Sen. Bong Revilla dismisses rumor of pending heart bypass

The doctor who attended to Sen. Bong Revilla reminded him to take it easy. "Sobrang stress ko lang sa trabaho," Sen. Bong shares the doctor's findings. "Dagdag pa ng duktor, sobra raw kasi ang workout ko. So, nakadagdag iyon sa stress ng katawan at utak ko."


Pinabulaanan ni Senator Ramon "Bong" Revilla, Jr. ang mgabalitang baka mag-undergo siya ng heart bypass. Kumalat kasi ang balita nitongweekend na naospital si Sen. Bong dahil inatake raw ito sa puso. Hindiito naka-attend ng birthday party ni Sen. Jinggoy Estrada dahil naka-confine daw itosa ospital.

CHEST PAIN. Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Sen. Bong bago ito mag-taping para sakanyang show na Kap's Amazing Stories at sinabing okey naman daw angkanyang kalagayan, though hindi niya dine-deny na nagpa-checkup siya sa AsianHospital dahil nakaramdam siya ng matinding chest pain.

"Last week nakaramdam na ako ng slight chest pain. Hindi ko‘yun inintindi, kasi baka wala lang iyon. Pero later that week, nakaramdam ulitako ng chest pain pero mas matindi. Mabigat at parang may hollow block nanakadagan sa dibdib ko. Kaya nagpatakbo na ako sa ospital.

"Sabi ng doctor, they have to run a few tests sa akin athindi na ako pinaalis ng ospital. Doon, nag-worry na ako. Kasi baka nga maymakita silang problema sa puso ko na hindi ko alam.

"After ng ilang testna mukhang okey naman, kinakailangan daw na i-angiogram nila ako. So, dinaannila ang small tube na may camera sa may singit ko para makita nila how myheart was functioning.

"Kinakabahan ako allthroughout kasi kapag may makita silang bara or anything wrong, baka ma-heartbypass ako. Napaka-health conscious ko pa naman! Umiiwas tayo sa mga pagkainna ma-cholesterol and I exercise daily. Kaya nakakapagtaka kung bakit akonakaramdam ng gano'ng sakit."

HINAY-HINAY LANG. Nawala nga ang kaba sa dibdib ni Sen. Bong nang sabihin sakanya na wala naman daw diperensya ang puso niya. Healthy raw ang heart niya atwala silang nakitang bara sa mga arteries.

"'Yung naramdaman ko lang daw na chest pains, baka sa sobrangstress ko lang sa trabaho. Alam n'yo naman ang trabaho natin sa senado at sashowbiz, walang katapusan, ‘di ba? Kaya raw siguro ako na-stress. Kailanganbawas-bawasan ko ang pagpupuyat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dagdag pa ng duktor, sobra raw kasi ang workout ko. So,nakadagdag 'yon sa stress ng katawan at utak ko. I workout kasi almost everyday. Hindi pala mainam iyon. Kailangan moderate lang ang workout at hindi‘yung todo-todo."

NEXT BIRTHDAY NA LANG. Na-miss nga raw ni Sen. Bong ang dapat na pagsasama-samanila ng kanyang barkada sa birthday party ni Sen. Jinggoy. Present sina RudyFernandez at Phillip Salvador noong gabing iyon.

"Alam naman nila kung bakit ‘di ako nakarating at nagkataonna birthday rin ng aking yumaong ina noong araw rin na iyon. So, mas nagingpriority natin ‘yung affair ng pamilya namin.

"Magkikita-kita pa naman kami ng barkada. Next namagbi-birthday, si Daboy sa March. Kaya magkakaroon ulit kami ng reunion,"ngiti pa ni Sen. Bong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN