Singer-actor Jay-R Siaboc shocked by false report about suicide attempt

"Bakit ko naman gagawin 'yon? Ano ako, sira?" exclaimed Jay-R Siaboc. A report had it that he attempted to kill himself after hearing that his girlfriend Irish Fullerton supposedly had a boyfriend in the U.S.


Mabilis na kumalat ang balita tungkol sa attempted suicide diumano ng singer-actor na si Jay-RSiaboc na ang dahilan diumano ay ang girlfriend nito at dating kasamahan sa PinoyDream Academy na si Irish Fullerton. Isang nylon corddaw ang ginamit ni Jay-R sa pagtatatangkang magbigti sa kanyanginuupahang condominium. (Click here for the report)

"ANO AKO, SIRA?" Mariing itinanggi ni Jay-R sa TVhost-columnist ng Remate na si Ogie Diaz na nagtangka siyangmagpakamatay. Hindi raw niya sasayangin ang kanyang buhay.

"Bakit ko naman gagawin ‘yon? Ano ako, sira?" reaksiyon niJay-R.

Hindi gaanong nagtataka si Jay-R kung saan at kanino nanggaling ang balita.

"Feeling ko, merong isang taong nagpakalat ng maling balitatungkol sa akin. Kasi parang sunud-sunod na. Meron na akong idea kung sino, pero‘pag nakakuha pa ako ng matibay-tibay na ebidensiya, ‘tsaka ko siya iku-confront," pahayag ni Jay-R.

Ang matinding dahilan daw ng pagpapakamatay ni Jay-R aynang mabalitaan niya na may bagong boyfriend na sa U.S. ang girlfriend niyangsi Irish.

"Hindi totoo yun. Saka kung may boyfriend siya sa U.S.,okay lang sa akin," napabuntong-hiningang sabi pa ni Jay-R.

NO TRACE. Bago kumalat ang balitangattempted suicide ni Jay-R dahil kay Irish, nakausap pa ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) ang mestisang singer sa isang showbiz affair. Walang palantandaan na mayroon o nagkaroonsila ng problema ni Jay-R.

In fact, tinanong pa namin si Irish kung bakit hindi niya kasama that night ang boyfriendniyang si Jay-R. Nasa taping daw si Jay-R, pero every now and then aynagti-text sa kanya ang young singer-actor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN