nila?



"Parang siya ang pinaka-best friend ko, pero there is no romance," giit ni Polo. "Ms. Jean o Sis ang tawag ko sa kanya at di showbiz ang friendship namin. Hindi rin kami maaapektuhan kahit anong isyu ang ibato sa amin. Kahit hindi na kami artista, friend pa rin kami at ‘pag ikinasal ako, siya ang ninang ko."



Sa show ng Boyz.Com, hindi magugulat ang PEP kung dumating para manood si Jean. Tiniyak ni Polo na matutuwa ang actress at ang mga manonood sa inihanda nilang show. New show ito at hindi repeat ng show nila sa Zirkoh Timog: new repertoire, new choreography, and new gimmicks.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN