Erik Santos knows about Rufa Mae Quinto's affair with Robin Padilla

"I'm not in the position to disclose anything about what she said. Peroang masasabi ko lang, kung anuman ang sinabi niya sa akin, naging totoosiya at alam kong totoo lahat ng sinabi niya," says Erik Santos about ex-girlfriend Rufa Mae Quinto.



Naging kapansin-pansin sa Ol 4 Luv concert nina Erik Santos, Sarah Geronimo, Rachelle Ann Go, at Christian Bautista sa Araneta Coliseum noong February 13 ang sobrang closeness at sweetness ng mag-ex na sina Erik at Rufa Mae, na nanood ng naturang concert. Inakala tuloy ng iba na may reconciliation nang nangyari sa dalawa.



Pinagtakhan tuloy ng iba na pagkatapos ng ilang araw ay balitang nakita si Rufa Mae na may ka-date na isang guwapong foreigner. Dahil dito, may nagsasabi na mukhang gimik lang daw ang ipinakitang sweetness ng dalawa ng gabing ‘yon ng concert.



Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Erik last Sunday, February 17, sa ASAP ‘08, ipinagkibit-balikat na lang ng singer ang opinyon ng iba. Sa simula pa lang daw kasi ng kanilang relasyon noon ni Rufa Mae ay may nagsasabi nang gumigimik lang sila.



"Sa simula't sapul naman, ‘yon na ang tingin sa amin, na gumigimik kami, so wala na akong pakialam. Basta kami, mabuti kaming magkaibigan, maganda ang aming samahan, and we're okay.



"Alam ko, sasabihin ng iba na showbiz ang answer ko, but we're friends and we're better off as friends. As of now, we're doing okay sa kanya-kanya naming buhay and happy kami sa anumang estado ng relasyon namin ngayon bilang isang mabuting magkaibigan."

Tiniyak ni Erik na hindi pa boyfriend ni Rufa Mae ang nasabing foreigner na naka-date nito. But if ever man daw na karelasyon na ito ni Rufa Mae, sinabi ni Erik na hindi siya magiging hadlang kahit kailan sa ikasasaya ng aktres.



"Kung sinuman ‘yon, I don't think na boyfriend niya ‘yon. Pero kung saka-sakali man, may karapatan siyang lumigaya at hindi ko hahadlangan ‘yon," ani Erik.

Sa tanong namin kay Erik kung bukas pa ba siya sa posiblidad na magkabalikan sila ni Rufa Mae, ito ang naging pahayag niya: "Ako, I'm not closing doors dahil hindi naman natin masasabi ang mga puwedeng mangyari. I won't deny na hindi naman nawawala ang feelings ko for her."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ROBIN-RUFA MAE AFFAIR. Marami naman ang nagulat sa rebelasyon ni Robin Padilla sa nakaraang guesting niya sa Showbiz Central na naging sila rin pala ni Rufa Mae noon. According to Erik, hindi na niya ikinagulat ang pag-amin ni Binoe dahil naipagtapat na pala ito sa kanya ni Rufa Mae noon pa.



Ani Erik, "I know about that, so hindi na ako nagugulat because alam ko na nga ang lahat. Just like I've said, lahat ng sinabi at nakasulat dun sa YES!, alam ko. Actually, kulang pa nga ‘yon.

"Ako, ayokong magbigay ng detalye kasi personal na buhay niya ‘yon. I'm not in the position to disclose anything about what she said. Pero ang masasabi ko lang, kung anuman ang sinabi niya sa akin, naging totoo siya at alam kong totoo lahat ng sinabi niya."

RUFA MAE-JESSA FEUD. Sa kasagsagan ng alitan at pagpapalitan ng maaangahang na salita nina Rufa Mae at Jessa Zaragoza ay nakapagbitaw ng salita si Erik na dapat ay humingi ng tawad ang kanyang ex-girlfriend sa mga taong nasaktan niya. Inasahan ng iba na maaaring ika-offend ito ng sexy comedienne dahil sa tono ng salita ni Erik ay mukhang inamin na raw nito na si Rufa Mae ang nakaagrabyado.



"Na-misnterpret lang ‘yan," paglilinaw ni Erik. "Pag ini-interview ka kasi, iba ang lumalabas, kina-cut o kaya iba ang nailalagay. Ang gusto kong sabihin dun, lagi ko namang sinasabi sa kanya na maganda kung mag-a-apologize siya sa mga taong naagrabyado o nasaktan niya. Pero kahit naman di ko sabihin ‘yon, alam kong gagawin niya because Rufa has a humble heart."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN