Jake Cuenca hardened to old issue about selling his body

"Bakit ko naman gagawin ‘yon, marami naman akong trabaho? At the sametime, for me personally, I don't have anything against people who do it.Pero I just won't be comfortable with myself na para kumita lang ngpera ay gagawa na ng ganung bagay," says Jake Cuenca about a report that he was seen with a rich gay after a drinking spree.



Sa balitang lumabas sa isang tabloid na nalasing diumano nang husto sa isang party si Jake Cuenca at nai-take home siya ng isang mayamang bading, nabuhay na naman ang issue na kumukuwestiyon sa sexuality at integridad ng bida sa Palos.



Sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Jake sa dressing room ng ASAP '08 last Sunday, February 17, idiniin niya na hindi siya aabot sa puntong magbebenta ng katawan nang dahil lang sa pera.



"Ako, I don't have anything against gays or anything," simula niya. "Mataas ang respeto ko sa kanila, pero hindi ko nakikita ang sarili ko na ibinebenta sa ganung paraan. Bakit ko naman gagawin ‘yon, marami naman akong trabaho? At the same time, for me personally, I don't have anything against people who do it. Pero I just won't be comfortable with myself na para kumita lang ng pera ay gagawa na ng ganung bagay."

May naiisip ba siyang party o gimikan na pinuntahan recently na talagang nalasing siya?



"Matagal na akong hindi nakakalabas dahil nagte-taping ako ng Palos," sagot ng young actor. "Hindi rin ako naglalasing in public. Responsibilidad ko ‘yon bilang role model, and I'm old enough to know my limitations and responsibilities—not just as a role model but as a normal person as well. Saka if ever man na umiinom ako, hindi ako masyadong umiinom sa labas. And just like I've said, ang tagal ko nang hindi nakakalabas."

"ANG PIKON, TALO". Kung ang ibang mga artista ay nakakaramdam ng pikon ‘pag paulit-ulit na ang isyung ipinupukol sa kanila, si Jake naman ay mukhang immune na sa mga ganitong klaseng balita.



"Sus, lagi na lang ‘yan ang issue sa akin kaya di ko na iniintindi!" sambit ni Jake. "Saka gaya ng lagi kong sinasabi before sa mga interviews sa akin, hindi na ako napipikon dahil ang pikon, talo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, "Lahat naman tayo sa industriya, may kanya-kanyang trabaho. Ang artista, trabaho niya umarte. Ang mga press, trabaho nila ang sumulat kaya nirerespeto ko ang lahat ng tao sa paligid ko, lalung-lalo na ang mga press. Pagdating sa issue na ‘yan, hindi ako maaapektuhan kahit isulat pa nila ng ilang beses."

Speaking of Palos, ito ang umuubos talaga ng oras ngayon ni Jake.



"Sa ngayon nagpo-focus ako sa Palos dahil mabusisi at mabigat yung taping. Hindi ako tumatanggap ng ibang trabaho para mapaganda pa naming lalo yung show. Pressure, but more than pressure, yung responsibilidad na kailangan kong higit na pagbutihan at ibigay ang lahat ng kaya kong ibigay," pahayag ni Jake.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN