Isabel Oli shines as TV actress but refuses to do sexy movies

"Iba kasi ‘pag movie na, parang... Saka hindi na rin naman uso ang sexy movies, bakit ko gagawin?" Isabel Oli says about daring scenes in movies.



Isabel Oli can do almost anything as a TV actress and billboard model, but not as a movie siren.

Reluctant star pa ring maituturing si Isabel kahit kaliwa't kanan ang tinatanggap niya ngayong papuri sa kanyang first kontrabida role sa Sine Novela ng GMA-7 na Maging Akin Ka Lamang bilang si Rosita, ang award-winning role ni Lorna Tolentino noon sa pelikula.

Kahit ang kanyang boyfriend na si Paolo Contis, nagugulat sa acting range na ipinamamalas ni Isabel sa nasabing afternoon soap, especially her daring. In one earlier scene, kahit isang seduction scene ang ginawa ni Isabel kay Polo Ravales, napuri pa siya ni Paolo.

"Sabi niya sa akin, ang galing ko raw palang mang-rape!" natatawang kuwento ni Isabel sa isang mini-presscon tendered by GMA Artist Center for her earlier today, February 20, sa T. Morato Ave., Quezon City.

Very supportive daw si Paolo kay Isabel at naiintindihan ng kanyang boyfriend na trabaho lang lahat ito. Biggest fan niya raw si Paolo and also her worst critic.

"Siya rin ang nagsasabi sa akin kung hindi kagalingan ang arte ko sa isang scene. Sasabihin niya sa akin, ‘Ang pangit ng acting mo dito.' Hindi naman ako makasagot dahil alam ko namang may 'K' siyang mag-comment dahil magaling na actor si Paolo," sabi ng model turned actress.

NEW FACE OF CINDERELLA. Natutuwa rin si Isabel na bukod sa kanyang Myra E endorsement, na nasa ika-apat na taon na ngayon, siya rin ang bagong face ng Cinderella. She is the first local celebrity na mag-e-endorse ng giant clothing store. In one campaign, she gets to be photographed in her two-piece, something she doesn't normally do or even approve of.

Ngunit kahit nagpapaka-daring si Isabel sa TV at sa endorsement, at kahit gustung-gusto niya ulit magkaroon ng pelikula, hindi agad siya makatanggap ng offers dahil sa mga personal restrictions niya. In fact, napakarami na palang movie offers si Isabel na tinatanggihan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang dami na, ang iba talagang big break. Kaso ano, e..." bitin na pahayag ni Isabel.

Hindi agad ma-explain ni Isabel ang ipinupunto niya, so we asked her kung ano ba ang mga offers na tinatanggihan niya. Bawal ba sa kanya ang kissing scenes with other men dahil kay Paolo?

"Hindi, ‘no!" mabilis niyang sagot. "Hindi siya nakikiaalam sa ganoon. Nahalikan ko nga si Polo sa show namin, e... Yung mga sexy roles. Pinapag-sexy nila ako, wala naman akong ipapakita."

Kung nakapag-daring si Isabel sa Maging Akin Ka Lamang at nakapag-two-piece siya sa billboard for Cinderella, why not on the big screen, lalo na't big break ito para sa kanya?

"Iba kasi ‘pag movie na, parang... Saka hindi na rin naman uso ang sexy movies, bakit ko gagawin?" ani Isabel.

SEX SCANDAL. Bigla niyang naungkat ang isang old news about her na may sex scandal daw siya.

"Ang cheap nun!" bulalas niya. "Nagalit talaga ang father ko. He was insulted. May sakit pa naman siya.' Tapos nakita ko ibinibenta compilation ng mga sex scandals daw ng mga artista, kasama sina Angel [Locsin], Katrina [Halili], ‘tapos ako ang cover at ang title ‘Isabel Oli Sex Scandal'!" Tawa nang tawa si Isabel.

"Hindi ko mapanood ng buo ang video, nahihiya ako. Pero sa start pa lang, alam mo namang hindi ako, ang laki ng boobs nung girl! Wala ako nun!" sabay tawa ulit.

"Naku, kung gusto kong sumikat, ang dali namang sabihin na ‘Yes, ako po yung girl.' ‘Tapos sabay launch ng isang sexy movie. Pero that's not me and that's not my style," pagtatapos ni Isabel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN