Diether Ocampo questions Oyo Sotto's "unconditional love" for Kristine Hermosa

"Akala ko ba sabi niya wala siyang intension na ganun? ‘Tapos ngayonsasabihin niyang handa siyang maghihintay and what he feels forKristine is something unconditional? Parang wala siyang isang salita," says Diether Ocampo about Oyo Sotto's (inset, bottom) claim that he holds "unconditional love" for Kristine Hermosa (inset, top).



Hanggang sa ngayon ay isa pa ring malaking puzzle para sa marami ang totoong estado ng relasyon nina Diether Ocampo at Kristine Hermosa. Sa kabila ng usap-usapan na nagkabalikan na ang dalawa, heto't consistent na nakikita na magkasama madalas si Kristine at ang young actor na si Oyo Sotto.

Ayon sa balita, si Oyo ang bagong masugid na manliligaw ni Kristine. Pero may naniniwala ring may namamagitan na sa dalawa.

Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Diether tungkol dito sa live presentation ng ASAP '08 noong Linggo, Pebrero 17, inamin nito na hindi rin niya alam kung saan nga ba patungo ang relasyon nila ni Kristine.



"I can say na ganun din ako—picking up the pieces, trying to fill in the gaps," sambit niya.

Matatandaang nagpakasal sina Diether at Kristine sa isang civil rite sa Nueva Ecija noong September 12, 2004, pero nag-file ng annulment ang aktres noong June 21, 2005. Hindi pa malinaw hanggang ngayon kung na-nullify na nga ang kasal ng dalawa dahil sa tuwing tatanungin sila tungkol dito ay hindi rin sila makapagbigay ng malinaw na kasagutan.

Hindi naman itinatanggi ni Diether na todo talaga ang effort na ginagawa niya para lang bumalik sa kanya si Krsitine.



"I won't deny na mahal ko pa talaga siya," saad niya. "Wala siyang kapalit for me, hindi ako naghahanap. Kung sa effort, marami, di ko na iisa-isahin pa. Ang tagal kasi naming hindi nagkita, ngayon na lang uli kami nagkikita at nag-uusap na dalawa."

DIETHER ON OYO. Kung dati ay laging sinasabi ni Oyo Sotto na magkaibigan lang sila ni Kristine, ngayon ay inamin ng young actor that he's wiling to wait at "unconditional love" daw ang nararamdaman nito para kay Krsitine—isang pagmamahal na hindi kahit kailan hahanap ng kapalit.

Pero kinukuwestiyon ni Diether ang pahayag na ito ng binatang anak nina Vic Sotto at Dina Bonnevie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Akala ko ba sabi niya wala siyang intension na ganun? ‘Tapos ngayon sasabihin niyang handa siyang maghihintay and what he feels for Kristine is something unconditional? 'Yan ang balitang nakarating sa akin, kasi ang ipinapakita at sinasabi niya sa tao ay magkaibigan lang sila. Parang wala siyang isang salita," dire-diretsong sabi ni Diether patungkol kay Oyo.

Nagbitaw rin ng salita si Oyo na handa siyang kausapin at harapin si Diether kung kakausapin siya nito. Kampante rin ang binata na hindi aabot sa away ang kanilang pagkikita dahil hindi na raw sila mga bata.

Sa parte naman ni Diether, wala siyang nakikitang rason para mag-usap sila ni Oyo.



Ani Diether, "Bakit ko siya kakausapin? May ginawa ba ako sa kanya? May kailangan ba ako sa kanya? Kung may issue siya sa akin, kung gusto niya akong kausapin, nandito lang ako."

Paano kung isang araw ay si Oyo na pala ang ipalit ni Kristine kay Diether?



"Hindi naman ako magde-decide nun, si Tin-Tin," sagot ng aktor. "But whatever happens, I'll respect her decision. Mangyayari naman kung ano ang dapat na mangyari."

Kasama si Diether sa pagbabalik-telebisyon ni Claudine Barretto, ang Maligno na mapapanood sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN